Monday, November 27, 2006

USTET

USTET

bukas na lang ako mag cecelebrate ng ika100 kong post. at eto ung ika100 ko. sa ika101 na lang ako magcecelebrate

shiyet! saya talaga kahapon. biruin mo. galing akong USTe kahapon. e aun. ang sched ko ay 8:00 am to 12:00 pm. e aun. umalis ako ng bahay ng mga 4:30 am. at nakarating roon ng mga 6:00 ata. tapos ayun. may mga nakikita kita na akong mga magtetest. may mga hawak na folder, bag, permit. e aun. ako naman. lakad siga. rayban shades na nakasabit sa damit(hindi pa nakakasilaw sa mata e), tingin kung saan saan na pangsiga ang mata. e aun. walang nangyari. pumila nga kami. mahaba na pala ang pila. tapos aun. 8th floor nga ako. room A806. memorize ko pa, laway kayo. tapos ang permit no ko ata un. 23237. laway. tapos aun. at pumila pa rin kami bago pumasok. at pagkapasok ko. puro vandal ang mga mesa. pero astig. ibig sabihin pede din akong magdrawing pag doon na ako nag-aaral. astig. tapos ayan na nga. dumating na iyong magbibigay ng test. mjo bata pa. ma'am che ang pangalan niya. tapos inarrange kami alphabetically. tapos aun. napahiya pa nga ako sa katabi ko. kasi english ako ng english. sabi ko. "i believe i should sit there". e aun. nalaman ko lang ng tapos na iyong eksam na dapat nga doon nga siya nakaupo sa inuupuan ko. lintik. tapos nga balik sa eksam. ung unang eksam sa mental ability. kala ko madali lang. e aun. nagtaketime ako sa isang number. malaman laman ko lang ubos na pala ang oras. pero iyong 3 pang test natapos ko agad. tapos tinanong. kung sino daw magshishift sa fine arts. sasabihin ko sana ako. e kaso napagisip isip ko. ikayayaman ko ba yon? miski passion ko ang gnun(iyong mga ganun nga... basta, pag naging kaklase niyo ko malalaman niyo). tapos naisip ko rin. pede ko naman matutuhan iyon sa pamamagitan ng mga libro. o kaya umatend ng mga workshop. tapos aun nga. lumabas na. at naghintay matapos ang iba kong kasama na panghapon pa ang eksam. habang naghihintay ay kumain muna kami sa kfc. tapos umalis ng sandali sa ust. tapos bumalik. naglibot libot. at KUMAIN SA ICE CRAZE!!! sarap. may kamahalan nga lang. pero worth every penny (sa case natin piso). SSAAAAAAAAAAAAARRRRRRRAAAAAAPPPPPPPP!!!! tapos sa anrami talagang magaganda sa mga nagtest. may mga chinita. tapos ang kikinis. shiyet! doon na talaga ako. tapos aun.6:00 pm na kami nakaalis. tapos diretso MOA. at last! naabutan ko na ang globe na nagiiba iba ng kulay. sabi ko nga sa isang balager. "sana magkaroon ako noon sa kwarto ko". e astig naman talaga e. e aun. pumasok na kami. naglibot libot at kumain sa tokyo tokyo. dapat nga sa teriyaki boy. kaso nakita na namin iyong menu. e aun. naalala namin mamimili pa kami. e pinalinis pa naman namin iyong table sa loob. napahiya tuloy kami. pero kaya naman talaga namin i afford. barya nga lang iyon sa amin. hehe. tapos iyon nga. mixed sushi inorder ko red iced tea at choco mousse. ung choco mousse. inuwi ko na lang. tapos iyon. nakakainip sumunod sa mga kasama ko. kaya ayun kaya naman noong nabigyan ako ng pagkakataon(ung time na nagCR sila, e aun. matagal pa naman sila magCR. panu mga babae. baba panty, uupo, maghihintay lumabas ang ihi, eenjoyin ang pagupo sa malamig na bowl, itataas ang panty at pantalon, lalabas at maghuhugas at makikipagkwentuhan pa ata sa loob, at hindi ko na alam ang ginagawa nila.) e aun. sugod ako sa bench at sa nat'l bookstore. at eto ang mga binili ko: boxer brief. boxer shorts. alamat ng gubat ni bob ong at FHM DECEMBER NA SI IWA MOTO! at last kumpleto ko ang issues ngaung year. tapos. ayun. naisip ko bigla. siguro kung iyong barkada ko ang kasama ko mas mageenjoy ako. hindi ko naman sinasabi na hindi ako nagenjoy. pero mas masaya siguro kung sila ang kasama ko. saka magkakasundo kami sa mga pupuntahan namin. di ko tuloy nakita iyong mga bagong sapatos ng lacoste footwear. tapos un nga. basta 12:00am na ako nakauwi. ge. kakatamad ng magtyp. ge! tutulog na ko. antok na ko. zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz. ano??? tulog na nga ako!!!! ge! putek!!! tulog na! wag ka na magcomment di na ko umaasa! ge! hehe... ge

No comments: