Tuesday, October 31, 2006

KABALIWAN SA KALAMNAN

KABALIWAN SA KALAMNAN

Unang-una sa lahat. Ang ipopost ko ho sa araw na ito ay ang tinatawag na freewriting. Natuklasan ko ho ang ganitong uri ng pagsusulat sa aming English textbook. Kaya ayun, natuwa naman ako. Isusulat ko lang ho ang lahat ng nasa aking utak. Okay lang ho kahit walang saysay o walang koneksiyon ang mga isinusulat. Basta magsulat lang nang magsulat. At sisimulan ko na….

Wala lang. naaalala ko lang kagabi. nag swimming party sina utakgago at rax. Mukha ngang masaya. Nagiinuman daw sila red horse. Waw. Sarap. Di hamak na mas masarap iyon kay sa sa san mig. E wala nga atang idinudulot na kasarapan ang san mig e. asar, kanina binuksan ko iyong ref. naming. E aun. Nakalimutan ko na may sari sari store na nga pala kami. E aun. May mga nakita akong coke. Iinum na sana ako ng biglang naalala ko na ibinebenta nga pala namin iyon. Haaay, naka isang taon na nga pala ako dito sa pagbblog. kahit ganoon. Wala pa rin akong nararating. Kagabi lamang ay nakita ko ang blogsite ng aking crush na si patty laurel. Anung url? Bahala na kayo. Hehe. Basta aun. Mahirap malaman ng lahat ang site niya baka bigla na lang siyang tumigil sa pagbblog. Aun. nag bday pala si atom at si alessa sa spiral. Si alessa iyong bespren ni patty at si atom, nvm. O siya siya, siya iyong nasa 5&up dati at bee-ep ni patty. Na ngayon ay nasa breakfast kasama si cuadrado at si patty at ang isa ko pang crush na si bettinna carlos. Hot iyon. Kaso bigla nga lang siya nawala pero bumalik din. Di ba siya iyong merong resto. Saka sila ata nung payat na artista na dating nasa click na kalabteam ni Roxanne na sumali sa PBB CELEB EDITION. Tapos iyon. Sumikat ng sandali at nawala rin naman. E ganun naman ang showbiz. Haaay. Tumawag nga pala ako kay rax kagabi. At marami akong nakilala. Si yhin nga ang pinaka paborito ko sa lahat. Kalog iyon. Sarap kausap. Sana nga sa bulacan na lang ako nagaral o tumira para naman Makita ko sila sa personal. Para todo gimik. Siguro nga masaya sila ngayon. Kate text lang kasi sa akin ni rax. Nagsswiswiming na naman daw uli sila. Waaaah. Buti pa sila. E sana iyon. Which leads me to the swimming party kung saan natuto ako magsmoke. Waaaah. Taglish na ako. Hehehe. Naalala ko si copibean. Tapos nung swimming party nga. Iyon. Uminom ako ng isang bote ng san mig. Pulutan ay burger steak. Tapos iyon todo swimming kami. nag open up ang lahat. Tapos tatlo na lang kami natitirang gising at ako lang ang hindi natulog dahil ako ang naglinis ng buong kalat. Hindi naman iyong buong kalat. Iyong mga nagkalat lang na mga cans ng red horse. Oo nga pala paxenxa na at nakaON kasi ung spelling thingy. Iyong itinatama iyong spelling na English. Ang bawat bata sa ating mundo… nananananananaan.. Eto na ang pinakapanget na kinanta sa kami na po muna. The dawn kasi. Tanda tanda na nila rumaraket pa. dapat manahimik na lang sila sa kanikanilang mga bahay bahay. Tapos iyon nga si yhin. Sarap kausap. Hindi kaya kami na ang magkakatuluyan. Waw. Joke. Hehe. Ssshhhhh ka lang gago. Tapos iyon nga. Wala na akong maisip. Oo nga pala. May ipinarinig sa akin si rens kagabi ata iyon. Iyong pod cast niya. E astig naman talaga nung lumiit iyong boses. Kala niya siguro nangaasar nana man ako. Grrrrrrr. Hehehe. Peace. Tapos Nahunta ako sa site ni kuazee dahil ibinigay sa akin ni ron ang url. Napakinggan ko iyong “bakit ang manila daw ay overpopulated”. shit. Astig ung boses. Parang do sa RT at MAGIC. Sana ganun din ako. Nangarap din akong maging isang DJ iyong may kaka bang accent. Tapos iyon nga. Nakalimutan ko ng tumutok kay GURU SHIVAKER sa RT. E astig iyon. Nakakatuwa. Waw. Sarap talaga nitong sugo na hot and spicy. Tapos bigla kong naalala kanina. Nananaginip ako na dumudura. E aun. Paggising ko. Puro laway na ang unan. Ko. Kadiri e. kahit na sarili mong laway iyon kadiri pa rin. Yak. Tapos eto. May kausap na naman ang kapatid ko sa telepono. Parang bading. May pa deva deva at chorva chorba pa siya. E aun. Nursing kasi iyon. E aun pinaguusapan nila iyong mga magiging kaklase nila itong sem na to. Tapos umalis nana man ang aking ina para bumili ng pangispageti bukas at carbonara. Pupunta daw kami sa sementeryo. Ayun. Yes, makikita ko nana man ang crush ko na si… ewan. Di ko alam ang pangalan basta pinsan siya ni alexis. Tapos iyon nga. Kachat ko si jane kagabi, ang isa ko pang lablayp. Tapos si fj naman katext ko. E ang kitidkitid ng utak. Kasi tinanong kung anong pinapanood ko. Sabi ko desperate housewives. E anung problema niya dun. Sabi ba naman sakin e “lalake ka nga. Hahaha”. ah, ineng. Hindi porket puro babae ang bida e panbabae lang iyon. E sa maganda ang istorya. I pity her. Walang kaalamalam sa mundo. Tangina niya. Pagkamalan ba naman akong bading. Shiyet. But that’s uki. Nip/tuck naman ang nakaiskejul ngayun. Kahapon nakalima akong episodes ng DH. E mamaya episode 5 na ang papanooron ko sa niptuck. Sana mabili ko na iyong life as we know it saka iyong lost pati iyong american dad. Hehe. Puta. E aun. Nakain ako ng sugo ngaun na kinupit ko lang sa tindahan. Nagmumuka na akong orc dahil nagkatindahan na kami. Hehe. Pero ayes lang. sa mundo lang ni kopi bean may ganoon. Para namang totoo lahat ng sinasabi niya. Pero mukha nga. Tapos iyon, English ng English kapatid ko. Tapos ngayon itinigil ko na ang aking sound tripping kasi nga ako na ang nagbabantay ng tindahan. Tapos iyon nga. Waaaah. Tapo iyon may word war daw sa prendster. Ewan ko ba. Wala ako0ng pakialam. Iyong sarili ko nalang barkada ang poproblemahin ko. E aun. Sana wala ng gulo sa barkada. Wag na nga. La naman ako sa barkadang iyon. Ako ata iyong laging sumusunodsunod lang sa kanila. Parang basta. O sige na. masyado ng mahaba e. e wala na naman laman ang utak ko. Magrerecharge lang ako. Hehehe. Ge. Wala na talaga akong maisip. Sige na.

at diyan ho nagtatapos ang aking masalimuot na freewriting...

Sunday, October 29, 2006

MOVIE MARATHON

MOVIE MARATHON

kanikanina ko lang natapos ang aking movie marathon. lima lamang ang aking pinanood. pero sa aking mubi review ngayong. anim na pelikula ang aking itatampok.

at ang mga iyon ay ang sumusunod(ayon sa pagkasunud-sunod ko ng araw o oras na pinanood):

1.) CLOSER: natalie portman, julia roberts, clive owen at si jude law
2.) HARRY POTTER and the goblet of fire: daniel radcliffe, rupert grint at emma watson
3.) MAN OF THE HOUSE: tommy lee jones
4.) NASAAN SI FRANCIS: epy quizon, paolo contis at si rico blanco
5.) DARK WATER: jenniffer connelly
6.) MEMOIRS OF A GEISHA: zhang ziyi

MOVIE SUMMARY and REVIEW:

CLOSER
isang pelikulang sakto sa panlasa ng nakatatanda. iyon bang nasa 30s na nila. naintindihan ko naman ang istorya kahit medyo malabo at magulo. nagsimula ang pelikula ng pinagtagpo ng tadhana si jude law at si natalie portman. nagkatinginan sila habang natawid sa kalye. sa katangahan ni natalie ay nabangga siya. pero nagising rin naman. at pagkamulat niya, ang una niyang nakita ay si jude law. at ang sinabi niya rito ay, "HELLO, STRANGER!". at doon nagsimula ang kanilang lab istory. ilang taon din ang lumipas. nagkatuluyan nga sila. sumulpot na sa eksena si julia roberts bilang isang freelance photographer. nagkainlaban din sila ni jude law ng palihim. pero nalaman din ito ni natalie dahil nakinig siya sa usapan nila. tapos isang gabi napagtripan ni jude law na makipagchat sa inet. at doon naman sumulpot si clive owen bilang isang doktor, dermatologist ata siya. nagpanggap si jude law bilang si julia roberts at ayon. pinagplanuhan ni jude ang lahat para pagtagpuin ang dalawa sa THE AQUARIUM. at doon na nagsimula ang isa pang lab istory. umikot ang istorya sa kanilang apat. nagpalitpalitan ng kalab team hanggang humantong rin sila sa mga dapat nilang kalabinglabing.

*ayos naman ang pagkakagawa. maganda ang pagkakaganap ni natalie portman bilang isang bayarang babae. saktong sakto sa panlasa naming mga kalalakihan. masasabi mo talagang isa siyang versatile actress. hindi ko masyadong nagustuhan ang pagkakaganap ni julia roberts. si jude law naman ay parang hindi marunong umarte. hindi bagay sa kanya ang ginanapan niyang role.


HARRY POTTER AND THE GOBLET OF FIRE
basta ang pinakaistorya niya ay tungkol doon sa TRIWIZARD CUP. basta nakasama si harry dahil may bumoto sa kanya pero hindi estudyante. ang bumoto sa kanya ay iyong basta anak nung parang judge na ipinatapon sa AZKABAN, pero hindi siya si sirius. basta siya iyong idinawit ni sirius sa isang kaso kaya siya napapuntang azkaban. ayun, namatay si cedrich diggory(hindi ko alam kung tama ang spelling)dahil pinatay siya ni LORD VOLDEMORT. oo mabubuhay dito si VOLDEMORT dahil binuhay siya ni SCABBERS na naging tao. basta si scabbers iyong dating daga ni ron na nagpapanggap lang palang isang daga pero siya talaga si... basta nakalimutan ko na pangalan niya. tapos ayun. basta. hindi masyadong maganda ang katapusan nito.

*basta astig. lumaki na ang mga bida. akalain mong may mga lab interest na sila. basta ayun. crush ko nga iyong babae doon. ung isinalba ni harry iyong kapatid. basta. ang isa ko pang masasabi ay ang panget pala ni voldemort noong baby pa.


MAN OF THE HOUSE
basta ang istorya ay may mga cheerleaders na nakakita ng isang krimen at nagpanggap na isang coach ng mga cheerleaders si tommy lee para masolb ang kaso

*hindi ko na tinapos... ang corny at hindi nakakatawa...


NASAAN SI FRANCIS?
ang istorya ay umiikot sa dalawang dating band member na naghahanap ng pera. si paolo ay naghahanap ng pera para mapatakas na ang kanyang pokpok na gerlpren na si tanya garcia sa isang makapangyarihang mamasan at si rico blanco naman para sa kanyang tuition fee. hihingi sila ng tulong kay francis(epi) dahil mayaman ito. pero biglang namatay si francis dahil nasobrahan sa drugs. e aun. ang tulong sanag maibibigay ni francis ay ang pagbebenta ng ecstasy. e kaso namatay siya bigla kaya aun, hagulap sila sa paghahanap sa loob ng bahay ni francis. natapos ang istorya na inaakala nilang buhay pa rin si francis at ikinulong pa rin.

*korny pero nakakatawa. nakakamangha ang pagkakaganap ni christopher de leon at nakakagulat naman ang pagkakaganp ni rico blanco bilang isang good boy.


DARK WATER
ayun. nagsimula ang kababalaghan ng lumipat ng apartment ang magina at ng biglang may nagleleak sa may kisame na maitim na tubig. e aun, may nagpapakita na sa anak niya na babae. basta sa huli, mamamatay iyong ina dahil mas pinili niyang mabuhay ang kanyang anak kesa sa kanya.

*hindi nakakatakot, paano, amerikano ang gumawa ta remake lang ito galing sa isang japaneses film.


MEMOIRS OF A GEISHA
at ang huli at aking paborito sa dalawang paborito (gets? HP4 iyong isa) ay ang memoirs of a geisha. maganda ang pagkakagawa. hango ito sa nobela ni arthur golden. maganda talaga ang istorya. umiikot naman ang istorya sa isang batang naulila rin ng lumaon na nagustuhan lamang maging geisha ng makilala niya si chairman na nanlibre sa kanya ng snow cone. e aun, hinanap niya at aun, sila nga ang nagkatuluyan. age doesn't matter ika nga. basta aun, marami siyang napagdaanan pero aun happily ever after naman ang katapusan. at may quotable quotes nga rin sa mismong film, at eto iyon:

The heart dies. A slow death. Shedding each hope-like leaves. Until one day there are none. No hopes. Nothing remains. She paints her face to higher face. Her eyes are deep water. It is not for Geisha to want. It is not for Geisha to feel. Geisha is an artist of the floating world. She dances. She sings. She entertains you. Whatever you want. The rest is shadows. The rest is secret.

at

No Geisha can never hope for more.


ayan lamang ang walang kwenta kong pagsasaliksik sa bawat mubi na aking napanood. sana ay nabigyan ko kayo ng ideya kung anung mubi ang magandang panoorin at kung anu ang hindi dapat pagaksayahan ng panahon.

Friday, October 27, 2006

NOW THAT'S AMAZING

NOW THAT"S AMAZING

haggard talaga kahapon. ang raming nangyari e. masasabi ko talagang hindi ordinaryong araw ang mga kaganapan kahapon.

i started my day xmpre nag-ano alam niyo na yun, basta nag M or J. tapos uminom ng kape. tapos upo sa trono. tapos naligo. tapos nagtapis. tapos umakyat para magbihis. tapos tumitig sa salamin para tingnan ang mga ayaw ko sa mukha ko, at ayun nabwisit, marami pala. tapos bumaba na ako para magsipilyo. at naginternet. tapos bumili ng harina. harina? eto palang hindi na ordinaryo para sa akin. tapos nakauniform ako. lintsak na yan. ako lang pala ang nakauniform sa service. buti nalang nagdala ako ng maong at poloshirt. at aun. pumikit habang humahampas sa mukha ko ang hangin at ang mga halaman, at nagisip kung anuano ang mga mangyayari mamaya. aba'y akalain mo nga naman pagkamulat ko ay nasa eskwelahan na ako. now that's amazing. ayun. hindi na ako umakyat. diretso na ako sa aming HORROR BOOTH. at nagsimulang magayos. ayan ok na. at nagumpisa na. sinabit ko ang ulo ko sa lubid at nagpanggap na nagpakamatay. ayun, walang pumapansin sa akin, buhusan ko nga ng harina ewan ko lang kung hindi pa nila ako pansinin. tapos ayun naka 5 rounds kami ng pananakot bago kami umakyat. may mga umiyak nga na mga bata. may mga nagtawanan.

pinaakyat na kami at pinalitan kami ng mga 2nd yr. magrerecollection na daw. kala ko boring. buti na lang masaya iyong speaker. kaya ayun. tawanan. tapos noong bandang patapos na. ipinakita iyong healing. doon kami naamaze. now that's amazing. nagtumbahan iyong crew nila. parang itinapat lang iyong kamay ng speaker tapos iyon parang nahimatay. tapos may tumawa, sabi ng speaker, "This is not a circus...". oo nga naman. wala kasing clown. tapos ayun kami na ang isinunod. nagpahuli na ako gawa umihi pa ako sa kaba. at ng lumaon ay tumayo na rin para magpahealing. at ayun. ipinikit ang aking mata, ipinagtabi ang dalawang paa at ipinagdikit ang dalawang palad. naghintay, sabi ko "shit, nandito na ba? matutumba na ata ako". tapos ayun. papalapit na ng papalapit na ang speaker sa akin at ako ay natumba. nagmulat ako bigla bago pa dumikit ang ulo ko sa sahig. nakokonxus kasi ako. ewan ko. pero ung iba nanatiling pirme sa sahig at tumayo. siyempre ako, konting acting na, "Oh my GOD" tapos hawak sa ulo at pumikit tapos nagindian sit tapos tumayo. siyempre kunwari talagang perpekto ang aking pagkakabagsak. pero sa totoo lang, kidding aside, naging light talaga ako, para akong isang bulak na bumabagsak sa isang vacuum. now that's amazing. tapos ayun. may nagsalita. kung sino pa daw ang gusto na maramdaman ang miracle ni GOD, un ata sinabi niya. pumunta lang daw sa unahan. 18 lang daw ang pede na lalake. e aun. nagalinlangan pa ako. tapos makisiksik na ako sa unahan. aun biglang sinabi. "the last two in the row, mag-alalay na lang kayo." waaah. now i can feel the miracle of GOD. biruin niyo ako ung THIRD to the last. now that's amazing. tapos pinatanggal ung salamin ko. at pinapikit uli, pinagtabi ang paa at palad. praying posisyon ata tawag dun. tapos ayun. sunudsunod kami nagtumbahan. parang domino effect. although di ko nakita, naramdaman ko naman. ako ang pinakanagsuffer gawa ako ang nasa hulihan. dinaganan ako ni gab. ako naman tumayo agad at nagacting na parang may nangyari sa aking kakaiba. pero kidding aside, may nangyari nga, pero inoveracting ko nalang. parang mas naging light ako.

tapos nun. pinakita nung speaker sa amin iyong rosary niya. ibinigay daw yun ng POPE PAUL II sa kanya. which is true. tapos ayun nagpakita nga daw si POPE sa kanya noong araw na namatay ung POPE. at aun. basta. mahabang istorya.

KWENTO KO NALANG NEXT TIME...

Sunday, October 22, 2006

LASHENG

LASHENG

isang masayang gabi nanaman ang lumipas. isang gabing puno ng tawanan at kaingayan. isang gabi ng pag-iinom. hindi ko talaga lubos akalain na ganoon ang mangyayari sa akin kagabi. noong una ay patikim-tikim lang ako. pero noong kalaunan ay nasarapan na ako at nakailang baso rin. mga 6-8 baso(ung basong pambeer talaga) ang aking nainom. red horse nga pala ang aming ininom. di hamak na mas masarap nga ito kesa sa ibang beer tulad ng sanmig. nagsuka nga si vin. e aun. pinahiga na muna namin siya sa may BIG DADS. pero tuloy pa rin ang inuman. si pael naman hindi umiinom. masyadong mabait. kaya aun nagdrawing nalang sa pader ng BIG DADS. hindi po siya nagvandalize. pwede po talagang sulatan ang pader sa nasabing bar. nagpapaunahan nga silang magbottomsup. pero hindi ako nakasali. hindi ko kayang tuluytuloy. mabigat kasi sa tiyan. si rey nga ang laging panalo. ako naman ng tipsy na ako ay nangaagaw ako ng beer. ayon sa aking natatandaan, humingi lang ako kay elmer ng konting beer pero ibinuhos ko ng lahat. tanga e. e aun. sarap kasi. pero nangangati na ako sa mga oras na iyon. ewan ko. baka side effects iyon ng beer. bukod sa pangangati ay dighal pa ako ng dighal at sumasakit ang tiyan dahil mabigat ito sa tiyan. masaya naman. noong papunta na ako sa banyo ay sinamahan ako ng isa kong kaibigang fil-am. dahil nga baka matumba ako dahil hindi ko na kayang maglakad ng diretso. hindi na nga ako pinagbayad ng nagbabantay sa banyo dahil nakailang pasok na ako roon. pagkatapos kong umihi ay uminom pa ako ng 3/4 na baso at nagpasya na silang umuwi. sobrang ingay ko daw. hindi nila akalaing ganoon ako pag nalalasing. sobrang kabaligtaran ko ata iyong ugali ko pag nalalasing. ewan ko ba. e di sumakay na nga kami sa dyip at hindi ko matandaan kung nagbayad ako. tapos nagtricycle ata kami. pero hindi ata ulit ako nagbayad. at nandoon na kami kila rey. nagpasya kasi akong matulog sa kanila sa kadahilanang hindi alam ng nanay ko na umiinom ako. pero un ung unang beses na uminom talaga ako ng todo. pagpasok namin, unang bumulaga sa amin ang katulong nila rey, naalala ko pa na sinabi niya na, anu ba ang nangyari sa inyo. tapos sabi ko good evening po. e aun. pagakyat sa kwarto ay hindi ko na talaga mapigilan ang aking bibig. kanta ako ng kanta. kinukulit ko sila. nabwisit nga ata sila dahil naramdaman ko na binubuhusan nila ako ng alcohol. pero hindi ako tumugil magsalita. kumanta pa ako. ewan ko kung anu ung kinanta ko. basta. nabwisit nga ata sa akin si ian. basta tanda ko hindi ako makatulog kasi anlamig. hindi ko rin maisara ang mata ko. tanda ko nga ihi ako ng ihi. tapos noong huli kong ihi ay nalockan ako ng pinto. e hindi nila marinig iyong katok ko. buti nalang ay biglang bumangon tatay ni rey para buksan iyong pinto. kaya aun nakapasok na ako. tapos noon ang natandaan ko na lamang ay nagising na ako. at nagkokompyuter si rey. tapos sunudsunod na ang paggising ng lahat. nanood pa nga kami ng jackass e. aun. tawanan uli. pero nasa wastong pagiisip na ako noon. ako nga pala ang unang umuwi. nakasalubong ko nga si yobi at carlos e. maghihiking nga sana kami. e aun. hindi na ako sumama.

basta ewan ko. TIPSY nga ba ako o LASING. basta alam ko. masaya ang nangyari kagabi.

Friday, October 20, 2006

...basta

mga bago kong sites

kung gusto niyong makita ang aking mga nalitratuhan eto po ang inyong puntahan:

www.litrato-ng-bayan.blogspot.com

at kung gusto niyo pong makita ang aking mga obra maestra, yun bang mga ginawa ko sa adobe at iyong mga inedit ko na rin, pumunta lamang po kayo sa URL na nasa baba nito:

www.obramaestra-ng-bayan.blogspot.com

salamat po

Sunday, October 15, 2006

KACONYOHAN

KACONYOHAN.. dedicated to cofibean

pare, cofibean is so inspirational talaga. imagine, i'm talking na like how he is talking din. well, it's not talaga kapareho like cofibean's way. but, for the sake of today's entry, i'm trying kaya my best to talk like cofibean.

it's been a hectic saturday kaya kahapon. i was like, man! what happened na to my face-to-die-for face. i got wounds all over my face kaya because of that stupid hair remover. i'm not gonna use na uli. it's like a traitor kaya. the package says kaya na magiging smooth daw ang mukha ko if un ang ginamit kong pangshave. it was a traitor pala. it was like paanghel pa sa tv advertisement. and they hire pa a hot model. but then, i realized na i was the one na nagkamali kaya. man, i read the instructions all over again, like an orc reading english na hindi nila maintindihan kaya inuulit-ulit. and then, it was not recommended pala to use it in the face. bullshit. so i suffered kaya for 2 days because mahapdi ang mukha ko. it was like my face was injected with botox. as in, and it was so hapdi pare. just for the sake of that stupid CAT na walang ginawa kundi make us suffer and giving us an uberly tan skin. i'm like uling na kaya. uling is charcoal no, don't be like bobo orc or something kaya. kaya my skin is like those black-residue-from-eating-barbecue-sa-mga-orcspots sa mga cheeks ng mga orcs na nakakalat sa kalye like those diapers na nginatngat ng aso sa kalye kaya. that's so ikee no.

so i promised myself na i would complain about that teacher as soon as possible kaya. as in ngayun na pare. he's getting into my veins na talaga pare.

stay away from those orcs dude-pare-man. so that we don't make layo to you if ever mahingahan ka nila. ok pare.

---------------

again, this entry is dedicated to cofibean kaya and not to the orcs that keep on imitating cofibean like me kaya. i mean you need kaya the permission from cofibean kaya or generoso before you talk like this pare. so, i'm illegal kaya. kaya i'm going to make paalam to them na kaya right after ko tawagan the directress of our school. so pare don't be ambisyoso....

Tuesday, October 10, 2006

STRING and PAINTS

STRINGS and PAINTS

saktong alas sais diseotcho na sa aming relo. kakauwi ko pa lamang mula sa isang bookstore. bumili kasi ako ng string ng gitara. sintunado na ho kasi ang string nos. 6, 5, 4. kaya ayon, bumili na lang ako ng bago. kalawang na kasi ito at hindi na kulay silber. baka matetano pa ako kung sakasakali ko itong gagamitin. alam nyo naman ang aksidente. minsan ay hindi nagpapahiwatig kung darating na siya.

kanina nga pala ay nagelimination na sa art contest. as usual, wala akong gamit na dala. kaya nanghingi na lamang ako ng oslo paper sa aking mga kaklase. isa nga lamang ang aking nahingi. kaya todo ingat. at nakidawdawdawdaw na lamang ako ng pintura. bakit ba kasi hindi pwedeng gumamit ng oil pastel e. sa bagay, nagagawan naman iyon ng paraan. kaya ayon. nagisip muna ako kung ano ang angkop na maipaint para sa temang "SAGIP DAGAT, SAGIP BUHAY". at may naisip naman ako. agad agad ko itong inesketch sa scratch at ng ako ay kuntento na ay inilipat ko na ito sa oslo paper. maayos naman ang aking pagkakadrawing. isang patak ng tubig na may isda sa loob at may nakayakap ditong isang tao na niyayakap din ng isa pang tao. nakukuha niyo ba. basta pag ibinalik na sa akin ang aking gawa ay iiiscan ko na ito at iuupload para mkita ninyo. marami naman ang natuwa at namangha sa aking gawa. at ako na naman ay nanatiling tahimik na walang kayabangyabang. kaya dito ko na lamang iyayabang. hehe. marami ang pumuri. para raw akong ibang version ni paeng na galing sa arts center na lumipat sa iskul namin. laking pasasalamat ko na lamang sa DIYOS at binigyan niya ako ng ganitong talento. mahirap man para sa akin ang magyabang(ows?) pero kailangan. kailangan kong ipagmalaki ang regalong ipinagkaloob sa akin ng PUONG MAY KAPAL.

salamat ho sa INYO!

Sunday, October 08, 2006

KUTING

KUTING

isang bagong panganak na kuting ang aking namataan sa tapat ng aming bahay. tila ulila na. walang inahing pusa ang aking namataan sa nasabing lugar. ni anino ng ama ay wala rin. tinangka ko itong kuhanin, pero huli na ang lahat. ito ay nalaglag na sa may estero at nagsimulang umungol-ungol. dahil nga sa hindi sanay sa tubig. at nakipagsabayan pa rito ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin ay hindi ito tumigil sa pagiyak. kaawaawa talaga ang sinapit ng kuting. hindi ko na ito nagawang iligtas dahil pinagbawalan ako ng aking inay na huwag kunin. maaawi raw may rabis ito at may allergy raw ako rito. marahil sa susunod na makaengkwentro ako nito ay agad kong kukunin ito at aampunin bago mahuli ang lahat.

Saturday, October 07, 2006

BUTIKI

BUTIKI

may ikukuwento lang ako sa naging kaganapan kagabi sa aming kusina.

habang naglilinis ang inay ko ng aming ref dahil magulo at iwaiwarang ang pagkakasalansan ng mga bote ng coke sa freezer. ay may napansin siyang nagalaw sa may likod ng mga bote. tila isang buntot. buntot na nagalaw galaw. sa lingid ng pagkakaalam niya ay galing sa butiki ang gumagalaw. abay, pagkaalis ng mga bote ay butiki nga. tila nakipagsabayan ang butiki sa pagpasok ng freezer habang nililinis ito ng aking inay. kaya agad akong tinawag ng aking inay at pinatanggal ang kawawang butiki. tila nanginginig pa at natrauma ata ng inilapag ko sa may lababo. para makatiyak kung buhay nga ang mumunting nilalang ay ginalaw ko ito. buhay pa pala. kaya hayun at hinayaan na namin.


kawawang butiki. baka may pneumonia na.

naka out na nga po pala sa aking photoblog ko ang pictures galing sa nakaraang swimming party. heto po ang site: www.litrato-ng-bayan.blogspot.com

Friday, October 06, 2006

SCREAM

SCREAM


eto po ang ikatlo kong digital art. tinatawag ko po itong scream. wala lang talaga akong magawa ng mga oras na ito. tamang tama at kakapanood ko pa lamang ng pelikulang cry_wolf at i'll always know what you did last summer kaya ganyan na lamang ang naisipan kong tema. pasensya na po kung hindi kagandahan.

may photoblog na rin pala ako. eto ang url: www.litrato-ng-bayan.blogspot.com . sana ay magustuhan niyo iyan. ang pinaka una ko nga palang pinost na mga post ay tungkol sa dati kong post na DELUBYO MILENYO.

Thursday, October 05, 2006

fhm fever

FHM FEVER

(correct me kung may mali ako sa grammar o may typo. di kasi ako magaling dito)

you know what i like about fhm? they keep thrilling us with unique stuffs they'll do in every issue of their mag every month. and this month they got three covers to collect: katrina halili, assunta de rossi, and francine prietto. due to my overwhelmNESS of the said mag, i bought the three issues in one go.

375 pesos was lost. but 6969% of pleasure was gained.

Wednesday, October 04, 2006

marahil ay alam na ninyo na dinagsa kami ng delubyo dito sa may laguna. at siguro alam niyo rin na nagkaroon na ng kuryente sa may amin kahapon. ngunit sa ibang dako pa pala ng laguna ay may mga lugar na hindi pa naiilawan. tila nagtitiis sa init. malaki raw kasi ang pinsala na idinulot ng bagyong milenyo sa mga kable ng meralco kaya ganoon na lamang ang pagtitiis ng mga nasasakupan.

kanina lamang ay pumasok na ako sa aming paaralan para kumuha ng eksamin. tungkol sa ekonomiya at literatura ang aming pagsusulit. tanghali na nga akong nakapasok dahil noong umaga lang ako nakapagaral ng ekonomiya dahil na rin hindi ko ito natapos noong madaling araw. sumakay ako sa may robinson's town mall. kasabay ko sa aking pagsakay ang isang mamang tila bago pa lamang sa aming bayan. mukha ngang dinilaan ng kalabaw ang kanyang buhok dahil napasobra ang gel. para bang wala ng bukas ang paglagay niya ng gel. at huwag ka! sa gitna pa ang hati nito. kaya ayun. nagtataka ako kung saan kaya bababa ang mamang ito. nakapolo at nakapantalon. tila may lakad nga ang nasabing lalake. nang kami ay nasa bandang grove na ay siya ay nagbayad na. ang sabi pa nga ay, "ma! heto na po ang aking bayad. paki hatid na lamang ho ako sa may ART CENTER!". laking gulat ko sa aking pagkarinig. ART CENTER. kung hindi nga ho kayo tiga Los Banos ay nagtataka kayo kung bakit ako nagulat. ang ART CENTER ho kasi ay isang mataas na eskwelahan ng mga magagaling sa pagdodrowing at sa teatro na matatagpuan sa bundok. malas ko na nga lang at hindi ako nakapageksamin doon. malayo ho ito. ilan laang ang nagsasakay papunta dito. at doon iyon sa may sakayan sa jamboree. malayo ho kasi. kaya namang lakarin. kaso bago ka makapunta doon ay inabot ka na ng isang buwan. at paikot-ikot ka lang kung hindi ninyo kabisado ang lugar. iyon ho ang dahilan kung bakit ako nagulat. siguro nga ay hindi tiga dito ang nasabing mama kaya ganoon na lamang ang nangyari.

nauna na ako sa mama. bumaba ako sa may vega. pumunta sa insight at wala akong naabutan. brownout pa rin pala sa kanila. tsk tsk. kaya hayun. nagpasya akong kumain na lamang sa may mcdo. umorder ng aking paboritong combo na large fries and sarsi float at doon na itinuloy ang aking pagaaral. mukha nga akong tigaUP ng mga oras na iyon. xerox at yellow pad ang aking hawak. at tila isang matalinong hunghang na nagaaral sa loob ng mcdo. hindi ko inubos ang aking pagkain. hinayhinay nga ako sa pagsubo. naalala ko kasi ang naikuwento sa atin ni rens tungkol sa pagpapanggap nila bilang isang conyo. nakapolo shirt kasi ako ng penshoppe ng mga oras na iyon at nakaragged na lonta na galing rin sa penshoppe. garanggara talaga ako sa aking suot. kaya umarte ako bilang conyo. sayang nga lamang at hindi ko nadala ang aking cellphone at digicam.

pagkatapos ko sa mcdo ay dapat maggagala pa ako. e biglang dumating ang aking tito na driver. sumakay na ako baka kasi isipin niya na nagbubulakbol ako. kaya ayun, nagpababa ako sa may animal science at naglakad. hindi pa rin pala ako ligtas. maraming nagdadaanang serbis ng mga titser kaya sumakay na ako sa pedicab.

mahangin at maaliwalas ang paligid. kaso hindi mo rin ito mararamdaman dahil na rin sa kalunos lunos na sinapit ng mga bahay at puno dito.

hindi ko na namalayan na nasa village na pala ako. nakita ko ang aking fil-am na kaklase. lunch pa lang pala. nang ako ay pumasok na sa aming paaralan. nagkakagulo ang lahat. gusto kasi ng lahat lumabas. doon daw sila sa tapat na kainan kakainan. ang dahilan pala ay said ang tinda na lunch sa aming kapeteria. wala kasing kuryente. kaya maunti ang kanilang naihanda.

maiinit ang mga ulo ng aking mga kaklase. pero diretso pa rin ako sa aming klassrum at hindi sila pinansin. marami ang nakapansin sa aking pagdating. KIM! KIM! KIM! bigla kong naalala na naghalfday nga pala ako. nagpakainosente na kunwari ay alam ko na hindi pa tapos ang eksam. pero sa totoo lang ay alam ko naman talaga kaya ko tinagalan.

may career orientation pala. galing MAPUA. may napili na nga akong course kung sakasakali. BS Multimedia Arts and Sciences. iyan din dapat ang kukunin ko sa St. Benilde. pero ako ay nagkuli dahil mga mahihina lang daw ang ulo ang mga pumapasok. bagsakan daw kasi iyon ng mga bagsak sa la salle(hindi naman sa pangiinsulto, iyon lamang ang akin narinig).

masaya. medyo may kataasan nga lang. pero UP o UST parin ako.

pero sa likod ng aming pagsasaya sa career orientation ay nababalutan naman kami ng init at pawis sa buong katawan. tila wala ng hangin ang pumapaspas sa amin. kaya kanyakanya ng paypay.

maaga kaming pinaawas dahil dito. pero matagal naman akong naghintay sa aking serbis kaya wala pa rin.

iyan po ang mga nangyari sa akin sa buong araw. walang kwenta!

Tuesday, October 03, 2006

kagimbal-gimbal

DELUBYO MILENYO...

marahil tayo ay nagsasaya sa ating mga tahanan, o kung hindi man ay sa labas. dahil na rin sa pagkakaroon ng kuryente. alam kong ilang gabi nating tiniis ang init sa ating mga higaan. at ilang araw ang sinakripisyo natin sa pagkokyompyuter. at ganoon nalang ang ating pagtalon at pagsigaw ng humaplos sa ating mga mukha ang init na nanggagaling sa mga ilaw sa ating bahay. siguro nga ay nakalimutan na natin ang mga itsura nito kaya't sabik na sabik tayo ng nakita ulit natin ito.

pero sa isang pagkakataon ng tayo ay nagsasaya ay sumaliw ba sa ating mga kokote ang mga nasalanta ng bagyo. ang mga nasawi at naulila. ang mga natabunan ng lupa. at ang mga nakuryente sa baha.

itong nagdaang bagyong milenyo. marami ang namatay. karamihan na sa los banos, laguna. marami ang naapektuhan talaga sa nasabing bagyo. nasabi ko na marami talaga kasi ako mismo ang nakaranas nito. salamat na nga lang sa DIYOS at ako ay ligtas. hindi man karumal-dumal ang aming sinapit ay ang iba naman ang nakakagimbal. katulad na lamang ng aming kapitbahay na nalagasan ng bubong. maraming bahay ang naapektuhan dahil dito. nasira ang kanilang mga garahe dahil sa paghampas ng kanilang(kapitbahay) yero. siguro ay awa nalang ang nanaig sa mga naapektuhan kaya't hindi na nila ito pinagbayad.

at ang isa pa ay ang aming natatanging hanging bridge sa may up. ito po ay nagkolaps at bumigay. mabuti na nga lang ho at walang natulay ng mga panahong iyon kaya't walang nasaktan.

at ang mga nagtumbahang puno sa may up. hindi na siguro niyo makikita ang magandang luntiang tanawin sa aming nayon dahil sa mga bumagsak at naputol na puno. ganoon na lang ang aming panghihinayang.

nitong linggo ko lang nalaman ang mga nangyari sa may amin. hindi talaga ako lumalabas ng bahay. kahit ako ay takot na bumagyo ulit ng malakas at abutan ako sa labas. naglakad-lakad ako ng hapong iyon. anrami pala talagang nasalanta ng bagyo. nagtumbahang puno. nagliparang yero. at nagbagsakang poste. umuwi ako kaagad para kunin ang aking camera at agad bumalik sa up. kaso huli na ang lahat. madilim na masyado at di na kayang pailawan ng flash. kaya't agad akong umuwi. nahiga at umidlip. at nagising din naman. tinext ko ang aking kabarkada. ang sabi ko ay, "oi! lande! san kayo?". sabi naman niya ay, "dito sa square. ikaw?". ako, "bahay lang. punta ako jan, kakabagot sa bahay. hintayin niyo ako". siya, "o cge". kaya't dali-dali akong umalis dahil alas siyete na noon. nagpaalam na sandali lang. dumating akong maingay sila. pito pala sila. nagsigarilyo ng dalawang istik at nakipagkuwentuhan. masaya. ganito pala ang pakiramdam pag kasama sila. hindi naman kasi ako pala sama sa kanila. kaya ayon, nagpasya na sila na pumunta sa isa pa naming kabarkada. nandoon na kami ng biglang hindi pala pwede magovernight. bawal pala magovernight sa kanila dahil may bata. kaya nagpasya kaming umuwi na. naghintay ng napakatagal dahil walang tricycle na nadaan. at naupo nalang kami sa may big mak. may nakitang tricycle at tinawag. alas diyes na kami nakauwi.

hindi naman ako pinagalitan. pinagsabihan lang. diretso tulog nga ako e.

tapos lunes ng hapon lumabas ulit ako. inagahan ko na ang paglabas para mapiktsuran ng maayos ang mga nasalanta. walo ata ang nakuha ko. by this week ay baka ipost ko iyon dito.

ipagdasal na lang ho natin ang mga namatay sa aming nayon. at sana ay manatili silang tahimik kung nasaan man sila ngayon.