Sunday, November 19, 2006

PILIPINO ANG TUMAPOS

PILIPINO ANG TUMAPOS

ano pa nga ho ba ang pupuwedeng masulat ngayon. siyempre ho. ano pa nga ho ba. e di ang nangyaring sagupaan nila manny at erik. oho. iyong boxing ho kanina. sino pa nga ho ba ang mananalo kung hindi ang nag-iisa nating pambato sa boxing, si manny pacquiao. kung isa ho kayo sa mga contacts ko sa aking account sa ym ay marahil natanggap ninyo ang GM ko sa inyo. oho. sa RCTI ko ho napanood ang laban. marahil ay sinuwerte lang ako. malikot kasi akong manood. kaya ayon palipat-lipat habang may patalastas pa sa abs-cbn. e sa kagandahang-palad, ayon, napapunta ako sa RCTI na isang Indonesian Network. hindi nga ho ako makapaniwala. mas nauna silang mag telecast ng laban. kaya ayon. hindi ko na pinalampas. pinanood ko na ng tuluyan. actually, round 2 na ang aking naabutan sa laban sa RCTI. pero sakto naman ang pagkahilo ni erik at muntik na siya natumba. pero pagdating ng round 2, doon siya tuluyang natumba. ngunit, NGUNIT! nakatayo pa eto. pero mga ilang segundo lang ay hindi na niya nakayanan. suntok dito, suntok doon. at doon, DOON! doon na talagang natuluyan si erik. natumba. pero, hindi na nakabangon. at siya ay sumuko na. kahit na sinasabi ng kanyang ama na tumayo pa. ang sagot lang nito ay iling (napanood niyo ba iyon?).

kaya ngayon. ang buong pilipino sa buong mundo ay nagdiriwang sa kanyang pagkapanalo. dahil sa tapang, lakas at tiyaga. nakamit ni manny ang tagumpay. hindi lamang ng isang boksingero pero pati na rin ang kanyang pagkapilipino.

No comments: