Tuesday, October 03, 2006

kagimbal-gimbal

DELUBYO MILENYO...

marahil tayo ay nagsasaya sa ating mga tahanan, o kung hindi man ay sa labas. dahil na rin sa pagkakaroon ng kuryente. alam kong ilang gabi nating tiniis ang init sa ating mga higaan. at ilang araw ang sinakripisyo natin sa pagkokyompyuter. at ganoon nalang ang ating pagtalon at pagsigaw ng humaplos sa ating mga mukha ang init na nanggagaling sa mga ilaw sa ating bahay. siguro nga ay nakalimutan na natin ang mga itsura nito kaya't sabik na sabik tayo ng nakita ulit natin ito.

pero sa isang pagkakataon ng tayo ay nagsasaya ay sumaliw ba sa ating mga kokote ang mga nasalanta ng bagyo. ang mga nasawi at naulila. ang mga natabunan ng lupa. at ang mga nakuryente sa baha.

itong nagdaang bagyong milenyo. marami ang namatay. karamihan na sa los banos, laguna. marami ang naapektuhan talaga sa nasabing bagyo. nasabi ko na marami talaga kasi ako mismo ang nakaranas nito. salamat na nga lang sa DIYOS at ako ay ligtas. hindi man karumal-dumal ang aming sinapit ay ang iba naman ang nakakagimbal. katulad na lamang ng aming kapitbahay na nalagasan ng bubong. maraming bahay ang naapektuhan dahil dito. nasira ang kanilang mga garahe dahil sa paghampas ng kanilang(kapitbahay) yero. siguro ay awa nalang ang nanaig sa mga naapektuhan kaya't hindi na nila ito pinagbayad.

at ang isa pa ay ang aming natatanging hanging bridge sa may up. ito po ay nagkolaps at bumigay. mabuti na nga lang ho at walang natulay ng mga panahong iyon kaya't walang nasaktan.

at ang mga nagtumbahang puno sa may up. hindi na siguro niyo makikita ang magandang luntiang tanawin sa aming nayon dahil sa mga bumagsak at naputol na puno. ganoon na lang ang aming panghihinayang.

nitong linggo ko lang nalaman ang mga nangyari sa may amin. hindi talaga ako lumalabas ng bahay. kahit ako ay takot na bumagyo ulit ng malakas at abutan ako sa labas. naglakad-lakad ako ng hapong iyon. anrami pala talagang nasalanta ng bagyo. nagtumbahang puno. nagliparang yero. at nagbagsakang poste. umuwi ako kaagad para kunin ang aking camera at agad bumalik sa up. kaso huli na ang lahat. madilim na masyado at di na kayang pailawan ng flash. kaya't agad akong umuwi. nahiga at umidlip. at nagising din naman. tinext ko ang aking kabarkada. ang sabi ko ay, "oi! lande! san kayo?". sabi naman niya ay, "dito sa square. ikaw?". ako, "bahay lang. punta ako jan, kakabagot sa bahay. hintayin niyo ako". siya, "o cge". kaya't dali-dali akong umalis dahil alas siyete na noon. nagpaalam na sandali lang. dumating akong maingay sila. pito pala sila. nagsigarilyo ng dalawang istik at nakipagkuwentuhan. masaya. ganito pala ang pakiramdam pag kasama sila. hindi naman kasi ako pala sama sa kanila. kaya ayon, nagpasya na sila na pumunta sa isa pa naming kabarkada. nandoon na kami ng biglang hindi pala pwede magovernight. bawal pala magovernight sa kanila dahil may bata. kaya nagpasya kaming umuwi na. naghintay ng napakatagal dahil walang tricycle na nadaan. at naupo nalang kami sa may big mak. may nakitang tricycle at tinawag. alas diyes na kami nakauwi.

hindi naman ako pinagalitan. pinagsabihan lang. diretso tulog nga ako e.

tapos lunes ng hapon lumabas ulit ako. inagahan ko na ang paglabas para mapiktsuran ng maayos ang mga nasalanta. walo ata ang nakuha ko. by this week ay baka ipost ko iyon dito.

ipagdasal na lang ho natin ang mga namatay sa aming nayon. at sana ay manatili silang tahimik kung nasaan man sila ngayon.

No comments: