Init at Hirap
namimilipit sa init
init na hindi mawaglit
mula ulo hanggang talampakan
ako ay pinagpapawisan
tila hindi dahil sa panahon, kundi
dahil hindi ako mapahinahon
ako ay puputok
aapaw
hindi ko na matiis
ang galit sa mga problemang...
hindi malusutan
ako ay namimilipit. hindi ko na matiis. tila ako ay nagugulumihanan sa mga nangyayari sa bawat araw na ginawa ng Diyos. kay rami na lamang problema. oo, puro problema. wala na akong ibang iniisip kundi problema. wala bang babalot na kahit konting kasiyahan. kahit panandalian lamang.
nangunguna na ang aming pagsusulit sa susunod na linggo at ang febfair sa parehong linggo. hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. kasiyahan o ang kahirapan. marahil iisipin niyong ako ay tanga kung ang pipiliin ko ay kasiyahan. pero hindi pwede/kayang palampasin ang konsiyerto ng SUGARFREE at ang Y-SPEAK sa UPLB. mahirap, sobrang hirap.
ako ay nahihirapan. hindi alam kung saan susuot. hindi mapakali. hindi makapag-isip. kailangan kong galingan sa darating na pagsusulit sa isang linggo. kailangan kong makapasa. makakuha ng matataas na marka.
ang aking isusuot sa prom. hindi ko pa naaasikaso. hindi ko alam kung saan bibili. kung saan magpapagawa. mahirap. mahirap.
at ang huli ang aming graduation. hindi ko lubos maisip na malapit na ang araw. ang araw kung saan kami ay magkakahiwa-hiwalay. kung saan ito na lamang ang huling gabing aming mapagkakasiyahan na magkakasama. tama nga, ito nga ang pinakamasayang panahon sa buhay mo. ang HS LIFE. ang hirap isipin talaga na magkakahiwalay na kayo. at iba ay lilipad patungong ibang bansa.
2 comments:
Leaving high school?
I'm feeling the contrast with what you're feeling. Anyway, just enjoy the last days. As you've said, these coming days are the last days. Why spend it over thinking and mourning on your problems?
mamilipit ka man sa sakit..
dahil sa tindi ng galit
at dahil sa damdaming
nakakulong sa sarili,
ang mga problemang iyan ay hamon lamang sa iyong pagkatao.
sa bandang huli, malalagpasan mo rin naman iyan.
hindi ka pababayaan ng Diyos.
ako man ay nahihirapan na rin. ngunit tinitiis ko na lang ang lahat ng hirap at pasakit ng problema.
sa bandang huli, ikaw ang mamamayani sa sarili mo.
huwag kang matakot.
ang buhay ay puno ng mga pagpipilian. life is a matter of choices. be careful of what to pick.
eto na.. malapit na tayong magtapos ng high school. habang tumatagal, nakakalungkot na talaga. sobrang nakakalungkot. pero kailangan nating harapin ang katotohanang malapit na tayong maghiwa-hiwalay.
masakit mang isipin ang lahat, marami namang masasaya at makukulay na alaala.
mabuti pang magprom na lang. sana'y maging masaya ka.
ako, http://gusot.wordpress.com
Post a Comment