ako
it's exactly 3:51am here. i can't sleep. tapos mamaya may pasok pa. katamad talaga. nakikipagchat ako kung kanikanino para may makausap lang. kaso madidiri kayo. 44 y/o ang kachat ko at may apat na anak na. haaay. pag wala ka talagang magawa sa buhay.
eto na nga lang ipopost ko.
for you to know me better.
My N.A.S.L.!
_Charlon Kim Dizon Baylon (kim, ck, baylon, baylun)
_just turned 16 last July 17. that was last last last week, right?
_i'm a guy, male, boy...
_location. padalhan nyo ko sa LBC ng DVD's, i'll appreciate that. #9541 Bangakal Street, Los BaƱos Laguna
Mga Gusto Kong Gawin...!
_mag-blog
_mag-surf sa inet
_mag-sulat ng mga sama ng loob
_manahimik sa isang tabi
_mag-suplado pag wala sa mood
_manood ng movie
_bumili ng pekeng DVD ng mga tv series tulad ng PRISONBREAK
_mag-basa ng text tapos hindi magrereply dahil walang load
_makinig sa musika lalo na sa PANIC! AT THE DISCO
_humiga at mag-isip ng malalim
_mag-isip ng kung anu-ano
_mag-drawing
_gumawa ng mga digital art
_tumitig sa monitor ng aming computer hanggang sa ako'y matulala
_tumawag sa telepono at magparing kung kanikanino
_lumabas at mag-gala ng mag-isa
_mag-laro ng solitaire sa computer kasi yun lang ang laro sa aming pc
_mag-search ng mga bagong words na aking nakakasalamuha sa aming encarta dictionary
_gumawa ng kahit anong script sa notepad
_mag-hanap ng mga bagong site na aking pwedeng tambayan sa inet
_mag-comment sa mga tao kahit di sila nagcocomment sa akin
_mag-basa ng magazine tulad ng FHM, MAXIM, MEN'S HEALTH
_manood ng ET at INSIDER kahit wala akong paki sa mga artista
_mag-babad sa tv at ilipat ng ilipat kahit magpaulit-ulit para makahanap lang ng magandang palabas
_maghintay matapos ang credits sa isang movie sa HBO, CINEMAX, at STAR MOVIES
_makipagkilala sa mga tao sa isang crowded na place
_mag-bukas ng bluetooth sa isang concert
_mag-alam mo na pag nanonood ng mga dapat-censored na movie
_mag-gupit sa dyaryo at idikit sa isang papel parang ala lang
_manood ng mga reality shows
_kahit anong maisipan ko
Mga Hobbies ko!!!
_mangolekta ng FHM, as of now 15 na lahat ata ng issues ko
_mangolekta ng MAXIM, kay Angelica pa lang ang issue ko
_mag-blog
_mag-drawing
_mag-paint pag sasali sa elimination sa isang art contest
Mga Ayoko!!!
_ipis!!!
_paruparo, nakakabulag daw
_obviously, mabulag ako
_kahit anong pagkain na may bellpepper
_masabihang panget kahit pabiro lang, di ako panget, gwapo ako hindi lang ako maputi
_masira ang pc
_mamatay sa pain
_mamatay sa gutom
_maging mahirap
_di makatapos
_ma-kick-out
_mahuling naked ng hindi pa-fit at buff ang katawan ko, pag macho na ko ok lang
to be continued....
2 comments:
august 9
noong mga nakaraang araw ganyan din ako. kahit na merong pasok, naka-online, nakikipag-chat sa kung sino-sino (na minsan nga taga-UAE pa). parati na lang akong nagpupuyat at madalas isantabi ang mga walang kwentang pagpapahirap ng eskwelahan.
marami pala tayong similarities na ngayon ko lang nalaman. e kasi naman hindi ko talaga binabasa ang blog mo pero ngayon, kasasabi ko nga lang sa'yo kanina, babasahin ko na ang bawat post mo sa blog. ngayon pang marami pala tayong pagkakapareho. nakakatuwa lang naman! =p
siyempre gusto ko talagang mag-blog kasi nailalabas ko ang inner feelings ko by means of writing. at saka nae-enhance din ang speed ng pag-type ko. sabi nga ng mga tao sa paligid ko lagi daw akong galit sa keyboard. minsan kasi maingay akong mag-type. mabilis kasi akong magpipindot. kanina nga lang tinulungan ko na yung classmate ko last year (na hindi ko na classmate ngayon--kasi nga nalipat ako; section 2 dati, 3 ngayon) sa pagta-type ng project niya. mabilis ko namang natapos kasi nga mabilis akong mag-type.
sa pag-iinternet naman, halos wala akong kontrol. favorite tambayan ko ang study net (computer shop na malapit sa school). sabi nga nila parang bahay ko na ang study net dahil araw-araw (oo, araw-araw) ay naroon ako. routine ko nga yata ang mag-internet doon. kulang na lang magdala ako ng unan para doon na ako matulog. di tulad mo na may internet na sa bahay. kahit na dial up lang yan ok na yan kaysa naman sa palagi kang nasa labas. hindi ko man lang nga mapigil-pigil ang sarili ko sa kai-internet e! adik na nga daw ako. halos dalawang oras araw-araw ang ginugugol ko sa pagba-blog.
sang-ayon ako sa pagsusulat ng mga sama ng loob. karaniwan ko na yang ginagawa pero hindi ko na naipagpapatuloy kasi masyado na akong busy sa mga blog.
mahilig din naman akong manahimik sa isang tabi lalo na kapag wala talaga ako sa mood--na kahit ano pa ang ginagawa ng mga tao sa paligid ko e wala akong pakialam kung wala talaga ako sa mood. kung hindi man ganon e nanunuplado ako. para nga daw lagi akong galit!
masarap nga namang manood ng tv. nakakainis na nga kasi sa bawat nood ko ng pelikula nagugustuhan ko kagad. madami kasi akong standard para masabi kong maganda ang isang pelikula. pero ang totoo nga e mahilig talaga akong manood ng movie.
ano pa nga ba? humiga at mag-isip ng malalim. madalas nakapikit lang ako. hanggang sa makatulog na. ang sarap kasing mag-isip e. ewan ko ba! lalo na ng kung ano-anong bagay.
natuwa nga pala ako nung nalaman kong nagpaparing ka sa telepono. madalas kong gawin yan! kapag wala talaga akong magawa o kaya gabing-gabi na. wala na akong pakialam kung anuman ang mangyari. tawag lang ako ng tawag. ring. ring. ring.
mag-search ng mga bagong words. nakakatuwang gawin yan sa encarta dictionary. gustung-gusto ko yan!
o ayan hindi mo na masasabing nagko-comment ka sa mga taong hindi nagko-comment sa iyo dahil simula ngayon palagi na akong sisingit sa buhay mo. nakakainis din kasi minsan kapag para bang walang nakakaunawa sa'yo. ah basta!
sana maging magkaibigan tayo at hayaan nating maging daan ang ating mga blog sa paglalabas ng ating mga kaisipan.
mabuhay ka ck!
-- http://paurong.blogspot.com

Post a Comment