Mga nangyari ngayong araw at gabi na rin....
pagpasok ng gate ay diretso sa room at hindi na hinintay si Alexis o Maricel sa service di gaya ng nakagawian ko na. pagpasok ko ay ako lang ang naroroon at ang mga main cast sa play maliban kay Sam na isang fairy sa play. Nagkuwentuhan. Dumating ang ibang kabarkada sa TJ at sa THE OFFICIALS. nagiba ng kasama at sumama sa barkada. nagkulitan at nagharutan. medyo kinakabahan na sa play. dumating si mei at may dalang props para sa buhok ng mga cast. umuwi si mei at nagpaganda. lumipas ang ilang oras at malapit na ang play namin. kinakabahan at wala pa si mei na isa sa mga bida. dumating siya ngunit late. buti ay di pa nagsisimula. nagpraktis at nagcostume. magayos bilang clown (ako yun) at nagpraktis ulit. pinagalitan at kinantiyawan ng titser namin. magsisimula na. naramdaman na namin ang kaba dahil nagsisimula na ang kabilang klase. maganda! lalo na ang acting ni jolo. walang hiya hiya sa stage siguro ang motto niya. ayun tapus na sila at kami na. may 1 minuto para magprepare. hala! kinakabahan. pinahubad na sa amin ang tshirt namin dahil kailangan. hayun! nahihiya sa mga itsura. pero di na namin pinansin ang tawanan ng mga audience. hayan na ang part ng sayawan. nakasayaw ko ang babaeng aking pinapantasya, si toni. nagsigawan. ang sweet daw. natuwa ako sa loob loob. tapus na at bumaba ng stage. pinaghintay kami ng limang minuto para kompyutin ang scores. hayan na nagannounce na ng winners. yes! nanalo si vicky sa imprmptu contest bilang third place. hala! announcement na ng winners sa platy. sa 1st year ay ang st. lorenzo sa 2nd year ay ang st. ann at sa 3rd year ay ang... section NAMIN. tuwang tuwa kami. umakyat na kami sa stage para sabitan ng medalya. umakyat na sa room pagkatapus. nakalock ang pinto. naghuntay ng 10 minuto. bukas na. kumain at umupo. nagkulitan at nagkuwentuhan. dumating si mam mel. wala lang. tuloy pa rin sa aming mga ginagawa. pinaglaruan ang kapatid ni kathleen. awasan na nanood ng training. hindi ako sumali ngayon dahil sa masakit ang katawan. lumabas ng skul para ihatid sila gela at krizi sa tapat na bahay. iniwan na ako. si floyd na lang ang kasama ko. nakita ang TJ's sa iniiwasan ko ngayon dahil sabi ng tatay ko ay huwag bumarkada. masunuring anak. dumiretso sa sakayan ng tribike at sumakay kasabay ang BURLOLOY's na barkada sa 1st year. nagkuwentuhan tungkol kay jemi na ex-GF ko. hayun at nasa ANISCI na kami. naglakad ako samantalang sila ay sumakay. masaya kasi. nakita ako ng adviser ko. naku baka isumbong ako. bawal na kasi akong maglakad pauwi. nawala na sila sa aking paningin. ngunit sa bandang agrix ay nakita muli. lumiban ako ng tingin. pumunta sa square at nakita si mei mei at ang pinsan niyang si ate erika. kumain kasabay sila kei at ej na iniiwasan ko din ng tingin (si ej) dahil sa isang insidenteng sangkot ako. ayan nagpatawa si mei. nagtawanan. tumayo at nagpunta sa cell shop para magtanong tungkol sa sira ng cell. bumili sa baryaballs ng iced coffee. bumili naman ako ng zagu para pasalubong sa aking nanay. naglakad kasabay sila mei. hinatid sila sa may scissors. ako'y umuwi ng naglalakad. nakarating ng bahay. diretsong higa at inom. dumating na ang ate ko at nagpasama maginternet. pero nagkwento muna siya tungkol sa nangyari sa PBB. kumain ako saglit ng tsokolate. umalis na kami ng ate at nagpunta sa deigratia na isang computer shop. nagYM muna ako na nasira namn kaya hindi natuloy. nagfriendster. pagbukas ko ay may hindi naglogout kaya inadd ko ang account ko. nagbukas ng panibagong frienmdster. wala pa rin. nag logout. at ayan na. nagblogger.com na ako na ginagawa ko ngayon. at ayan na tapus na ako. nakuwento ko na ang nangyari sa araw at gabi (na rin) ko. END
No comments:
Post a Comment