Friday, August 18, 2006

romeo rocks juliet

FUCKIN' SHIT... TANGINA... PUKE.... yan lang ang ilan sa inyong maririnig sa dulang "ROMEO ROCKS JULIET". maaaring may konti(konti nga ba?) kabastusan, pero eto ang nagpasigla sa dulang ito. hango ang duladulaang ito sa orihinal na trahedya ni william shakespeare. aminin man natin o hindi, lahat tayo ay may kabastusan sa ating sistema. at eto ang nagpapasigla sa ating mga buhay. tuwing tayo ay tinatamad, hindi ba't kabastusan ang pinapairal sa pag-eexercise ng ating mga "POLES"? kagaya din ng mga nakakatamad na mga dula. hinahaluan nila ng konting kabastusan para mapasigla ang mga manonood.

nagkitakita kami sa may Vega Center. ako ang huling dumating. nagayos pa kasi ako ng aking buhok. kaya ng pagdating ko ang sabi nila, "...nagpa METROHAIR ka pa talaga, ha?!" aun, tanung ako ng tanung kung okay pa ba buhok ko, astig pa ba, ano? mukha ba akong sinabunutan? hindi naman daw. actually, wala pa kaming tiket ng oras na iyon. kaya aun, nagmadali kaming pumunta sa may AUDITORIUM. mabuti naman at marami pang tiket na natitiri. ang rami din naming nakasalubong na mga tiga SHSI. nakita ko rin ang aking ex-JEMI. haaay. tapos aun na nga, pumasok na kami at nakita sila idohna. bumili din ng tiket sila. at kami na ang sunod sa pila. hala 150pesos na pala. talaga nga namang ang raming nanood. pero buti nalang nagkamali sila ng sukli. 130 lang siningil sa min. baka nagwapuhan sa akin. kulang pa nga pera ko nun kaya nangutang muna ako kay vicky. ayan, may tiket na ko. pero di pa pwedeng pumasok. kaya nagkwentuhan muna kami sa grounds at doon nagpalipas ng paghihintay. at ayan lumapit na kami. bumili ng Lumpiang Gulay. di pa kasi ako nakain e. tapos, dagsaan na ang tao. nagbukas na ng pinto. kaya aun, takbuhan na sa pila. para ngang magkaka STAMPEDE. pero, fortunately di nangyari. tapos nun. ilang minuto pa kaming naghintay bago pumasok. pero ng nakapasok na kami. ok na. humanap kami ng aming mauupuan. at hayon, sa gitna kami naupo. ayaw kasi nila sa unahan e. baka daw bawal. and then pinakita sa isanng projector ang mga casts at kung anu-anung workshops. nakakatuwa naman. pero bakit antagal magsimula ng show? hala, nagstart na. nagdasal muna tapos pinaupo tapos bayang magiliw at pinatayo at pinaupo ulit. haggard! ayan may bgmusic na. maybe it'll start na. nagstart na nga. banda ang unang nagperform. astig, di sila nagmukang trying hard kumanta. rock na rock talaga. tapos aun play na. tapos tawanan. walang iyakan tawanan lang talaga. kahit ng naiyak na ang umaarte tawanan pa rin. mawawala ba naman ang bloopers sa mga play. xmpre hindi. may mga nagkamali din. at dun kami talaga hagalpak sa kakatawa. tapos na. masaya. di maxado maganda ang ending. hindi romantic maxado. pero aus naman.

kung may balak kayong manood, may shows pa naman ngaun. ewan ko lang kung magkano na tiket kasi sold-out na talaga. kung sa mismong play kayo bibili. maghanda ng mjo malaking pera para makapasok. at pakiusap huwag na huwag isama ang mga magulang. unless, cool xa. baka mga start pa lang ng show umuwi na kayo.

un lang ang aking maikukuwento tungkol sa dulang

"ROMEO ROCKS JULIET"


p.s. sex-centered po ang play. kaya dun sa mga hindi open-minded at mga KJ. better stay home. hindi nyo kailangang manood. hindi kayo kawalan sa pera. wehehe. saka ang love po dun ay binubuo ng sex, sex... sex. hehe.

No comments: