Friday, January 26, 2007

I Quit!

isang linggo rin ang lumipas mula noong ako'y huling nagupdate. naging uber busy kasi ako. sa mga tests at sa kakaaral na wala rin namang pinatunguhan. hayon at 2 nanaman ang bagsak ko. ewan ko kung dadagdag pa ang calculus. lintik na calculus kasing iyan. bwaka talaga. walang kwenta iyong nagtuturo sa amin. wala naman akong galit, inis or such. hindi lang talaga siya para sa pagtuturo. ewan ko ba. lintik siya.

onga pala, nakabili na ako ng grey's anatomy na dvd: season 1-2 at south park:season 1-10 ayon. shit, pati nga pala one tree hill:season 1-3. ayon. iyon ang pinapanood ko ngayon.

eto nga pala ang pinaka main na istorya:

ewan ko. wala na talaga akong paglagyan na barkada. pota talaga. mas maayos na ata kung mag-iisa na lang ako. wala na talaga.

kila krissy kasi. pota talaga, e katulad na rin siya nila vin. porket hindi na magkaklase anrami na nilang sinisikreto. kaya, ayoko na. mahirap din kasi. may attitude problem din kasi si krissy ng kaunti. ewan ko, sa isang iglap bigla kang babarabarahin. kaya aun.

tinry ko kila mei. wala rin. walang kwenta kasi puro babae. hindi ako makarelate.

at eto na ang blockbuster. pota itong mga ito (pwera kay rey siguro). kilala niyo nanaman kung sino ang mga TJs. pota talaga sila. akala nila kung sino silang haharihari. ewan ko, sabi ni elmer lagi "Tara, sumama kalang kasi sa amin." e tanga pala siya e. ilang bese na akong sumasama sa kanila e wala rin naman. parang napapagiwanan lagi ako at nasa isang sulok pa rin. tapos para talagang lumalabas na sinisiksik ko iyong sarili ko sa kanila. tanggap ko na nga na hindi na ako parte nila e. pinapaasa pa rin ako noong iba. kala nila kung sino silang makapambully minsan. aasarsarin ka nila kahit na medyo nakakasakit. pota. burn in hell. tapos ang iba pa sa inyo sa ust. siguro dati sabi ko sa ust tayo. e pota, hanggan doon ba naman kayo ang magiging hari. abay, give chance to others naman. gusto ko rin maranasan iyon. mga pota. wala naman akong paki e. e sana lang e tantanan nila ako at huwag nang kukulitin kahit kailan na parang kasali ako. pero salamat na rin ke elmer, iyon lang nasasabihan ko ng problema kahit bad trip kang pota ka. hehe.

Tuesday, January 16, 2007

Shower (ng Laway)

*yes! hindi pa kinukuha iyong PSP sa bahay. pero hindi ko siya malaro ngayong madaling-araw. pota, lowbatt. ubos ang baterya. hindi chinarge. asar talaga. ang aga ko pa naman gumising uli ngayon. haaaay. well, eniwei, hindi iyan ang entry ko ngayon.

pota, wala talaga akong maisip na maipost ngayon. walang pumapasok sa isip ko. i guess, nararanasan rin ito ng karamihan. lalo na iyong mga bloggers.

ahm? ano kaya?

a. kwento ko na lang iyong nangyari kahapon.

O? mga bata. handa na ba kayo makinig sa aking istorya? eto na siya (matuwa na lang kayo!):

Kahapon kasi, Enero 15 2007, Lunes, ay hindi masyadong ordinaryong araw. Ang ordinaryong araw kasi sa akin ay iyong pagkapasok ng kwarto ng aming eskwelahan ay diretso sa aking upuan at mananahimik. Matutulog man o makikinig sa titser. Pero kahapon ay hindi. Pumasok ako ng kwarto, tumabi sa kaklase ko na hindi ko naman talaga katabi at nakipagkwentuhan. Marahil, dahil na rin alam ko na wala masyadong gagawin ngayon gawa ng NCAT. Kaya ayon, masaya naman. Pinagusapan namin kung saan kami papasok. Ayon, edi sabi ko, "Ako sa USTe siguro. Gusto ko dun e. Ganda!". Tapos sabi niya, "Ako sa PAMANA na lang, magNunursing ako!". Tapos ayon, sabi ko, "Nursing? edi mag USTe ka na lang. May sarili pang ospital!". Doon umikot ang aming kwentuhan. E sa tingin ko kasi walang kwenta iyong papasukan niya. Bukod sa maliit na ang ospital nila ay parang mga tambay iyong mga estudyante doon. Ewwww! hehe.

Nakailang saway din ang aming guro sa amin. Nagtatawanan din kasi kami gawa iniimagine namin kung sino iyong mga maagang mabubuntis at iyong magiging tambay lang sa mga kaklase namin. Kaya ayon.

Natapos rin ang klase sa Economics. Pagkatapos noon ay wala ng klase sa lahat ng subjects. Pumunta ako sa kapitbahay, ang St. Perpetua at nakipagdaldalan nanaman sa aking mga kapwa kamag-aral. Nakipaglaro din ako ng Monopoly. Second time ko lang maglaro ng Monopoly kasi noong isang Linggo lang ako natuto. Tapos ayon, hiniram ko iyong Monopoly para dalhin naman sa aming kwarto para iyong mga kaklase ko naman ang makinabang. Kaya ayon, pumayag naman iyong aking kamag-aral. Kaya saya-saya lang. Lima kaming naglaro. Ang saya-saya. Tapos nun. Parang bonding session na lang. May naging mas kaclose ako dahil sa larong iyon. Tapos simula noon, naging madaldal na uli ako at nangungulit.

Natapos ang unang laro ng may 8 bahay ako at 2 hotel. $1135 lang ang pera ko. sa next round. Naka 8 bahay uli ako at 2 hotel. Tapos sa next round, tinamad na ang lahat dahil sobrang pagod na kami sa kakatawa at sa kakabato ng dice. Kaya nagpasya na kami magligpit. Siyempre itinago namin sa kwarto namin iyong Monopoly para hindi makuha ng may-ari. Ahihi.


sobrang saya talaga ng araw na iyon. anraming nangyaring maganda. sa katunayan may napatunayan ako. Saka may nabuo akong Teorya.

*Pag pala tahimik ka, as in sobrang tahimik na kahit kulitin ka ng kabarkada mo e hindi ka umiimik o tumatawa. Tapos biglang isang araw ay iingay ka at dadaldaldal. Ay, Diyos ko. Maawa ka sa kaharap mo. Sangkatutak na shower o talsik ng laway ang aabutin niya.
ganun kasi iyong naranasan ko at iyong naranasan ng katapat ko. wehehehe.

Monday, January 15, 2007

PSP, Tulak, Gutom

naku. at last nalaro ko na rin ang PSP dito sa bahay. sa tagal tagal na rin ng aking hinintay na pagkakataon. buti at ang aga ko gumising ngayon. at ayon nga nakalaro ako. ang bala ay Dragon Ball Z blahblah Budoka. ayon. ganda ng graphics. tapos crystal clear iyong sound. actually, sa manliligaw ng ate ko iyong PSP. e nung last Monday lang sa kanya ipinahiram para lagyan ng mga songs. e ngayung Monday na kukunin. at hulaan niyo. Cueshe pa ang gustong ipalagay. Cueshet. This guy needs some major music transformation. From Cueshet shet. To Spongecola Ooh Lala. wahaha. saan ko nga ba narinig iyon? wah, nevermind. ayon nga. hindi ko pa pala nakukuwento kung bakit hindi ko magawang mahiram iyong PSP. sige. ikukuwento ko na...

Noong sabado, noong isang linggo. Eksaktong 11:49 ng umaga, ako ay nagising dahil sa ingay ng mga bata. Tila isang espesyal na araw ito. Kaya ako agad bumaba. Dumiretso sa aming tindahan at umupo ng sandali. Ako ay napaisip, "Ano kaya masarap kainin?". Kaya ayon, Pancit Canton! Kaya bumili ako ng 2 Sweet and Spicy at 1 Kalamansi. Pumunta ako sa aming kusina at nagpakulo ng tubig. Habang hinihintay ko kumulo ang tubig. Ako ay nagcomputer pansamantala. Naglaro ng Pokemon pansamantala. Matapos ang ilang minuto. Bumalik ako sa kusina at mukhang malapit na kumulo ang tubig kaya hinintay ko na lang. May sumigaw, "Kim, pakipindutin na lang itong Computer. Maglalaro daw si Timmy ng Pokemon.", sigaw ng aking ate. Ako naman, "Sandali lang, may ginagawa!". Kaya ayon nga, naghintay pa ako ng kaunting saglit. Sumigaw na naman, "Kim! Paki pindot mo na ito. Naglulupasay na sa sahig itong si Tim!". Sabi ko, "Aba'y! Sandali lang naman. Kitang may ginagawa!". Tapos ilang segundo lang ay lumabas na ang aking kapatid sa may kusina, "Gaano ba katagal pindutin iyong Computer?". Kaya ayon, buwisit na buwisit na ako. E Gutom pa naman ako, kaya mainit ang ulo ko. Kaya ayon, dinanggil ko siya ng braso ko. Kaya doon na nagsimula. Nagsimula na siyang mag mura:

Kapatid: Putangina mo!
Ako: Putangina mo rin!
Kapatid: Akala mo kung sino ka, ah?!
Ako: Akala mo kung sino ka rin!
Kapatid: Putangina mo!
Ako: Putangina mo r...(nang biglang...)

Ako ay napatayo at napuno. Lumapit sa kanya ng pabigla. At hayun, tinulak ko siya. Tutuluyan ko sana ng isang bigwas ng suntok kaso natuba na siya. Mahina pala ito. Kung ilalaban kay Pacquiao ay talo agad. Nakuha niya. Pero hindi doon nagtatapos. Akala niyo ay ganoon na lamang kadaling magpatalo ang ate ko? Hinde! May mga hirit pa ito. Habang maluha-luha ng sumisigaw.

Kapatid: Ang kapal ng mukha mo.
Kapatid: Kala mo kung sino kang tatahi-tahimik at babait-bait, e nasa loob naman pala ang kulo mo!
Kapatid: Wala kang kwenta.

At habang sigaw siya ng sigaw. may mga singit din naman akong mga pinsan.

Pinsan: KIM! Masama iyon.
Pinsan: Akala mo ba ay maganda iyon?
Pinsan: Tama na!

Lintik ka! Pakisali ka. Ikaw umbagan ko diyan e, kung wala ka lang alta presyon nabugbog na kita!...

At heto pa ang mas masaklap!

Kapatid: Akala mo ay hindi ko nababasa ang blog mo?!
Kapatid: Ang kapal ng mukha mo!
Kapatid: Ipapaalam ko talaga 'to kay tatay

At may balak pa magsumbong! E ayon paulit ulit lang iyong sinasabi niya. E ako naman, ako nalang ang naglaro ng Pokemon. Hindi ko siya pinapansin. Bahala kang magdadakdak diyan. Wala akong pakialam. Sumbungera ka pala e. Natatawa pa nga ako dahil ang drama pa nung ibang hirit niya. E ayon, nung pinapakalma siya sa kabilang bahay ay umakyat na ako at nagkulong.

Ilang oras din iyon. Tapos nagskip ako ng breakfast, lunch at dinner. Nang hindi na ako makatiis sa gutom dahil kung anu-ano na lang ang ginagawa ko sa kwarto, ako ay nagpasyang maglakas loob na bumaba para kumain. Alala ko pa, Jessica Soho Reports ang palabas at tungkol sa mga Gatmaitan na may babuyan ang topic. Kaya ayon. Dirediretso ako sa kusina. Parang isang pulubing ilang araw ng hindi kumakain. Kagat sa ubas, kagat sa pakwan, kuha ng saging, kain ng kanin at kung anu-ano pa. Parang hayuk na hayok ako kumain. Hindi ko na inalintana ang sakit ng tiyan o impatso. Basta ang alam ko ay gutom ako at kakain ako.

Kaya ayon, umakyat ako pagkatapos ko magtoothbrush at nanood sa kwarto ng aking ina. At pagkababa ng aking kinain ay pumunta na sa aking kwarto para matulog.

Noong sumunod na araw ganoon din. Kaso 5:00 pm naman ako bumaba para kumain at umakyat uli para matulog.


mahirap pala. mahirap din makipagaway sa kapatid. Hindi ka mapakali. hindi ka makagalaw sa sarili mong bahay. mahirap mang isipin para sa akin, e gusto ko ng makipagbati. e ang corny naman kung sasabihin ko na, "Ate, Bati na tayo!", o kaya ay, "Ate, Pasensiya nasa mga ginawa ko!". e kilala ko iyan. matigas iyan. lalo na at ito na ang pinakagrabe na nagawa ko. dati kasi batok lang at pagtawag sa kanya ng Pokpok (which is not true) ang aking ginagawa. e ngayon? tulak na. naks! what an improvement. pero hindi ko dapat ito itolerate. baka sa susunod ipasalvage ko na. biro lang. pero ayon nga, mahirap pala. pero wala tayong magagawa. nangyari na.

pero masaya ako at binago ko na ang aking URL. unless, maghanap siya para makita ang site kong bagong bago sa Multiply o ito.

hanggang sa muli.

Sunday, January 14, 2007

BIN CHO

naranasan niyo na ba magkaroon ng kaklase na foreigner? tulad ng koreano, amerikano, o hapon? nako! sigurado ako, OO!

pero nakakalungkot isipin na ang iba sa kanila ay kailangan ding umalis at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kanilang sariling bayan. nakakalungkot nga. kala mo siguro sa una, wala kang pakialam sa kanila. pero, nagkakamali ka. lilipas ang mga araw, mararamdaman mo na parang namimiss mo na sila. para bang namimiss mo iyong amoy ng kanilang anghit. iyong katarantaduhan nila. at pati na rin noong araw na naramdaman mo na nainvade na ang pilipinas ng mga koreano. hindi ba't totoo naman lahat ng aking mga sinabi.

kagaya ko, ang iba sa inyo nga ay naaalala ang mga araw na siya ay namamalagi pa sa ating inang bayan.

napasulat ako ng ganito dahil kanikanina lamang ay nakausap ko sa pamamagitan ng YM ang aking dating kaklase na isang koreano. nagngangalan siyang, BIN CHO. palakaibigan at maaalahanin itong aking butihing kaklase. napaka talino rin sa math, akalain mo nga naman. may pagkamoody nga lang itong lokong ito. naalala ko pa nga noong bad trip siya e sinuntok niya ang pader ng malakas na malakas na pakiramdam mo e guguho na ang eskwelahan niyo pero hindi nangyari. pero sa totoo lang talaga noong una ay hindi ko siya masyadong nilalapitan dahil na rin sa kaniyang kakaibang amoy. pero natutunan ko na ring masanay.

at heto nga pala ang aming pinagusapan sa YM:

wcho14: hi
kim: hei
wcho14: hey man how are you?
kim: how are you
kim: im fine here
wcho14: fine kk
kim: when are you gonna be visiting us?
wcho14: hummm
wcho14: I don't know...kkk

kim: we miss you
kim: hehe
wcho14: me too
wcho14: haha

kim: guess what?
wcho14: hmm
kim: there are a lot of koreans in msmsi
wcho14: two year,,,,,,
wcho14: hmm
wcho14: mor thann..
wcho14: sory..

kim: why?
wcho14: high... schoolll...
wcho14: rho

kim: there are 3 to 4 high schools students. while there are 43 elementary students
wcho14: what do you mean??
kim: there are a lot of koreans in msmsi
wcho14: I have to study 3years in high school more..haha
wcho14: hm

kim: ow
wcho14: how many??
kim: 45 to 50
wcho14: msmsi??
kim: yes!
wcho14: kummm
wcho14: it impossible

kim: but it already happened
kim: they are invading us filipinos
kim: haha
wcho14: haha
wcho14: I think

kim: you still need to finish how many years in highschool?
wcho14: yah
wcho14: ...
wcho14: that so sad,..
wcho14: it makes me crazy abat study..
wcho14: hey
wcho14: good bye
wcho14: I need to go
wcho14: tke cre2

kim: okay
kim: take care
wcho14: bb
kim: and be sure to visit us soon
wcho14: haha
kim: bye
wcho14: I hope
kim: bring us KIMCHI!
kim: haha

ayan ho ang aming pag-uusap. tila madali lang ang aming pag-uusap. pero nanatili talagang totoo ako at ipinadama ko sa kanya ang aming pangungulila sa aming koreanong kaklase. mananatili kang pilipino sa amin sa isip sa salita at sa gawa.

siyempre biro lang iyon. hindi naman siya pwede maging pilipino dahil nga koreano siya. hindi niyo ba naiintindihan iyon? koreano nga siya! mga hunghang! mga tarantado at mga tanga!

ako ho ay kalmado na ngayon at handa ng magpaalam. HANGGANG SA MULI! PAALAM!

Saturday, January 13, 2007

Serbesa, Multiply, Siopao at Chicago

isang gabi nanaman ang lumipas. isang gabi ng kabagutan at masasabi ko na rin na may kaunting kasiyahan. habang nagiinuman ang aking mga kabarkada (hindi ako sumali at wala ako sa wisyo), ako naman ay nakikinig sa kanilang mga kwentuhan at kagaguhan. it's usual for them na uminom every friday. ako naman. sunod lang. pero ewan ko, mas masarap magyosi kesa uminom.

siyempre. agaw eksena nanaman ako noong gabing iyon. ang suot ko kasi e sleeveless na shirt na kabibili ko lang noong hapon ding iyon. bumili rin ako ng bonnet. pareho ko iyong binili sa bench.

mga 7 na ako nakarating sa Square. mas gwapo kasi ako pag gabi. ewan ko nga ba. mas namamangha ako sa mukha ko pag gabi. saka pag gabi. kahit anung kamalian mo sa pananamit. hindi masyadong mahahalata. conscious kasi lagi ako sa mga sinusuot ko. para bang frustrated fashionisto(?) ako. hehe. kaya aun. sabi nung isa, "Ang macho mo naman!", ung iba naman, "Kakainlab naman si Kim!", "Sexy eh!", tapos may pang-asar din, "Ano namang pumasok sa isip mo at nagsleeveless ka?". kaya ayon. astig nga e. kaso nakakabagot ang gabing iyon. hindi masyadong masaya.

noong mainip ako. naglakad lakad na lamang ako at naginternet sa pinakamalapit sa internet shop. kaya ayon. naisipan kong gumawa ng account sa My Space. kaso ayaw magbukas ang page. kaya napilitan nalang ako mag Multiply. actually, my first choice was Wordpress. Kasi ang purpose ko ay magblog and to tell the story of my life sa lahat ng tao sa buong mundo. naku. hehe. pota nga e. kasi iyong dati kong blogsite e nababasa pala ng ate ko. lintik nga e. pero kung hindi nga naman ako isa't kalahating tanga. kasasabi ko nga lang pala na ang purpose ko ay ikwento ang buhay ko sa buong mundo. kung hindi ba naman ako dumb at kalahato, ang ate ko ay isa doon.

tapos ayun nga. bumalik na ako sa 30th Diner kung saan sila nagiinuman at tumambay sandali. nagpahinga. at nagpaalam na rin. mamaya pa kasi sila. e ang paalam ko ay hanggang 9 lang ako. at anung oras na?! 9:20pm na! tang umuwi ka na! kaya aun nga umuwi na ako. plano ko rin kasi magmovie marathon. kaya bago ako umuwi. bumili ako ng aking makakain. 3 Siopao, 1 malaking Nova, at 1 maliit na Ketchup Flavored na Pik-Nik. at pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa Video City kung saan ko balak magrent ng VCDs.

hulaan niyo. natuloy ang aking marathon o hindi? HINDI! bwaka ng inang iyan. nakatulog ako sa kalagitnaan ng pelikulang Chicago. kaya aun. itinuloy ko noong madaling araw. Pota! nakatulog nanaman ako! kaya itinuloy ko na lang noong umaga. at natapos ko rin. tinamad na ako kaya nagcomputer na lang ako.

Chicago lang ang aking napanood. irereview ko na lang para malaman niyo kung saan umiikot ang istorya. at ng malaman niyo ang rating ko sa pelikulang iyon.