PSP, Tulak, Gutom
naku. at last nalaro ko na rin ang PSP dito sa bahay. sa tagal tagal na rin ng aking hinintay na pagkakataon. buti at ang aga ko gumising ngayon. at ayon nga nakalaro ako. ang bala ay Dragon Ball Z blahblah Budoka. ayon. ganda ng graphics. tapos crystal clear iyong sound. actually, sa manliligaw ng ate ko iyong PSP. e nung last Monday lang sa kanya ipinahiram para lagyan ng mga songs. e ngayung Monday na kukunin. at hulaan niyo. Cueshe pa ang gustong ipalagay. Cueshet. This guy needs some major music transformation. From Cueshet shet. To Spongecola Ooh Lala. wahaha. saan ko nga ba narinig iyon? wah, nevermind. ayon nga. hindi ko pa pala nakukuwento kung bakit hindi ko magawang mahiram iyong PSP. sige. ikukuwento ko na...
Noong sabado, noong isang linggo. Eksaktong 11:49 ng umaga, ako ay nagising dahil sa ingay ng mga bata. Tila isang espesyal na araw ito. Kaya ako agad bumaba. Dumiretso sa aming tindahan at umupo ng sandali. Ako ay napaisip, "Ano kaya masarap kainin?". Kaya ayon, Pancit Canton! Kaya bumili ako ng 2 Sweet and Spicy at 1 Kalamansi. Pumunta ako sa aming kusina at nagpakulo ng tubig. Habang hinihintay ko kumulo ang tubig. Ako ay nagcomputer pansamantala. Naglaro ng Pokemon pansamantala. Matapos ang ilang minuto. Bumalik ako sa kusina at mukhang malapit na kumulo ang tubig kaya hinintay ko na lang. May sumigaw, "Kim, pakipindutin na lang itong Computer. Maglalaro daw si Timmy ng Pokemon.", sigaw ng aking ate. Ako naman, "Sandali lang, may ginagawa!". Kaya ayon nga, naghintay pa ako ng kaunting saglit. Sumigaw na naman, "Kim! Paki pindot mo na ito. Naglulupasay na sa sahig itong si Tim!". Sabi ko, "Aba'y! Sandali lang naman. Kitang may ginagawa!". Tapos ilang segundo lang ay lumabas na ang aking kapatid sa may kusina, "Gaano ba katagal pindutin iyong Computer?". Kaya ayon, buwisit na buwisit na ako. E Gutom pa naman ako, kaya mainit ang ulo ko. Kaya ayon, dinanggil ko siya ng braso ko. Kaya doon na nagsimula. Nagsimula na siyang mag mura:
Kapatid: Putangina mo!
Ako: Putangina mo rin!
Kapatid: Akala mo kung sino ka, ah?!
Ako: Akala mo kung sino ka rin!
Kapatid: Putangina mo!
Ako: Putangina mo r...(nang biglang...)
Ako ay napatayo at napuno. Lumapit sa kanya ng pabigla. At hayun, tinulak ko siya. Tutuluyan ko sana ng isang bigwas ng suntok kaso natuba na siya. Mahina pala ito. Kung ilalaban kay Pacquiao ay talo agad. Nakuha niya. Pero hindi doon nagtatapos. Akala niyo ay ganoon na lamang kadaling magpatalo ang ate ko? Hinde! May mga hirit pa ito. Habang maluha-luha ng sumisigaw.
Kapatid: Ang kapal ng mukha mo.
Kapatid: Kala mo kung sino kang tatahi-tahimik at babait-bait, e nasa loob naman pala ang kulo mo!
Kapatid: Wala kang kwenta.
At habang sigaw siya ng sigaw. may mga singit din naman akong mga pinsan.
Pinsan: KIM! Masama iyon.
Pinsan: Akala mo ba ay maganda iyon?
Pinsan: Tama na!
Lintik ka! Pakisali ka. Ikaw umbagan ko diyan e, kung wala ka lang alta presyon nabugbog na kita!...
At heto pa ang mas masaklap!
Kapatid: Akala mo ay hindi ko nababasa ang blog mo?!
Kapatid: Ang kapal ng mukha mo!
Kapatid: Ipapaalam ko talaga 'to kay tatay
At may balak pa magsumbong! E ayon paulit ulit lang iyong sinasabi niya. E ako naman, ako nalang ang naglaro ng Pokemon. Hindi ko siya pinapansin. Bahala kang magdadakdak diyan. Wala akong pakialam. Sumbungera ka pala e. Natatawa pa nga ako dahil ang drama pa nung ibang hirit niya. E ayon, nung pinapakalma siya sa kabilang bahay ay umakyat na ako at nagkulong.
Ilang oras din iyon. Tapos nagskip ako ng breakfast, lunch at dinner. Nang hindi na ako makatiis sa gutom dahil kung anu-ano na lang ang ginagawa ko sa kwarto, ako ay nagpasyang maglakas loob na bumaba para kumain. Alala ko pa, Jessica Soho Reports ang palabas at tungkol sa mga Gatmaitan na may babuyan ang topic. Kaya ayon. Dirediretso ako sa kusina. Parang isang pulubing ilang araw ng hindi kumakain. Kagat sa ubas, kagat sa pakwan, kuha ng saging, kain ng kanin at kung anu-ano pa. Parang hayuk na hayok ako kumain. Hindi ko na inalintana ang sakit ng tiyan o impatso. Basta ang alam ko ay gutom ako at kakain ako.
Kaya ayon, umakyat ako pagkatapos ko magtoothbrush at nanood sa kwarto ng aking ina. At pagkababa ng aking kinain ay pumunta na sa aking kwarto para matulog.
Noong sumunod na araw ganoon din. Kaso 5:00 pm naman ako bumaba para kumain at umakyat uli para matulog.
mahirap pala. mahirap din makipagaway sa kapatid. Hindi ka mapakali. hindi ka makagalaw sa sarili mong bahay. mahirap mang isipin para sa akin, e gusto ko ng makipagbati. e ang corny naman kung sasabihin ko na, "Ate, Bati na tayo!", o kaya ay, "Ate, Pasensiya nasa mga ginawa ko!". e kilala ko iyan. matigas iyan. lalo na at ito na ang pinakagrabe na nagawa ko. dati kasi batok lang at pagtawag sa kanya ng Pokpok (which is not true) ang aking ginagawa. e ngayon? tulak na. naks! what an improvement. pero hindi ko dapat ito itolerate. baka sa susunod ipasalvage ko na. biro lang. pero ayon nga, mahirap pala. pero wala tayong magagawa. nangyari na.
pero masaya ako at binago ko na ang aking URL. unless, maghanap siya para makita ang site kong bagong bago sa Multiply o ito.
hanggang sa muli.
1 comment:
akala ko kung sino, ikaw lang pala. hahah, heyooop.
aliw tong post ha!!!!
:)) Lolz. nako naman, murahan sa bahay. kamiss yang ganyan!!!
Post a Comment