marahil ay alam na ninyo na dinagsa kami ng delubyo dito sa may laguna. at siguro alam niyo rin na nagkaroon na ng kuryente sa may amin kahapon. ngunit sa ibang dako pa pala ng laguna ay may mga lugar na hindi pa naiilawan. tila nagtitiis sa init. malaki raw kasi ang pinsala na idinulot ng bagyong milenyo sa mga kable ng meralco kaya ganoon na lamang ang pagtitiis ng mga nasasakupan.
kanina lamang ay pumasok na ako sa aming paaralan para kumuha ng eksamin. tungkol sa ekonomiya at literatura ang aming pagsusulit. tanghali na nga akong nakapasok dahil noong umaga lang ako nakapagaral ng ekonomiya dahil na rin hindi ko ito natapos noong madaling araw. sumakay ako sa may robinson's town mall. kasabay ko sa aking pagsakay ang isang mamang tila bago pa lamang sa aming bayan. mukha ngang dinilaan ng kalabaw ang kanyang buhok dahil napasobra ang gel. para bang wala ng bukas ang paglagay niya ng gel. at huwag ka! sa gitna pa ang hati nito. kaya ayun. nagtataka ako kung saan kaya bababa ang mamang ito. nakapolo at nakapantalon. tila may lakad nga ang nasabing lalake. nang kami ay nasa bandang grove na ay siya ay nagbayad na. ang sabi pa nga ay, "ma! heto na po ang aking bayad. paki hatid na lamang ho ako sa may ART CENTER!". laking gulat ko sa aking pagkarinig. ART CENTER. kung hindi nga ho kayo tiga Los Banos ay nagtataka kayo kung bakit ako nagulat. ang ART CENTER ho kasi ay isang mataas na eskwelahan ng mga magagaling sa pagdodrowing at sa teatro na matatagpuan sa bundok. malas ko na nga lang at hindi ako nakapageksamin doon. malayo ho ito. ilan laang ang nagsasakay papunta dito. at doon iyon sa may sakayan sa jamboree. malayo ho kasi. kaya namang lakarin. kaso bago ka makapunta doon ay inabot ka na ng isang buwan. at paikot-ikot ka lang kung hindi ninyo kabisado ang lugar. iyon ho ang dahilan kung bakit ako nagulat. siguro nga ay hindi tiga dito ang nasabing mama kaya ganoon na lamang ang nangyari.
nauna na ako sa mama. bumaba ako sa may vega. pumunta sa insight at wala akong naabutan. brownout pa rin pala sa kanila. tsk tsk. kaya hayun. nagpasya akong kumain na lamang sa may mcdo. umorder ng aking paboritong combo na large fries and sarsi float at doon na itinuloy ang aking pagaaral. mukha nga akong tigaUP ng mga oras na iyon. xerox at yellow pad ang aking hawak. at tila isang matalinong hunghang na nagaaral sa loob ng mcdo. hindi ko inubos ang aking pagkain. hinayhinay nga ako sa pagsubo. naalala ko kasi ang naikuwento sa atin ni rens tungkol sa pagpapanggap nila bilang isang conyo. nakapolo shirt kasi ako ng penshoppe ng mga oras na iyon at nakaragged na lonta na galing rin sa penshoppe. garanggara talaga ako sa aking suot. kaya umarte ako bilang conyo. sayang nga lamang at hindi ko nadala ang aking cellphone at digicam.
pagkatapos ko sa mcdo ay dapat maggagala pa ako. e biglang dumating ang aking tito na driver. sumakay na ako baka kasi isipin niya na nagbubulakbol ako. kaya ayun, nagpababa ako sa may animal science at naglakad. hindi pa rin pala ako ligtas. maraming nagdadaanang serbis ng mga titser kaya sumakay na ako sa pedicab.
mahangin at maaliwalas ang paligid. kaso hindi mo rin ito mararamdaman dahil na rin sa kalunos lunos na sinapit ng mga bahay at puno dito.
hindi ko na namalayan na nasa village na pala ako. nakita ko ang aking fil-am na kaklase. lunch pa lang pala. nang ako ay pumasok na sa aming paaralan. nagkakagulo ang lahat. gusto kasi ng lahat lumabas. doon daw sila sa tapat na kainan kakainan. ang dahilan pala ay said ang tinda na lunch sa aming kapeteria. wala kasing kuryente. kaya maunti ang kanilang naihanda.
maiinit ang mga ulo ng aking mga kaklase. pero diretso pa rin ako sa aming klassrum at hindi sila pinansin. marami ang nakapansin sa aking pagdating. KIM! KIM! KIM! bigla kong naalala na naghalfday nga pala ako. nagpakainosente na kunwari ay alam ko na hindi pa tapos ang eksam. pero sa totoo lang ay alam ko naman talaga kaya ko tinagalan.
may career orientation pala. galing MAPUA. may napili na nga akong course kung sakasakali. BS Multimedia Arts and Sciences. iyan din dapat ang kukunin ko sa St. Benilde. pero ako ay nagkuli dahil mga mahihina lang daw ang ulo ang mga pumapasok. bagsakan daw kasi iyon ng mga bagsak sa la salle(hindi naman sa pangiinsulto, iyon lamang ang akin narinig).
masaya. medyo may kataasan nga lang. pero UP o UST parin ako.
pero sa likod ng aming pagsasaya sa career orientation ay nababalutan naman kami ng init at pawis sa buong katawan. tila wala ng hangin ang pumapaspas sa amin. kaya kanyakanya ng paypay.
maaga kaming pinaawas dahil dito. pero matagal naman akong naghintay sa aking serbis kaya wala pa rin.
iyan po ang mga nangyari sa akin sa buong araw. walang kwenta!
Wednesday, October 04, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment