Tuesday, September 26, 2006

nasisilaw sa liwanag. sakit ng ulo sa pagbangon. mahirap talagang gumising ng maaga para lang gumawa ng report at magaral. pero wala tayong magagawa. kailangan kasi. medyo patapon ang grado ko ng unang markahan. di kasi ako masyado nagaaral noon. pero ngayon sana ay makabawi na ako. sana. at sana makasali ako sa top10. simula kasi noong tumuntong na ako ng hayskul ay di ko na ulit iyon naranasan. tanda ko kasi noong elementarya palang ako ay lagi akong nasa top10 kung hindi man ay top15. at 36 ata kami sa klase noong mga panahong iyon. naaalala ko pa nga na noong grade2 ako ay naging top2 . di ho ako nagbibiro. siryoso ho.

pero naisipisip ko rin naman. hindi naman importante ang pagkasali sa top10. hindi naman patalinuhan iyon diba. isa lang itong basehan ng perpormans mo sa iskul. ito ang nagiging inspirasyon ko ngayon. ito ang nagbibigay sigla sa aking pagaaral. bakit? dahil ninanais ko nga rin, katulad ng iba, na makarating dito. at walang makakahadlang sa akin sa pagabot ng aking natatanging pangarap.

kung hindi man nga ako makatuntung sa ganoong estado ay gagawin ko naman ang lahat para lamang tumaas kahit papaano ang grado ko at makapasok sa isang primyadong unibersidad sa pilipinas. uste man o up. pero sana talaga sa up ako.

No comments: