NEVER BEEN this FUN!!!
whattaday!! ansaya talaga. sana maulit to. sana araw araw. sana magkakapitbahay nalang kaming apat. masaya siguro yun. lagi kaming nagtitipuntipon sa isang bahay at nagkukuwentuhan
eto ang buong pangyayari:
nagkitakita kami sa vega ng mga 830. c mico ang huling dumating. hatid sundo nga kami ng drayber nila jo. masaya naman sa pick-up. hindi ko inaasahan ang nakita ko pagdating ko ng calauan. mejo hindi yoon ang iniexpect ko na bahay nila jo. ok naman. ineentertain naman kami ng una. nanood lang kami at naginternet sa kanila. mjo boring nga lang. at parang walang bisita sila. ok lang naman. kaso iniiwan kami ni jo. kaya aun. nagdesisyon na kaming umuwi na sa los baƱos. kaya aun. umuwi na kami. kumain sa mcdo. dapat nga sa bahay kami kakain kaso wala palang ulam sa bahay.
ayan. napagdesisyunan na namin na pumunta nalang sa bahay namin at doon manood ng movie. sumakay kami ng dyip at natahimik kaming lahat. ayan asa bahay na kami. mejo ok. tahimik pa rin. humiram nga din pala kami sa video city ng vcd. white chicks. sa computer lang kami nanood gawa sira yung tv namin. ok naman. malinaw naman e. pinaghanda ko rin sila ng makakain. galing iyon sa aming tindahan. apat na nova at isang 1.5 na coke light. ayan. kala ko di nila mapapansin ung hinanda ko gawa nga kakakain lang namin sa mcdo. pero portsuneytli, kinain nila. at naubos naman. masaya ang aming panonood. nagcr sila ng tapos na ang disc 1. mjo napapansin ko nga na OP si mico. pero wala akong magagawa di pa naman kasi kami ganoon kaclose. kaya aun. matatapos na ang movie. pagkatapos ng movie kinakabakabahan ako. kala ko uwi na sila. pero buti hindi. itinour ko sila sa buo naming bahay eksep sa kuwarto ko. magulo kasi. ayun. tawanan. tawanan. at tawanan. masaya. pinakito ko nga sa kanila yung aking mga baby pictures at pati narin ng bata pa ako at pati na rin yung sa aking kapatid. maraming piktsur teyking na nangyari. ipupublish ko nga iyon dito. mayamaya pa. basta ayan. lalo akong kinabahan. gumawa ako ng paraan para di agad sila umalis. pinakitaan ko pa sila ng mas maraming picture. pero ang masasayang oras ay natatapos rin. kaya ayon. gabi na raw at kailangan na nilang umuwi sa kanikanilang lingga. kaya auyun. hinatid ko sila sa pagsasakyan nila ng dyip at pagkatapos nun ay ako'y umuwi na. kumuha ng 30 sa aking nanay para panload. na ipantetext ko sa kanila. tinext ko sila ng ingat. nagsori naman ako kay mico dahil naOP daw siya. kaya aun.
sana maulit itong ganitong pangyayari.
di ko talaga malilimutan ang araw na ito.
maituturing ko na talaga silang mga kaibigan.
o di kaya ay aking mga matatalik na kaibigan.
nyak! corny ko e. umaamoy na naman ako. kaya't wala pang bampira ang lumalapit sa akin. nyahahaha! di ko makonek. hehe.
o cge. kailangan na akong igisa.
naoobses na talaga ako sa iskreen name ko e.
No comments:
Post a Comment