Tuesday, March 27, 2007

Philippine Blog Awards

The awards nights is closing in really fast and we’re all busy preparing for it. Here’s your chance to get invites for the awards night:

1) Blog about the awards night on your blog. Include your email in your post.

* here's my email add: baylon_werx@yahoo.com

2) Link to this entry.

*ok na!

3) Leave a comment here so we’ll check out your blog and send you an e-Ticket via email.

*ok na!

4) Reply to that email with your complete name and blog URL.

*ok na!

The e-Ticket will serve as your pass to the Awards night. It’s limited seating so we cannot guarantee everyone to get a pass but its first come first serve.

There’ll be around a hundred tickets or so. Once you get your e-Ticket in your email, print it and bring it on the awards night so we can exchange that with the real one. That will also serve as your raffle ticket to the mobile phones and iPod that we will raffle off during the event.

Philippine Blog Awards
Awarding Night
March 31, 2007
6PM - 8PM
Podium 4, RCBC Theater
RCBC Building, Ayala cor. Buendia Ave., Makati City
Attire: Semi-formal to formal

Wednesday, February 28, 2007

PROM

pre pre prom:
kakagalin lang sa isang matinding galaan. galing sa febfair. nagliwaliw at nagsaya. masaya naman. gala dito gala doon. bumili ng sungay. astig. basta. di ko maexplain.

pre prom:
so aun. 5 days before prom. e di siyempre kinakabahan ka na. kasi hindi mo pa alam kung may isusuot ka na ba sa mismong prom day. e aun. buri nalang. ngaun pala kami mamimili. so aun. isa pa sa kinakakaba kaba ko e baka hindi masunod ung dinrowing kong design. e aun. so hindi ko pa alam kung saan pa kami mamimili. sabi ko nga alabang town center nalang. e aun, hindi pala. sa megamall nanaman. kakasawa na doon e. e aun. bago kami makadating doon ay... shiyet. pinababa kaming mga lalake at kakapkapan daw. anu kami kriminal. check point pala. bale nakadating kami doon mga pananghalian na. kaya aun, gutom to the max. kaya anu pa ba ang gagawin. hanap na ng malalafangan. nung una, tinanong ako. saan daw? sabi ko kahit saan, wag lang doon sa meron sa LB. kaya aun, wendy's daw. waaah! yoko dun. mura! hehe. so ang katabi noon ay sbarro. doon nalang daw. yes! sarap. bango. so namili na ako ng pizza. ang name ata ay mushroom melt. tapos nag-isip pa ako. magsspaghetti pa kaya ako? so aun, nagspaghetti naman. tapos gusto ko ng fruit salad. kaso ayaw nila. kaya wag nalang. so ayon. excited na ako. umupo na kami. siyempre. paformal formal epek pa ang loko. pasosyal. nakikiride sa mga katabing table. pero pakiramdam ko sa sobrang sarap at ganit ng pizza, ay kinamay ko na ata at tinaas ang paa sa upuan. shit. just like bahay, ercon nga lang at malaki ang pizza. woohoo. sarap e. tapos ung ispaghetto made from scratch ung sauce. hindi! hindi kinamot. sa aun kahit maasim ay masarap naman. anlaki ng meatballs. mas malaki pa ata sa yagballs ko. shiyet. i wish i wish wishy wish wish. so aun. busog to the max. sinamahan pa ng himagas ng blueberry cheesecake. sarap. maiimpacho na ata ako. tapos ayon. nagsimula na maghanap ng bibilihan ng pamprom. una naming pinuntahan ay surplus. eeeewwww. so much to my luck, wahahaha, walang panlalake. kaya aun. hanap ng sm department store. waaah!
puro sarado. lakad lakad. taas. baba. tuwad doon. tuwad dito. takbo. gapang. luhod. at last. may isang department store na bukas. naghanap. AYUN!!! just what my friend advised me. Onesimus. tumingin ako. shiyet. 5K tingin muna tayo sa iba. sa Van Heusen. 3.5K. mura. mmmm. lakad lakad. naghanap naman sa mga botiques. 7K. waaaah. cant afford. so aun. shiyet. maganda pa sana. biruin niyo malaking pardible ang nagsisilbing nutones. wala ngalang small na size. kaya aun. hanap. balik sa department store. balik sa iba. may inoffer ung isa. mukhang peke. ayoko nga. pumunta sa Onesimus. gusto ko nito. gusto ko ng slim fit. at dito lang meron nun. halos 5K na. kasi 4999 un e. pero ung isa ko namang gusto e 5.2K kaso mukhang luma naman ung tela. kaya aun. ayaw nila at mahal daw. di ko na ikukuwento ng detalye. ayon. nagwalk-out ako. nowhere to be found ang bida niyo. pano ba naman ay lumabas ako sa mall at napapunta sa napakainit na labas ng dunkin donut. tawag sila ng tawag sa cell ko di ko sinagot. nagpainit. bumalik. at pinuntahan kung saan ako kanina. nakita ko nanay ko. lumayo ako. shiyet. nakita pala ako. kim! kim! hinintay kong lapitan ako. sabi ko umuwi na tayo. sabi naman, o eto na bayaran mo na. e hindi pa un talaga ung gusto kong design. sabi ko umuwi na nga tayo sabi e. lumapit. anu bang gusto mong kulay. shiyet. may kausap ng salesman. so aun. napilitan ako. namili. un din naman ang binagsakan. waahahahaa. slim fit! yeah! so aun. nabayaran na. at umuwi na. uhaw na ako. sabi naman nila. pagkasakay na sabus. yuck! baka marumi un. sige na nga c2 a. aun. nasa biyahe na kami pauwi.

so eto ang kwenta ko... hindi kasi set un pag binili.

bale 4,999.75 sa slim fit na suit
1,500 to 2,500 na pants na katerno
795 na long sleeves

un lang. bale black lahat. mejo pinstripey ang texture ng aking suit. ung necktie magpapatahi na lang sa rustan's. joke. mahal dun. sa tita ko lang.
tapos nagpatahi na rin ako ng kaewanan na pandagdag saplot na parang pampare.

bale ang bili ko sa tela ay 45 per yard
2 yards silky white = 90
1 yard silky black = 45

bale lahat ay. 7429.75 to 8429.75

woah. okay din a. plus 200 for the batteries for my digicam. bale 7630 to 8630 ang lahat lahat na nagastos ko sa prom.

wahahaa.

prom PROM!!!:
ok lang. mukha daw ako pari. hehe. masaya naman kahit hindi nanalong prom king. hehe. sayaw ng taktakmo. di ako satisfied sa pagkain di masyado masarap.
mga 1 na ako nakauwi e. 2 kaming huling umalis sa venue. panu ba naman lakaran lang ang bahay namin.

post prom:
hindi ako pinayagan magovernight sa despedida sa prom night. kaya noong umaga nalang ako pumunta. sa patio damiano ung resort. nagdala ako ng pagkain.
kahit hindi ako marunong lumangoy. sulong pa rin sa pool. saya e. katamad ikwento e.

KATAMAD MAGKUWENTO NAGYON. KWENTO KO NEXT TIME!!!!

Sunday, February 25, 2007

Lyrics nung nasa baba...

copy, paste lang ito mga utoy... pagpasensiyahan kung mali mali ung spelling nung iba....

This is from a mans point of view
fellas sumtimes we gotta tell them ladies
to the right to the right
aha yea get the steping
to the right to the right
to the right to the right
thats where im going in the middle of the night

in the closet thats your stuff
but trick i brought it so bitch dont touch
you talk alot of bullshit allright
but while you walk and talk
imma get mine now
it my name thats on your lass
you bald-headed rat trying to get rid of that

back up out my face broad im really not trying to talk to you
talking about im never gonna find a girl like you
you must got me fucked up

you must not know about me
you must think im playing
i can have another you in an hour
matter fact shes up stairs in the shower-baby

you musy not know about me
you must think im playing
i can find another you on the corner
so dont you every for a second get to thinking your irreplacable

trick give me my phone
so i can call my chick and see if shes home
oh shit i forgot that shes already home
what did you think i was putting you out for
cause you was unreal kinda like the horse that is sitting on the back of your head
baby fix them teeth seeing your
face is so old to me
back up out my face broad im really not trying to talk to you
telling me im never finding a girl like you
boy you got me so damn twisted

you must not know about me
you must think im playing
i can have another you in a minute
matter fact she'll drive up in a minute baby

you must not know about me
you must think im playing
i can have another you in an hour
so dont you every for a second get to thinking that your irreplacable

so since im not your everything
im not giving you anything
nothing at all to you
baby im not giving you nothing noway
go ahead and shead your tears
cause the truth of the matter is replacing you was the last tear

to the right to the right
to the right to the right

gotta gotta go the the ri-ight

to the right to the right
to the right to the right

to the right to the right
to the right to the right

to the right to the right
to the right to the right

so dont you every for a second get to thinking
what?
get to thinking
what?
get to thinking your irreplaceable

you must not know about me
you must think im playing
i can have another you in a minute
matter fact she'll be here in a minute baby
you must not know about me
you must think im playing
i can have another you in an hour
matter fact shes up stairs in the shower ohhh

you must not know about me
you must think im playing
i can find another you baby
theres so many of you baby

you must not know about me (two timing)
you must think im playing (back stabbin, heifer-lyin)

all ways needing
i need something but the truth is
you have allways been replacable ohhh
please see yourself out this way

"Irreplaceable" version ni JJ



astigin. pakinggan. makiisa. hanapin ang lyrics!!!

Friday, February 16, 2007

FEBFAIR

so ayon nga. kakagaling ko lang sa FEBFAIR. walang kalatoy-latoy. parang hindi fair. hindi ito kasing saya di tulad last year. hindi na nga uso ang henna e. pati wall climbing hindi na ako nagtry. kakatamad kasi. ang masaya lang na part e nung wala iyong TJs at nung bumili ako nung SUNGAY na hairband na nailaw. kaaliw e. kaya aun nga. 11 ng gabi na ako nakauwi. at balak kong manood ng mubi ngaun. MY BESTFRIENDS WEDDING. astig daw kasi. last time ko na napanood to ay nung grade 1 ata o prep. e aun, wala pa naman akong kamuangmuang sa mga ganun. kaya aun. kwento ko na lang sa ibang araw ang ibang nangyari sa FEBFAIR.

at saka nga pala. parang nakita ko na ang LEGENDARY na si BULITAS. ayun. basta nagkatinginan kami tapos parang namumukaan ko un.

tapos after sa baker i went to square. ayun. puno rin. ewan ko. anraming tumingin sa akin. ang suot ko ay sleeveless na shirt. checkered cargo pants. denim chucks. cap. at ung SUNGAY na ginawa kong kwintas. hehe. astig nga e.

Saturday, February 10, 2007

Init at Hirap

namimilipit sa init
init na hindi mawaglit
mula ulo hanggang talampakan
ako ay pinagpapawisan

tila hindi dahil sa panahon, kundi
dahil hindi ako mapahinahon

ako ay puputok
aapaw
hindi ko na matiis
ang galit sa mga problemang...
hindi malusutan


ako ay namimilipit. hindi ko na matiis. tila ako ay nagugulumihanan sa mga nangyayari sa bawat araw na ginawa ng Diyos. kay rami na lamang problema. oo, puro problema. wala na akong ibang iniisip kundi problema. wala bang babalot na kahit konting kasiyahan. kahit panandalian lamang.

nangunguna na ang aming pagsusulit sa susunod na linggo at ang febfair sa parehong linggo. hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. kasiyahan o ang kahirapan. marahil iisipin niyong ako ay tanga kung ang pipiliin ko ay kasiyahan. pero hindi pwede/kayang palampasin ang konsiyerto ng SUGARFREE at ang Y-SPEAK sa UPLB. mahirap, sobrang hirap.

ako ay nahihirapan. hindi alam kung saan susuot. hindi mapakali. hindi makapag-isip. kailangan kong galingan sa darating na pagsusulit sa isang linggo. kailangan kong makapasa. makakuha ng matataas na marka.

ang aking isusuot sa prom. hindi ko pa naaasikaso. hindi ko alam kung saan bibili. kung saan magpapagawa. mahirap. mahirap.

at ang huli ang aming graduation. hindi ko lubos maisip na malapit na ang araw. ang araw kung saan kami ay magkakahiwa-hiwalay. kung saan ito na lamang ang huling gabing aming mapagkakasiyahan na magkakasama. tama nga, ito nga ang pinakamasayang panahon sa buhay mo. ang HS LIFE. ang hirap isipin talaga na magkakahiwalay na kayo. at iba ay lilipad patungong ibang bansa.

Monday, February 05, 2007

UST! goodbye, hello, and goodbye again...

anak ng. englishan na naman to. f***. you know i'm not really good in spokening dollar but it goes hope so went go well. wahahahahaha!

so everything was just going fine yesterday, until my dad called. he talked to me much about the ust thing. i was comfortably talking to him because i know he would allow me to study in manila. but much to my surprise, he took it back. yeah! he took back the permission from me, to study in ust. i know, so my emotions overflowed like the la mesa dam. fuck, all this time i was thinking of, where would i live in manila, how will i survive in the day to day life there, and the people who are awaiting me there in ust. but in just a flick of a second he took it back. god damn it! it wasn't really easy to overcome these emotions of anger. i'm so mad at him. but i can't do anything about it. he rules. he got the power. and while me (or I, i dont care), i'm just a slave. a follower.

but. but. but.(hahaha)my prayers was heard...

just this morning, he called again. so i didn't let the chances pass, so i keep on insisting that i want to study there. so he made a condition. if i pass the entrance exam for lyceum and perpetual, he would allow me to study in manila. yay!!! but, what if i... waaaaaah!!! okay, i'll focus. i will pass the exam. i will pass the exam. I WILL PASS THE EXAM!!! haaaah!

okay! i'm looking forward on passing the two entrance exams. i hope it will go smoothly.

f***. mali mali grammar ko. (f***. wrong wrong grammar me, hahahaha)

"paxenxa na sa mga tao na nagbabasa. asar kasi iyang bbk na yan. ang corny e. bawal daw magmura. s***. inaanounce ko na ngaun na ang bbk ay mura na... BBK BBK BBK BBK!!!"

Sunday, February 04, 2007

Insanity 4307

starting today. i'll be posting my journal from my computer. mas madrama un. nako. saka ingleshan un. naku naku. mali mali naman ang gramar.

God! I’m so tired of my life. The only solution I could think of is to be isolated or to kill myself. But what really made me tired of this life is the people around me. It seems like their ignoring every inch of me like the Angel’s Breath in every bouquet of flowers and like the pickles in every burger you eat. You know, it’s really hard living my life. I always dreamt of being famous or what. But it never did. Maybe that is just the way it is. I’m so tired of this games, popularity thingamajigs.

Every time my birthday comes. I wake up at midnight and wait for someone to sms me. But I am waiting for nothing. Every time I go to school during my special day, it seems like it’s just an ordinary day for my classmates. But it is not the treatment they do for some of my jock-like and cheerleader-like classmates.

Well, I guess that’s life. There should always be someone on top and at the bottom. And in my case I’m the one at the bottom.

Thursday, February 01, 2007

etc...

so ayon nga. medyo matagal-tagal din.

ayon. anrami nangyri. kagabe. galing ako sa patay. namatay kasi ang tatay ni carlos. 82 na siya. kaya ayon. nakipaglamay ako. 10 na nga ako nakauwi. nakakaawa nga si carlos. kaya ayon pinahiram ko ng bonnet kasi nilalamig. hehe.

pero ayon. op nanaman ang inabot ko. pero buti na lang may ibang nagmagandang loob na kausapin at tabihan ako. kasi iyong inaasahan kong kakwentuhan ko e nagpasikat lang sa mga soccer friends nila. tangina nga e. kabarakada pa man din. tangina niya.

anrami ko talagang hinanaing.

_______

tapos naman. sa sci congress namin e most promising naman ang project naming homemade stungun. astig! nanalo kami.

_______

hanggang ngayun e di ko pa rin alam ang ipupursue ko sa kolehiyo. pakiramdam ko pinayagan na ako ng aking nanay kaya kailangan kong mas bumait. hehe

_______

kakakain ko lang ng apple pie. shiyet lasang bulok e.

_______

nakalimutan ko na ang iba ko pang ikukuwento...

Friday, January 26, 2007

I Quit!

isang linggo rin ang lumipas mula noong ako'y huling nagupdate. naging uber busy kasi ako. sa mga tests at sa kakaaral na wala rin namang pinatunguhan. hayon at 2 nanaman ang bagsak ko. ewan ko kung dadagdag pa ang calculus. lintik na calculus kasing iyan. bwaka talaga. walang kwenta iyong nagtuturo sa amin. wala naman akong galit, inis or such. hindi lang talaga siya para sa pagtuturo. ewan ko ba. lintik siya.

onga pala, nakabili na ako ng grey's anatomy na dvd: season 1-2 at south park:season 1-10 ayon. shit, pati nga pala one tree hill:season 1-3. ayon. iyon ang pinapanood ko ngayon.

eto nga pala ang pinaka main na istorya:

ewan ko. wala na talaga akong paglagyan na barkada. pota talaga. mas maayos na ata kung mag-iisa na lang ako. wala na talaga.

kila krissy kasi. pota talaga, e katulad na rin siya nila vin. porket hindi na magkaklase anrami na nilang sinisikreto. kaya, ayoko na. mahirap din kasi. may attitude problem din kasi si krissy ng kaunti. ewan ko, sa isang iglap bigla kang babarabarahin. kaya aun.

tinry ko kila mei. wala rin. walang kwenta kasi puro babae. hindi ako makarelate.

at eto na ang blockbuster. pota itong mga ito (pwera kay rey siguro). kilala niyo nanaman kung sino ang mga TJs. pota talaga sila. akala nila kung sino silang haharihari. ewan ko, sabi ni elmer lagi "Tara, sumama kalang kasi sa amin." e tanga pala siya e. ilang bese na akong sumasama sa kanila e wala rin naman. parang napapagiwanan lagi ako at nasa isang sulok pa rin. tapos para talagang lumalabas na sinisiksik ko iyong sarili ko sa kanila. tanggap ko na nga na hindi na ako parte nila e. pinapaasa pa rin ako noong iba. kala nila kung sino silang makapambully minsan. aasarsarin ka nila kahit na medyo nakakasakit. pota. burn in hell. tapos ang iba pa sa inyo sa ust. siguro dati sabi ko sa ust tayo. e pota, hanggan doon ba naman kayo ang magiging hari. abay, give chance to others naman. gusto ko rin maranasan iyon. mga pota. wala naman akong paki e. e sana lang e tantanan nila ako at huwag nang kukulitin kahit kailan na parang kasali ako. pero salamat na rin ke elmer, iyon lang nasasabihan ko ng problema kahit bad trip kang pota ka. hehe.

Tuesday, January 16, 2007

Shower (ng Laway)

*yes! hindi pa kinukuha iyong PSP sa bahay. pero hindi ko siya malaro ngayong madaling-araw. pota, lowbatt. ubos ang baterya. hindi chinarge. asar talaga. ang aga ko pa naman gumising uli ngayon. haaaay. well, eniwei, hindi iyan ang entry ko ngayon.

pota, wala talaga akong maisip na maipost ngayon. walang pumapasok sa isip ko. i guess, nararanasan rin ito ng karamihan. lalo na iyong mga bloggers.

ahm? ano kaya?

a. kwento ko na lang iyong nangyari kahapon.

O? mga bata. handa na ba kayo makinig sa aking istorya? eto na siya (matuwa na lang kayo!):

Kahapon kasi, Enero 15 2007, Lunes, ay hindi masyadong ordinaryong araw. Ang ordinaryong araw kasi sa akin ay iyong pagkapasok ng kwarto ng aming eskwelahan ay diretso sa aking upuan at mananahimik. Matutulog man o makikinig sa titser. Pero kahapon ay hindi. Pumasok ako ng kwarto, tumabi sa kaklase ko na hindi ko naman talaga katabi at nakipagkwentuhan. Marahil, dahil na rin alam ko na wala masyadong gagawin ngayon gawa ng NCAT. Kaya ayon, masaya naman. Pinagusapan namin kung saan kami papasok. Ayon, edi sabi ko, "Ako sa USTe siguro. Gusto ko dun e. Ganda!". Tapos sabi niya, "Ako sa PAMANA na lang, magNunursing ako!". Tapos ayon, sabi ko, "Nursing? edi mag USTe ka na lang. May sarili pang ospital!". Doon umikot ang aming kwentuhan. E sa tingin ko kasi walang kwenta iyong papasukan niya. Bukod sa maliit na ang ospital nila ay parang mga tambay iyong mga estudyante doon. Ewwww! hehe.

Nakailang saway din ang aming guro sa amin. Nagtatawanan din kasi kami gawa iniimagine namin kung sino iyong mga maagang mabubuntis at iyong magiging tambay lang sa mga kaklase namin. Kaya ayon.

Natapos rin ang klase sa Economics. Pagkatapos noon ay wala ng klase sa lahat ng subjects. Pumunta ako sa kapitbahay, ang St. Perpetua at nakipagdaldalan nanaman sa aking mga kapwa kamag-aral. Nakipaglaro din ako ng Monopoly. Second time ko lang maglaro ng Monopoly kasi noong isang Linggo lang ako natuto. Tapos ayon, hiniram ko iyong Monopoly para dalhin naman sa aming kwarto para iyong mga kaklase ko naman ang makinabang. Kaya ayon, pumayag naman iyong aking kamag-aral. Kaya saya-saya lang. Lima kaming naglaro. Ang saya-saya. Tapos nun. Parang bonding session na lang. May naging mas kaclose ako dahil sa larong iyon. Tapos simula noon, naging madaldal na uli ako at nangungulit.

Natapos ang unang laro ng may 8 bahay ako at 2 hotel. $1135 lang ang pera ko. sa next round. Naka 8 bahay uli ako at 2 hotel. Tapos sa next round, tinamad na ang lahat dahil sobrang pagod na kami sa kakatawa at sa kakabato ng dice. Kaya nagpasya na kami magligpit. Siyempre itinago namin sa kwarto namin iyong Monopoly para hindi makuha ng may-ari. Ahihi.


sobrang saya talaga ng araw na iyon. anraming nangyaring maganda. sa katunayan may napatunayan ako. Saka may nabuo akong Teorya.

*Pag pala tahimik ka, as in sobrang tahimik na kahit kulitin ka ng kabarkada mo e hindi ka umiimik o tumatawa. Tapos biglang isang araw ay iingay ka at dadaldaldal. Ay, Diyos ko. Maawa ka sa kaharap mo. Sangkatutak na shower o talsik ng laway ang aabutin niya.
ganun kasi iyong naranasan ko at iyong naranasan ng katapat ko. wehehehe.

Monday, January 15, 2007

PSP, Tulak, Gutom

naku. at last nalaro ko na rin ang PSP dito sa bahay. sa tagal tagal na rin ng aking hinintay na pagkakataon. buti at ang aga ko gumising ngayon. at ayon nga nakalaro ako. ang bala ay Dragon Ball Z blahblah Budoka. ayon. ganda ng graphics. tapos crystal clear iyong sound. actually, sa manliligaw ng ate ko iyong PSP. e nung last Monday lang sa kanya ipinahiram para lagyan ng mga songs. e ngayung Monday na kukunin. at hulaan niyo. Cueshe pa ang gustong ipalagay. Cueshet. This guy needs some major music transformation. From Cueshet shet. To Spongecola Ooh Lala. wahaha. saan ko nga ba narinig iyon? wah, nevermind. ayon nga. hindi ko pa pala nakukuwento kung bakit hindi ko magawang mahiram iyong PSP. sige. ikukuwento ko na...

Noong sabado, noong isang linggo. Eksaktong 11:49 ng umaga, ako ay nagising dahil sa ingay ng mga bata. Tila isang espesyal na araw ito. Kaya ako agad bumaba. Dumiretso sa aming tindahan at umupo ng sandali. Ako ay napaisip, "Ano kaya masarap kainin?". Kaya ayon, Pancit Canton! Kaya bumili ako ng 2 Sweet and Spicy at 1 Kalamansi. Pumunta ako sa aming kusina at nagpakulo ng tubig. Habang hinihintay ko kumulo ang tubig. Ako ay nagcomputer pansamantala. Naglaro ng Pokemon pansamantala. Matapos ang ilang minuto. Bumalik ako sa kusina at mukhang malapit na kumulo ang tubig kaya hinintay ko na lang. May sumigaw, "Kim, pakipindutin na lang itong Computer. Maglalaro daw si Timmy ng Pokemon.", sigaw ng aking ate. Ako naman, "Sandali lang, may ginagawa!". Kaya ayon nga, naghintay pa ako ng kaunting saglit. Sumigaw na naman, "Kim! Paki pindot mo na ito. Naglulupasay na sa sahig itong si Tim!". Sabi ko, "Aba'y! Sandali lang naman. Kitang may ginagawa!". Tapos ilang segundo lang ay lumabas na ang aking kapatid sa may kusina, "Gaano ba katagal pindutin iyong Computer?". Kaya ayon, buwisit na buwisit na ako. E Gutom pa naman ako, kaya mainit ang ulo ko. Kaya ayon, dinanggil ko siya ng braso ko. Kaya doon na nagsimula. Nagsimula na siyang mag mura:

Kapatid: Putangina mo!
Ako: Putangina mo rin!
Kapatid: Akala mo kung sino ka, ah?!
Ako: Akala mo kung sino ka rin!
Kapatid: Putangina mo!
Ako: Putangina mo r...(nang biglang...)

Ako ay napatayo at napuno. Lumapit sa kanya ng pabigla. At hayun, tinulak ko siya. Tutuluyan ko sana ng isang bigwas ng suntok kaso natuba na siya. Mahina pala ito. Kung ilalaban kay Pacquiao ay talo agad. Nakuha niya. Pero hindi doon nagtatapos. Akala niyo ay ganoon na lamang kadaling magpatalo ang ate ko? Hinde! May mga hirit pa ito. Habang maluha-luha ng sumisigaw.

Kapatid: Ang kapal ng mukha mo.
Kapatid: Kala mo kung sino kang tatahi-tahimik at babait-bait, e nasa loob naman pala ang kulo mo!
Kapatid: Wala kang kwenta.

At habang sigaw siya ng sigaw. may mga singit din naman akong mga pinsan.

Pinsan: KIM! Masama iyon.
Pinsan: Akala mo ba ay maganda iyon?
Pinsan: Tama na!

Lintik ka! Pakisali ka. Ikaw umbagan ko diyan e, kung wala ka lang alta presyon nabugbog na kita!...

At heto pa ang mas masaklap!

Kapatid: Akala mo ay hindi ko nababasa ang blog mo?!
Kapatid: Ang kapal ng mukha mo!
Kapatid: Ipapaalam ko talaga 'to kay tatay

At may balak pa magsumbong! E ayon paulit ulit lang iyong sinasabi niya. E ako naman, ako nalang ang naglaro ng Pokemon. Hindi ko siya pinapansin. Bahala kang magdadakdak diyan. Wala akong pakialam. Sumbungera ka pala e. Natatawa pa nga ako dahil ang drama pa nung ibang hirit niya. E ayon, nung pinapakalma siya sa kabilang bahay ay umakyat na ako at nagkulong.

Ilang oras din iyon. Tapos nagskip ako ng breakfast, lunch at dinner. Nang hindi na ako makatiis sa gutom dahil kung anu-ano na lang ang ginagawa ko sa kwarto, ako ay nagpasyang maglakas loob na bumaba para kumain. Alala ko pa, Jessica Soho Reports ang palabas at tungkol sa mga Gatmaitan na may babuyan ang topic. Kaya ayon. Dirediretso ako sa kusina. Parang isang pulubing ilang araw ng hindi kumakain. Kagat sa ubas, kagat sa pakwan, kuha ng saging, kain ng kanin at kung anu-ano pa. Parang hayuk na hayok ako kumain. Hindi ko na inalintana ang sakit ng tiyan o impatso. Basta ang alam ko ay gutom ako at kakain ako.

Kaya ayon, umakyat ako pagkatapos ko magtoothbrush at nanood sa kwarto ng aking ina. At pagkababa ng aking kinain ay pumunta na sa aking kwarto para matulog.

Noong sumunod na araw ganoon din. Kaso 5:00 pm naman ako bumaba para kumain at umakyat uli para matulog.


mahirap pala. mahirap din makipagaway sa kapatid. Hindi ka mapakali. hindi ka makagalaw sa sarili mong bahay. mahirap mang isipin para sa akin, e gusto ko ng makipagbati. e ang corny naman kung sasabihin ko na, "Ate, Bati na tayo!", o kaya ay, "Ate, Pasensiya nasa mga ginawa ko!". e kilala ko iyan. matigas iyan. lalo na at ito na ang pinakagrabe na nagawa ko. dati kasi batok lang at pagtawag sa kanya ng Pokpok (which is not true) ang aking ginagawa. e ngayon? tulak na. naks! what an improvement. pero hindi ko dapat ito itolerate. baka sa susunod ipasalvage ko na. biro lang. pero ayon nga, mahirap pala. pero wala tayong magagawa. nangyari na.

pero masaya ako at binago ko na ang aking URL. unless, maghanap siya para makita ang site kong bagong bago sa Multiply o ito.

hanggang sa muli.

Sunday, January 14, 2007

BIN CHO

naranasan niyo na ba magkaroon ng kaklase na foreigner? tulad ng koreano, amerikano, o hapon? nako! sigurado ako, OO!

pero nakakalungkot isipin na ang iba sa kanila ay kailangan ding umalis at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kanilang sariling bayan. nakakalungkot nga. kala mo siguro sa una, wala kang pakialam sa kanila. pero, nagkakamali ka. lilipas ang mga araw, mararamdaman mo na parang namimiss mo na sila. para bang namimiss mo iyong amoy ng kanilang anghit. iyong katarantaduhan nila. at pati na rin noong araw na naramdaman mo na nainvade na ang pilipinas ng mga koreano. hindi ba't totoo naman lahat ng aking mga sinabi.

kagaya ko, ang iba sa inyo nga ay naaalala ang mga araw na siya ay namamalagi pa sa ating inang bayan.

napasulat ako ng ganito dahil kanikanina lamang ay nakausap ko sa pamamagitan ng YM ang aking dating kaklase na isang koreano. nagngangalan siyang, BIN CHO. palakaibigan at maaalahanin itong aking butihing kaklase. napaka talino rin sa math, akalain mo nga naman. may pagkamoody nga lang itong lokong ito. naalala ko pa nga noong bad trip siya e sinuntok niya ang pader ng malakas na malakas na pakiramdam mo e guguho na ang eskwelahan niyo pero hindi nangyari. pero sa totoo lang talaga noong una ay hindi ko siya masyadong nilalapitan dahil na rin sa kaniyang kakaibang amoy. pero natutunan ko na ring masanay.

at heto nga pala ang aming pinagusapan sa YM:

wcho14: hi
kim: hei
wcho14: hey man how are you?
kim: how are you
kim: im fine here
wcho14: fine kk
kim: when are you gonna be visiting us?
wcho14: hummm
wcho14: I don't know...kkk

kim: we miss you
kim: hehe
wcho14: me too
wcho14: haha

kim: guess what?
wcho14: hmm
kim: there are a lot of koreans in msmsi
wcho14: two year,,,,,,
wcho14: hmm
wcho14: mor thann..
wcho14: sory..

kim: why?
wcho14: high... schoolll...
wcho14: rho

kim: there are 3 to 4 high schools students. while there are 43 elementary students
wcho14: what do you mean??
kim: there are a lot of koreans in msmsi
wcho14: I have to study 3years in high school more..haha
wcho14: hm

kim: ow
wcho14: how many??
kim: 45 to 50
wcho14: msmsi??
kim: yes!
wcho14: kummm
wcho14: it impossible

kim: but it already happened
kim: they are invading us filipinos
kim: haha
wcho14: haha
wcho14: I think

kim: you still need to finish how many years in highschool?
wcho14: yah
wcho14: ...
wcho14: that so sad,..
wcho14: it makes me crazy abat study..
wcho14: hey
wcho14: good bye
wcho14: I need to go
wcho14: tke cre2

kim: okay
kim: take care
wcho14: bb
kim: and be sure to visit us soon
wcho14: haha
kim: bye
wcho14: I hope
kim: bring us KIMCHI!
kim: haha

ayan ho ang aming pag-uusap. tila madali lang ang aming pag-uusap. pero nanatili talagang totoo ako at ipinadama ko sa kanya ang aming pangungulila sa aming koreanong kaklase. mananatili kang pilipino sa amin sa isip sa salita at sa gawa.

siyempre biro lang iyon. hindi naman siya pwede maging pilipino dahil nga koreano siya. hindi niyo ba naiintindihan iyon? koreano nga siya! mga hunghang! mga tarantado at mga tanga!

ako ho ay kalmado na ngayon at handa ng magpaalam. HANGGANG SA MULI! PAALAM!

Saturday, January 13, 2007

Serbesa, Multiply, Siopao at Chicago

isang gabi nanaman ang lumipas. isang gabi ng kabagutan at masasabi ko na rin na may kaunting kasiyahan. habang nagiinuman ang aking mga kabarkada (hindi ako sumali at wala ako sa wisyo), ako naman ay nakikinig sa kanilang mga kwentuhan at kagaguhan. it's usual for them na uminom every friday. ako naman. sunod lang. pero ewan ko, mas masarap magyosi kesa uminom.

siyempre. agaw eksena nanaman ako noong gabing iyon. ang suot ko kasi e sleeveless na shirt na kabibili ko lang noong hapon ding iyon. bumili rin ako ng bonnet. pareho ko iyong binili sa bench.

mga 7 na ako nakarating sa Square. mas gwapo kasi ako pag gabi. ewan ko nga ba. mas namamangha ako sa mukha ko pag gabi. saka pag gabi. kahit anung kamalian mo sa pananamit. hindi masyadong mahahalata. conscious kasi lagi ako sa mga sinusuot ko. para bang frustrated fashionisto(?) ako. hehe. kaya aun. sabi nung isa, "Ang macho mo naman!", ung iba naman, "Kakainlab naman si Kim!", "Sexy eh!", tapos may pang-asar din, "Ano namang pumasok sa isip mo at nagsleeveless ka?". kaya ayon. astig nga e. kaso nakakabagot ang gabing iyon. hindi masyadong masaya.

noong mainip ako. naglakad lakad na lamang ako at naginternet sa pinakamalapit sa internet shop. kaya ayon. naisipan kong gumawa ng account sa My Space. kaso ayaw magbukas ang page. kaya napilitan nalang ako mag Multiply. actually, my first choice was Wordpress. Kasi ang purpose ko ay magblog and to tell the story of my life sa lahat ng tao sa buong mundo. naku. hehe. pota nga e. kasi iyong dati kong blogsite e nababasa pala ng ate ko. lintik nga e. pero kung hindi nga naman ako isa't kalahating tanga. kasasabi ko nga lang pala na ang purpose ko ay ikwento ang buhay ko sa buong mundo. kung hindi ba naman ako dumb at kalahato, ang ate ko ay isa doon.

tapos ayun nga. bumalik na ako sa 30th Diner kung saan sila nagiinuman at tumambay sandali. nagpahinga. at nagpaalam na rin. mamaya pa kasi sila. e ang paalam ko ay hanggang 9 lang ako. at anung oras na?! 9:20pm na! tang umuwi ka na! kaya aun nga umuwi na ako. plano ko rin kasi magmovie marathon. kaya bago ako umuwi. bumili ako ng aking makakain. 3 Siopao, 1 malaking Nova, at 1 maliit na Ketchup Flavored na Pik-Nik. at pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa Video City kung saan ko balak magrent ng VCDs.

hulaan niyo. natuloy ang aking marathon o hindi? HINDI! bwaka ng inang iyan. nakatulog ako sa kalagitnaan ng pelikulang Chicago. kaya aun. itinuloy ko noong madaling araw. Pota! nakatulog nanaman ako! kaya itinuloy ko na lang noong umaga. at natapos ko rin. tinamad na ako kaya nagcomputer na lang ako.

Chicago lang ang aking napanood. irereview ko na lang para malaman niyo kung saan umiikot ang istorya. at ng malaman niyo ang rating ko sa pelikulang iyon.