nasisilaw sa liwanag. sakit ng ulo sa pagbangon. mahirap talagang gumising ng maaga para lang gumawa ng report at magaral. pero wala tayong magagawa. kailangan kasi. medyo patapon ang grado ko ng unang markahan. di kasi ako masyado nagaaral noon. pero ngayon sana ay makabawi na ako. sana. at sana makasali ako sa top10. simula kasi noong tumuntong na ako ng hayskul ay di ko na ulit iyon naranasan. tanda ko kasi noong elementarya palang ako ay lagi akong nasa top10 kung hindi man ay top15. at 36 ata kami sa klase noong mga panahong iyon. naaalala ko pa nga na noong grade2 ako ay naging top2 . di ho ako nagbibiro. siryoso ho.
pero naisipisip ko rin naman. hindi naman importante ang pagkasali sa top10. hindi naman patalinuhan iyon diba. isa lang itong basehan ng perpormans mo sa iskul. ito ang nagiging inspirasyon ko ngayon. ito ang nagbibigay sigla sa aking pagaaral. bakit? dahil ninanais ko nga rin, katulad ng iba, na makarating dito. at walang makakahadlang sa akin sa pagabot ng aking natatanging pangarap.
kung hindi man nga ako makatuntung sa ganoong estado ay gagawin ko naman ang lahat para lamang tumaas kahit papaano ang grado ko at makapasok sa isang primyadong unibersidad sa pilipinas. uste man o up. pero sana talaga sa up ako.
Tuesday, September 26, 2006
Monday, September 25, 2006
ayan na ayan na AYAN NA... WAAAAAAAAAH!!!
ayan na po. ayan na ang inyong pinakahihintay na lay-out. at oo, makikita niyo na ako. hindi man sa personal ay makikita niyo naman ako sa site ko. nyahaha.
huh? baylon e ano palang a, ahm? 6:33 AM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Sunday, September 24, 2006
ayan na
malapit na po! ilang minuto na lang ay matutunghayan na ninyo ang pagbabago. pagbabagong magpapabago ng inyong pananaw ukol kay boy bawang. isang blog na punung puno ng katotohanan at walang kathang isip. malapit na. abangan. 5...4...3...2...1!
huh? baylon e ano palang a, ahm? 5:50 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Saturday, September 23, 2006
nakakagimbal ng mundo
shiyet. nakakagulat ho ang mga kaganapan kahapon sa aming paaralan. tanghalian po kasi noon. ako ay komportableng bumili ng ulam na cordon blue sa kapeterya sa baba. para naman talagang ordinaryong tanghalian. at wala akong naiisip na mangyayaring masama. at tumaas na nga ako. pumasok sa aming silid aralan at umupo sa aking silya. at kumain. ayos naman. maingay katulad ng dati. nagkalat ang mga estudiyante sa may koridor. nagkukuwentuhan. pero isang pangyayari ang nagpatahimik sa iba sa amin. kahit ako rin ay nabilaukan sa mabilis na pangyayari. si popoy(TJ) po kasi at si janno(TJ) ay nagkahamunan. tinangka nila(ibang TJs) na awatin ang dalawa. pinapasok sa silid si popoy. pero patuloy parin ang sigawan at bangayan. lalong naginit si popoy at lumabas at doon nangyari ang mas malakas na sigawan. nagsigawan. nagtanungan kung ano ang problema ng isa'tisa. umawat si bechay(totot ni janno). hindi pinakinggan ng dalawa. napuno si bechay kasi walang pumapansin sa kanila. kaya ayun sumigaw. tinulak niya si janno na kanyang totot. at ayun nagsigawan na. lumaki ng lumaki ang away hanggang pati ang ibang tao ay nasama na.
ewan ko. pakiramdam ko ay napakababaw ng dahilan ni popoy sa nangyari. siya kasi ang naghamon ng away o kung anu man ang tawag doon. basta ayun. wala naman talagang ginagawang masama ang magsiyota sa kanya. dahil lang daw kay rossanna na kanyang sinisinta. ewan ko ba. basta di ko na ikukuwento ang history ng nangyari kay rossanna kasi sobrang mababaw. kahit kayo ay mapapatanga nalang.
mas may karapatan talagang magalit si bechay.
iyon lang. commento ko lang po ito.
*iniba ko po ang mga pangalan nila para hindi po halata masyado.
*naku po pala. sa journalism club kasi ako at baka ifeature ang mga bloggers sa skul. at ako daw ang ifefeature sa fourth year. paanu iyan pag nabasa ng mga kapwa ko kaiskwela. naku po. malaking problema.
*ako po ay isang lalaking walang isang salita. hanggang ngayon ay di ko parin nasisimulan ang aking layout. pasensya na kung may naghihintay man.
huh? baylon e ano palang a, ahm? 9:35 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Thursday, September 21, 2006
HAGGARD!
waw! haggard! kakapagod iyon. rami nangyari. pero kahit papaano ay masaya. unang una sa lahat ay naiwanan, i mean iniwanan kami ng shuttle service. napuno na siguro sa amin. lagi nalang kasi kaming nahuhuli. sori naman kasi mainit at maanghang iyong pansit kanton. pero masaya.
nagkita nga kami ng ex ko. wala. di masyadong nagpansinan. wala naman kaming paguusapan pati.
iyon lang.
lang kwenta no...
pasensiya na po. busy po sa pakikinig sa PUPIL at SPONGE COLA pati iyong ROCKOUSTIC SOUNDTRACK. shiyeeet! ganda!
ito ang pinaka walang kwenta kong post.
huh? baylon e ano palang a, ahm? 7:26 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Wednesday, September 20, 2006
HINDI KO KAYA!
hindi. hindi ko na talaga kaya. hindi ko na kayang tagalan ang pagiging lalakeng hindi man lang nakakalasap ng computer sa ilang araw. kailan ba talaga? kailan ko ba talagang tutuparin ang pangako kong tatapusin ang aking bagong layout. kailan? ilang araw na akong nakatulala sa hangin. wari'y nababaliw at pinapasukan na ng hangin sa ulo. hindi kumakain. na para bang may itlog ng ipis ang bawat subo ko sa aking bibig. pero. kailan ba talaga matatapos ang aking paghihirap?.. oo. nasagot ko na rin ang sagot sa tanong ko. NGAYON ko siya tatapusin. oo, ngayon nga. kanina ko pa nga sinisimulan.
_________________________________
mahirap nga talagang mapahiwalay sa tinitibok ng iyong pusong sawi. mahirap talaga lalo na kung wala ngang rumerenta sa iyong puso. mura naman ang renta. madali naman akong mahalin at bilogbilogin. ngunit bakit hanggang ngayon ay wala parin. wala parin.
may pagasa pa kaya akong magkaroon ng SISINTAHIN? oo. lahat gagawin ko magkaroon lang ako ng pangga. maasikaso naman ako. lolodan ko pa kayo kung kinakailangan. rumenta lang kayo kahit wala ng one month advance. basta tumira lang kayo dito.... DITO SA PUSO KO!
_________________________________
opo. ganyan nga ho ang tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito. bakit nga lagi nalang akong natuturn off sa babae. pag may nalaman akong di kanais nais sa babae ay agad ko siyang nilalayuan. ewan ko ba. kaya siguro di kami nagtagal ng isa kong gelpren. haaay.
_________________________________
pick-up lines na hindi dapat lumabas sa bibig niyo:
*hindi ka ba napapagod? (bakit naman?) kanina ka pa kasi tumatakbo sa aking isipan...
*maliit ka pala? (ha? sa tingin mo ba kailangan ko na magGROWEE? TATANGKAD DIN AKO WITH GROWEE?) e kasi nagkasya ka sa puso ko...
*hindi ka ba nahihilo? (bakit?) sa araw araw ba naman kitang bitbit sa palad ko...
iyan lang ho ang ilan sa mga pangungusap na magdudulot ng isang madugong hiwalayan sa inyong magsiyota... tried and tested!
huh? baylon e ano palang a, ahm? 7:40 PM 1 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Monday, September 18, 2006
...
i'm working on my new template.
right now, i must say. it's not progressing.
i can't seem to like the themes inside my head.
and ADOBE seems really hard to work with.
haaay! let's just hope for the best.
mawawala muna ako for ilang days. busy ako ngayon. pagtutuunan ko ng pansin ang paggawa ng bagong skin. sa weekend ko pa xa sisimulan. as of now, magbbrainstorming muna ako.
huh? baylon e ano palang a, ahm? 7:43 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Friday, September 15, 2006
phantom of the opera
waw. katatapos nga lang pala namin manood ng dalawang pelikula: final destination 3 at phantom of the opera. shit! ober sa ganda. iyong final destination 3 ay ilang beses ko na napanood, pero gulat na gulat pa rin ako sa mga scenes. astig talaga. mahusay ang pagkakagawa. pati rin sa phantom of the opera. astig iyong love story niya. pero sa huli ay iyong dalawa pa rin ang minahal ni christine, si phantom at si raoul.
bale tinatamad ako magtype ngayon gawa kagigising ko lang.
next tym na ako magkukuwento. di pa nga ata ako gising e.
pagkakaabalahan ko muna ngayon ang paghahanap ng kable ng printer na kokonekta sa cpu para makapag scan ako. hindi po ako tanga, may scanner po talaga ang printer namin. may xerox pa nga e. cge!
huh? baylon e ano palang a, ahm? 8:19 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Thursday, September 14, 2006
i am back
medyo matagal tagal na rin ng huli kong nahawakan at nahaplos ang aking pinakamamahal na computer. di ko pala talaga kayang mabuhay ng walang computer. kahit papiliin ako. libreng kain o libreng internet. e di sa internet na ako. libre pa. hehe.
buhay ko? eto bati na kami ng nakagalit kong kaklase dahil sa pansit kanton na punyetang iyan. medyo mahirap nga hong isipin na nagalit siya dahil lamang sa pansit kanton na kinakain niya. ang dahilan pala ng kanyang pagkagalit ay dahil sa pagkain niya pala inilalabas lahat ng galit nya noong buong araw tapos itinapon ko pa sa palda niya. tatanga tanga kasi ako e. pero ok nanaman.
medyo mahirap magkuwento ngayon dahil nga sa rami ng mga nangyari ay hindi ko na alam kung alin ang aking uunahin o kung ikukuwento ko pa ba ang mga nangyari.
o sige na nga. ikukuwento ko na ang nangyari kanina.
bale, music time namin iyon. nagpasa ako ng aking assignment. picture interpretation. tungkol sa masterpiece ni CHOPIN (cho-fan). ang ginawa ko ay isang demonyo at si san miguel (ang anghel). ang dinrowing ko ay parang abstract lang. hindi masyadong detalyado ang mga litrato. pero habang sa kalaunan ng iyong pagtitig ay malalaman mo rin kung anu ang ibig kong iparating sa aking guro. last minute ko na siya ginawa kaya ayun gusut-gusot ang ipinasa kong papel. at pagkatapos noon ay kumanta ang isa kong kaklase. kasama ho iyon sa S.O.P. every music time. at si bec ang kumanta. bale ako ay naka-assign kumanta ngayon. siyempre ho todo pakipot pa ako. pero sa kalaunan ay tumayo na rin ako at medyo nagpatawa muna sa harapan. dapat ay dalawa kaming kakanta. pero dahil sa may nagsigaw na, "May solo piece po iyang si Baylon!". ay nagsolo na nga ako. at iyon naman ang aking ibig. kaya ayun. nagpatawa. at nagdala ako ng props: ang aking mp3 player at ang lyrics ng aking kakantahin. umupo. nagsimula na ang kanta. kinakabahan. pinagpapawisan. nanginginig ang buong kalamnan. ayan. kumanta na nga ako. para ngang gumagawa ako ng MTV. kaya habang ako ay kumakanta ay hiyawan lahat sila. kilala po kasi ako sa room namin bilang tahimik na lalake na iimik lang pag kinausap. pero sa totoo lang, hindi ako ganoon. kailangan lang talagang tumahimik dahil wala pa naman akong ipagmamalaki na grade o kung anu pa man. kaya ayon. naglakad lakad sa unahan habang nakanta. palakas ng palakas ang hiyawan hanggang sa pumasok si sir gil, ang aming adviser. imbis na sitahin ay nakihiyaw at nakitawa sa akin si sir. tuwang-tuwa ako sa mga oras na iyon. ayan patapos na. gusto ko pa sanang sundan pa ng isa pang nakakasilakbong kanta pero patapos na rin ang oras. kaya ayon. panay puring sarkastiko ang aking natanggap. puro tawanan. masaya pala ang makapagpaligaya ng iba. ang tawag nga sa akin ni sir gil ngayon ay konsert king. ewan ko ba. e nagpapatawa lang naman talaga ako kanina. kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon ay todo pasikat na uli ako at pagpapatawa.
pasensya na po kung di ho masyadong maganda ang aking post (kailan ba naging maganda?) hehe. hayaan niyo po sa susunod ay pipili pa ako ng topic na mas kaiibigan ninyong mga mambabasa. salamat po!
huh? baylon e ano palang a, ahm? 6:23 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Tuesday, September 12, 2006
bye muna
pasensiya na po at di ako nakapagpaalam. baka po kasi mawala ako ng ilang araw. alam ko pong wala kayong pakialam. sinasabi ko lang po. para malaman niyo na hindi ko pa po inaabandona ang aking site. mahal na mahal ko po ito. kung pede nga lang itabi to sa kama ay nagawa ko na.
sana po sa mga tumatangkilik sa site ko ay huwag po sana mawala iyong pagtangkilik nyo sa aking site.
hayaan niyo babawi ako sa pamamagitan ng pagbabago ng aking lay na ako lang ang gumawa. hehehe. sana maganda ang magiging kakalabasan.
ang dahilan nga po pala ng aking paglayo muna ay dahil sa aking kaibigan na sumama ang loob sa akin. icoconcentrate ko muna ang atensiyon ko sa kanya. lintik na pansit kanton kasing iyan. nagalit tuloy.
salamat po.
huh? baylon e ano palang a, ahm? 6:44 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Sunday, September 10, 2006
aswang at multo
ang isang tanong na patuloy na tumatakbo sa ating mga utak. may multo o aswang nga ba o wala?
una nga pala sa lahat. ano ba ang pinagkaiba ng multo sa aswang? ayon sa aking pagkakaalam ang mga multo ay iyong mga kaluluwa ng mga namatay na gumagala dahil sa ilang rason: kailangan nila ng katarungan, nais nilang magpaalam ng maayos sa kanyang naulila o iyong mga hindi matanggap na namatay na sila.
ang mga aswang naman ay iyong mga lamang-lupa. iyong mga salot sa lipunan. katulad ng tikbalang, manananggal, at mga duwende.
siguro ho ay noong bata pa tayo ay takot na takot tayo dito. marahil pag nag-iisa tayo ay lagi tayong nagmamasid sa ating mga kapaligiran, para kasing laging may nakatingin sa atin. hindi ba?
ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa aswang.
ang mga buntis. kadalasan ho ay inaaswang nga ho ang mga buntis. ito po ang ideyang pumasok sa isip ko dahil na rin sa usapan dito sa aming kusina. nakikinig ho kasi ako sa kanilang usapan. e aun. nakakagimbal nga ho ang kuwento. kinilabutan nga rin po ako.
kaya eto na po. aking ikukuwento na po ang buong nangyari.
mga tauhan:
sheila rodriguez (ang buntis)
ming rodriguez (ang ina)
ting rodriguez (ang ama)
bing rodriguez (ang kapatid)
jc unknown (ang inaanak ni ming at ting)
setting:
sa may raymundo gate kung saan sila nakatira.
isang masasabi nating ordinaryong gabi sa pamilya rodriguez. dumating si bing na lasing. may mga takot at galit sa kaniyang mga mata. sumisigaw...
bing: lintik ka, subukan o lang lumapit. @$#$#^&*(^@!
ming: anak, anu ba iyon?
bing: may usok! may usok doon!
ming: walaun, may nagsisiga lang siguro
bing: hindi! iba ang pakiramdam ko
ming: pumasok ka na nga at pati ako ay kinakabahan sa iyon
pumasok na nga si bing. samantala, nagising naman ang buntis na si sheila dahil sa ingay ng biglang...
sheila: nay! nay! may nakasilip! may nakasilip!
biglang balikwas sa kinahihigaan si sheila na naturingang buntis. at tumakbo sa kaniyang ina.
sheila: nay! may sumisilip sa akin doon. parang anino. maliit lang
ming: ....
kinabukasan. maaliwalas na ang lahat. habang nagkukuwentuhan si jc at si ming...
jc: ninang. may naramdaman po ba kayong kakaiba kagabi?
ming: wala naman (pero sa totoo meron, hindi niya lang masabi)
jc: kasi po may naramdaman po ako kagabi. may isang entity nga pong bumangga sa akin at tuloy-tuloy sa paglalakd. tumaas po talaga ang balahibo ko.
ming: wag mo nga akong takutin jc
jc: siryoso po. tapos nga po sa may bakuran niyo po kung saan nandodoon ang bintana na malapit sa hinihigaan ni ate sheila, may narinig po kaming kaluskos na parang naglalakad.
ming: naku! sinasabi na nga ba. tama ang hinala ko.
diyan po nagtatapos ang kuwento nila.
medyo mahirap nga namang paniwalaan. mismong ako ay hindi pa nakaranas makakita ng isa. maliban nalang pala ng isang pagkakataon. nakaencounter ako ng doppelganger. pero huwag na nating ibaliksa aking pagiisip iyon.
hindi ko pa naman napapatunayan na totoo ang mga ito. pero lubos akong naniniwala sa mga uri ng mga nilalang na gumugulo sa ating mga buhay at isipan.
sana nga po ay mawala na ang mga ito at tuluyang lumaho sa ating mundo.
katulad na lang po ng pluto na hindi na po kabilang sa siyam na planeta. (may konek?)
huh? baylon e ano palang a, ahm? 11:28 AM 2 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Saturday, September 09, 2006
bunso
bunso. ang bunso ho ay ang pinakabata sa pamilya. sila iyong kalimitang pinipisil-pisil. hinahalik-halikan. at laging lamang sa lahat ng bagay - noong bata pa pa noon. pero ano nga ba ang magiging silbi ng mga bunso pagkalaki nila?
oo. ako nga ay bunso rin sa pamilya. marahil ang iba sa inyo ay ganoon din. pero minsan ba ay napaisip kayo kung ano lang ang nagiging silbi nating mga bunso sa pamilya? lalo na kung lalake ka? at hindi marunong tumanggi?
labing-anim na taon na akong naghihirap at nagdudusa sa pagiging bunso. hindi ko naman kasalanan iyon. bakit ba kasi hindi pa sila gumawa ng panibago (ang ibig ko hong sabihin ay kung bakit ba hindi pa sila nagtalik uli para may panibagong bunso). alam kong dapat ay panggitna ako sa aming magkakapatid. pero minsan masaklap talaga ang buhay. ang beybing dapat magiging bagong bunso ay nalaglag. talagang ganyan, sinabi ko na lang sa sarili ko. ganyan pala talaga ang buhay.
balik po tayo sa usapan natin. ang pagiging bunso. hindi ba't masarap na mahirap? nagpapasalamat na lamang ako at ako ay naging mabait at naging paborito ng aking ama. pero ang ugaling hindi-marunong-tumanggi ay masaklap. sa tuwing inuutusan ako hindi ako marunong tumanggi. sa tuwing pinapagawa ako ng project ng ate ko hindi ako makatanggi. sa tuwing pinapagdrawing ako ng ate ko hindi ako makatanggi. at sa tuwing makikigamit ng internet ang ate ko hindi ako makatanggi.
pinalaki kasi akong isang tao na sobrang bait. walang katarantaduhan sa katawan (noong bata pa pala iyon). tahimik. mahiyain. lahat na ng magandang asal. kaya siguro ako naging ganito. nasanay na sa ganoong ugali kaya pati sa eskuwelahan ay biktima rin ng mga babae.
napakahirap ho talagang maging bunso. ayon nga sa kuwento ni heneroso ay lagi nga siyang pinapabili ng napkin. ako rin ay ganoon. isang malaking kahihiyan po iyon sa aking pagkalalake. at ang masaklap pa nan ay sa isang malaking mall pa ako pinapabili. kaya mas maraming tao. malapit lang kasi samin ang robinson's. kaya iyon. hindi naman talaga siya nakakahiya the fact na bibili ka lang naman. pero iyong sabihing, siya? bumibili ng napkin? hindi ba't lalaki iyon? ay nakakahiya ho talaga.
maliban sa masaklap kong pagiging bunso ay lumaki pa ako sa mga larong hindi ko talaga gusto. at tinitiis nalang para lang masabi ko na naglalaro ako. ang mga pinsan ko kasi ay halos babae lahat. kung may lalake man ay napakalayo ng agwat. lumaki ako na bahay-bahayan ang laro. ako ang tatay at si zara (pinsan ko) ang nanay. medyo napapaiyak ko siya kung minsan. hindi ko na alam ang mga dahilan noong mga panahong iyon. pero madalas ko siyang mapaiyak. kasing edad ko nga rin pala siya. at siya lang ang kasing edad ko sa buong angkan namin.
marahil ganito na talaga ako. at nagpapasalamat at naimbento ang mga kaklase at ang barkada. sa ganoong paraan nagkaroon ako ng mga taong makakausap at makakagala.
kaya sa mga kabarkada ko at mga kaibigan na nagsilbing kaagapay ko sa mga kalokohan, tawanan, kwentuhan at sa lab life. KUDOS! mabuhay ang mga tjs!
para kay jonell. ayan inadbertise ko na ang iyong site sa aking site. paxenxa na kung di ko madalaw ang site mo. expired na kasi ang aking BLIS card e kaya mabagal na uli ang internet namin.
at para kay heneroso. salamat sa ideya!
huh? baylon e ano palang a, ahm? 4:34 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Friday, September 08, 2006
sayang na oras
cat nanaman ho namin mamaya. hindi ba't parang tuwing cat ay parang may kakaiba tayong nararamdaman. para bang kinakabahan ka na nasisiyahan. sa kaso ko kasi, ganoon nga. ewan ko lang sa inyo. pero sa totoo lang dagdag hirap lang iyang cat na yan e. hindi rin naman natin iyon maaapply sa ating mga buhay. hindi naman ako hahawak ng rifle gun para magtrabaho. hindi naman necessary sa akin na laging puti ang panyo. hindi naman belt and buckle ang ginagamit ko pag naggagala ako. at mas lalo ng hindi ako nagtatack-in.
kung tutuusin. nasasayang lang ang ating panahon dahil sa pagattend-attend sa cat na iyan. dagdag bayarin. sana dinagdagan nalang nila ang oras sa pe. hindi, biro lang. pero sana nga inilaan nalang nila sa ibang subject teachers ang oras na iyon para sa kanilang mga subject.
isa pa nga pala sa mga walang kwentang subject ay ang the na iyan. ewan ko ba. nararamdaman ko na hindi ko siya kailangan. madali namang matutunan iyong mga gawaing bahay at pati ang pagtatanim. pero iyong tuturuan nila tayo magcrosstitch, magburda, at mangganchilyo. e hindi ko naman iyon magagamit sa aking pagtanda. hindi naman ako aabot sa point na. sa sobrang tanda ko e nasa rocking chair ako at gumagawa ng kung anu-ano about arts&crafts na mga iyan. mga cat ladies lang gumagawa nun.
ang mga cat ladies nga po pala e iyong mga matatandang dalaga, iyong mga biyuda na at hindi na napagasawa, o iyong mga sinawing mga transexual na tumanda na at nabulok na ang mga silikon sa kanilang mga dibdib at naagnas na ang collagen sa kanilang mga labi. sila iyong may mga pusa sa buo nilang bahay. may mga bola pa nga ng mga yarn na pinaglalaruan ng mga pusa.
..
ang rami talagang panahon na ating nasasayang. alam ko, hindi lang naman sila ang may pananagutan dito. tayo rin ay may pagkukulang. sana ay pagyamanin natin ang ating oras sa pamamagitan ng paggamit dito ng maayos at wisely. tayo rin naman kasi ang magsisisi sa huli pag hindi natin naisagawa ang lahat ng gusto nating mga bagay dahil nga sa pagsayang sa ating oras para lang sa mga dota(naku-guilty), o2jam(naku eto rin)...etc. basta. huwag niyo nalang sayangin ang oras ninyo. gamitin ito ng tama.
huh? baylon e ano palang a, ahm? 5:30 AM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Thursday, September 07, 2006
kami nAPO muna
heto na! heto na! heto na! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
iyan po ay parte lang po ng kantang doo bidoo. sa kinahaba-haba ng panahong sila ay nabuhay ay ngayon ko lang nagustuhan ang kanilang mga kanta. at ang iba pa nga ay dati ko pang alam ang kanta pero ang hindi ko alam ay ang APO pala ang kumanta nito. katulad ng "panalangin" na ni revive ng moonstar88. talaga namang mas gumanda pa ang tunog at tiyempo ng kanta.
ang hindi ko lang ho nagustuhan ay iyong ni revive ni top suzara (na dating co-vocalist ni jinky vidal sa freestyle) na "anna". parang yung buong himig ng kanta ang kanyang binago. hindi ko tuloy ito masabayan. nagkakamali tuloy ang aking pagkanta.
at ang pinakagusto ko ay ang "nakapagtataka" ng spongecola. kung hindi niyo pa po alam, ang spongecola po ay ang fastest-rising-rock-band sa ating henerasyon. inaamin ko ng una, bwiset na bwiset ho ako sa mga opm bands dahil akala ko ay panget pa rin ang mga kanta nila katulad ng mga kanta ng slapshock. asar talaga ako sa bandang iyon. matagal na nga sila, actually. ngayon lang sila MEDYO sumikat. pero eto ngang spongecola na ito ang nagbigay ng hudyat sa akin para tangkilikin ang musikang pilipino.
ang iba pa sa mga naiibigan kong banda sa mga panahong ito ay ang mga sumusunod: pupil, rivermaya(tagal na nila), bamboo(vocalist dati si bamboo ng rivermaya, right?), stonefree, sugarfree(tiga los baƱos po sila), dicta license, imago, kamikazee at ang dati ko na palang paborito ang parokya ni edgar.
alam niyo ba kung bakit parokya ni edgar ang pangalan ng banda ng parokya ni edgar? eto po ang dahilan. kung aakalain ninyo, edgar ang pangalan ng bokalista ng parokya ni edgar. nagkakamali po kayo. kahit ako ay iyon ang akala ko noong una. pero si edgar pala ay ang kanilang propesor ng sila pa ay nag-aaral pa lamang. si sir edgar ang naghimok na tumuloy sila sa pagbabanda.
maaaring ang ibang parte ng aking kuwento ay may mali. iyon lang naman ang aking nalalaman kaya't pagpasensiyahan na kung mali ang impormasyon kong nakuha mula sa aking mga sorses.
salamat.
forever boy bawang!
huh? baylon e ano palang a, ahm? 9:00 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Wednesday, September 06, 2006
POKEMON MANIA
eto ako ngaun. palaro laro at pauboubo at huwag nating kalimutan ang aking pasinghot singhot. mjo matagal na nga akong nawala sa lugar na ito. at marahil alam niyo na ang dahilan kung binasa niyo ang aking previous entry. marahil nga e namiss ko talaga eto ng lubusan. hindi ko nga ito matanggal sa aking isipan. at pati na rin ang aking naipangako sa inyo: ung mga pic. huwag po kayo magalala. malapit niyo na po iyong makita.
tungkol naman sa renovation ng aking site. wala pa akong maisip na konsepto kaya hindi ako makapagsimula.
sa katunayan. naggagawa na ako ng mga script at format para sa aking nalalapit na pagbabago. isang pagbabago na kayong lahat ay mamangha. anu un? hintayin niyo na lang.
sa mga oras na ito ay marahil ay nagaadik ako sa pokemon. nais ko kasi itong tapusin ng walang mga cheats. gusto ko ay sarili kong sikap etong matatapos. at habang naglalaro ako e nakikinig naman ako sa aking mp3 player.
haaay. buhay nga naman. o sige mga tagapagbasa ko. salamat sa inyong pagtangkilik sa aking meriendang cornik. hanggang sa muli. magtoothbrush para huwag magamoy bawang. salamat!
huh? baylon e ano palang a, ahm? 10:11 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio
Tuesday, September 05, 2006
marami e
waaah! ang rami ko ikukuwento ngaun.
tagal ko kasi nawala.
unahin na natin ung pagkapanalo namin sa chamber theatre.
ang chamber theater po ay isang kontest. dun po malalaman kung anung klassroom ang magaling umarte. apat kaming naglaban laban. ang nakaasyn sa amin ay el filibusterismo. at sa third year naman ay noli. bale kalaban nga namin ang third year. ilang linggo din namin iyong pinagtiisan. ami ngang ngyari sa aming mga praktises. pero sa likod ng mga iyon ay nakakagalak naman ang kinalabasan. kami nga ang nanalo.
bale tatlong karakter ang ginanapan ko. guardia sibil, juanito pelaez, at tandang selo. at isali nyo na din diyan ang pagiging propsman ko. ako kasi ang nagtutok ng electric fan kay simoun para magmukhang nasa barko.
hindi ko naman talaga sineryoso ung mga praktises dahil alam ko naman na mas kaya ko na sa mismong play galingan. hindi ko nga magawa ung boses ng matanda sa mga praktises. aba'y akalain mo sa mismong play e nagawa ko. mjo masaya naman ng nagawa ko iyong parte ko sa play. nakasigaw naman ako ng ayos ng naging guardia sibil ako. at ano pa ba. nagawa ko naman ang role ko sa pagigigng juanito pelaez.
haaay. buti nga at nanalo kami. kami ang panalo sa musical scoring, sa props, sa best actor at best actress. sabi nga ng aking mga kaklase. mas magaling talaga ang nagpupursige kay sa sa may angking talento na.
hehehe.
at yung isa ko pang kuwento.
bale ng friday lang ako sinabihan na may swimming party. overnyt daw. kaya aun. agad agad na nagpaalam ako para makasama ako sa sabado. tapos tuwang tuwa ako. tapos last minute ng aking pagalis ay hindi ako pinayagan. kaya aun. nagdabog ako. at pinayagan naman ako. mga 830 na ako pinaalis sa bahay ng aking kaklase gawa nagsasaing palang daw. ata ayan sabi e pumunta na daw ako sa chowking sa may crossing. at aun. nagjip ako. e un pala e walking distance lang. ang tanga ko e. sayang ang pitom piso. tapos nagta=ext ulit sa akin. sabi e sa robinson's nalang daw. pota. ang init. angtaas taas ng araw tapos maglalakad uli ako. shit. kaya aun. punta lang ako. nasa UP pa pala sila para sunduin ung italiano kong kaklase pati na rin ung kano kong kaklase. naghintay ako ng mga ilang minuto. at hayan nagtext na uli. sabi e punta ka na sa simbahan. kaya aun punta ako. at doon ako sinundo. niloko nga nila ako. pik-up girl daw. kaya aun napatawa ako at nawala ang init ng aking ulo. habang nasa van ay nananahimik ako sa likod. hindi ko nararamdaman ang saya. para bang wala silang kasamang KIM. hoy mga tol! nandito ako. di niyo ba ako isasama sa pagsasaya niyo? napatahimik nalang ako at may nakapansin. sabi e. ay andito pala si kim. aun tawanan sila. pero di naman nakakatawa iyon e. ayan na sa may pansol na kami at papasok na sa may subdivision. at last na sa private resort na kami. tumulong ako sa pagbubuhat ng mga gamit. ok lang naman ang lugar. ok din ung pool. may bilyaran. may karaoke. air-conditioned ang mga kwarto. anim nga pala palang kami. si rey, ian, brent, carlos, elmer at ako palang ang nandoon. tinuturuan nila ako magbilyar. pero ayoko. ewan ko ba. sa loobloob ko e. cge, turuan niyo ako. pero di ko masabi. ewan ko ba. ayan mjo maramirami na. grupo grupo silang nagdatingan. at ako ay may nahanap na kausap. si alec. tahimik lang kasi ako pag ganoon. buti nalang ay dumating si alec. sinamahan ko siya sa mga kwarto para ilagay ang mga gamit. yes! andun pala ang iba at nanonood ng HOUSE OF WAX sa portable DVD player ni ian. nakinood nalang ako kesa naman manahimik sa isang sulok sa labas. kahit na sawang sawa na ako sa palikulang eto ay hala parin ako. iritan sila. samantalang kami ni alec ay nagpasya na bumili ng mga chips at maiinom. mahal pala dito. pero wala akong magagawa. bumili ako ng nova na nagkakahalaga ng 28 pesos at pepsi na 15 pesos. ang mahal naman talaga. aun bumalik na kami at binigyan pa ang iba. wala parin sila elmer dahil kumuha pala sila ng drumset at mg electric guitars para magtugtugan mamaya. saka kukuhanin na pala nila ang mga pagkain ata. ilang minuto rin kaming naghintay. at bumuhos ang malakas na ulan. gusto ko sanang magpaulan kaso ay nakalimutan ko pala ang aking shorts. kaya napilitan akong putulin ang aking isang maong para gawing shorts. ayan. pero hala. tumila na. baha nga sa may kalsada e. umuwi na ang iba. at ayan dumating na ang pagkain. chibugan na kami. rami pagkain. may anim na buong roasted chicken. ilang dosenang balot at penoy. burger steak. chicken adobo at ispagetti. rami din softdrinks at maari bang mawala ang mga bawal. ang mga beer, brandy, gin at whiskey. sarap. after nun. naligo na sila sa pool. at ako naman naghihintay na may makasabay maligo sa may kiddie pool. ayun si alec ang nakita ko. sabay kami nagpunta sa may kiddie pool dahil nga hindi ako marunong lumangoy. masaya naman. nagpaturo akong lumangoy kay alec. mahirap pala talaga. kaya nagpatagalan nalang kami sa tubig. nyahaha. pero naglakas ako ng loob na lumipat sa kabilang pool. at nagpaturo lumangoy... ulit. nagboluntir ang aking dalawang kabarkada. sina rober at karlo. life support system ika nga. pinasakay nila ako sa likod nila at dinala sa gitna. bigla nalang ibabagsak sa tubig at ayun. basta rami nangyari. sumakay pa nga ako sa likod ni rey at naglibot sa pool. masaya. masaya talaga. maggagabi na. nagalisan na ang iba hanggang sa apat na babae nalang ang natira. ayun. di parin ako umaahon. masaya kasi. para ngang nagbinyagan kami sa tubig. para bang binyag na part ka talaga ng barkada. ayun binuhat nila ako lahat. ako nga ay sigaw ng sigaw. hampas nga hampas sa mga ulo nila. at sipa ng sipa. hindi nga kasi ako marunong lumangoy. tatlong beses nga nila akong binuhat e. pero masaya. ayan naligo na ako ng mga 830pm. naguwian na ang mga babae at si mei nalang ang natira. at nagswimming na rin siya. nakakaakit si mei ng mga oras na iyon. ganda ng katawan niya. pero. anu ba ang nasa isip ko. kabarkada ko siya. (kung naguguluhan po kayo ay eto po: marami po akong kabarkada. hindi po kasama si mei sa barkada na puro lalake). sa akin niya pinapatingin kung tumaba na ba siya. kaya ako sabi ko. ok lang naman. aun. naligo na nga ako. nagpalit na. pumasok sa kwarto at nakipagtext kung kanikanino. nakipagaaway pa nga ako sa isang first yr e. pumasok ang iba kong kabarkada. bakit daw ayoko kong makisaya. tapos sabi sa akin ni pael. kim, tabi tayo pag masikip na. kaya sabi ko ok. tapos narealise ko na. aun. may paki pala sila sa akin. kasi kung nabasa niyo ang mga nakaraan kong mga entries ay alam niyo naman ang posisyon sa barkada yung hindi pinapansin. kaya aun. nagpasya ako na lumabas na. nagsimula na pala ang inuman. at paalis na rin si mei. kaya aun. uminom ako ng konting red horse. tapo nun. wala palang san mig light kaya nagpasama ako kay duds para bumili sa labas. bumili kami ng dalwang san mig lyt at isang kaha ng sigarilyo. nagbalik kami. nakalock na. sigaw kami ng sigaw. at last nakapasok na kami. naginuman. tinuruan ako ni vin maglagay sa baso ng beer para di bumula. sarap. ang pulutan ko ay burger steak. sarap kahit na bawal. e wala namang nanonood na magulang e. at dumating ang mom ni elmer. chineck lang kung ok ba kami. pero umalis din. nagpaiwan si kuya emerson na kapatid ni elmer. gumawa siya isang drink na napaksarap. juice un namay alkohol pati kape na may alkohol. sarap talaga. nakatatlong baso ako sa juice at dalawat kalahati naman dun sa may kape. ang iba ay lasing na. lalo na si carlos. si floyd naman ay namumula. nagpaturo ako manigarilyo. sarap pala. nakawalo o siyam sa istik ako. sarap. kaya ngaun ADIK ang tawag sa akin gaw ambilis ko daw makaubos ng isang istik. panu daw kasi hithit ako ng hithit. tapos habang naninigarilyo ako ay nagpasya sila na magopen forum. di ko nasabi ang aking hinanakit sa kanila. hinayaan ko nalang lumipas iyon. nagkuwentuhan ang lahat. tawanan. saya. sana ay di matapos ang gabing ito. ang iba ay nagswimming pa. dahil nga nakaligo na ako. hindi ako makapagswimming. kaya sabi ni vin. magbihis daw uli ako at pumunta ulit sa pool. may open forum daw uli. tinuloy nga namin. di ko parin masabi. ang raming sikreto na nalamn ko. at talagang itatago ko to. mahirap na. baka mangyari uli ung nangyari dati. kaya aun. ang iba ay nagsusuka na sa may banyao. naligo na sila ng diretso. tapos ay konti nalang kaming natira. nagpasya kami kasi na huwag ng matulog at sa bahay nalang. nasa pool parin kami. buong st. felicity lang ang nandoon. exep kay pael dahil natulog na. labasan ng sikreto. kwentuhan. basta aun. dinamayan namin si rober dahil nga namatay ang kanyang ama. last last last week. kung anu anu ang pinagkwentuhan namin. hanggang sa tatlo na lang kami. at nagpasya na maligo na. sarap ng tubig sa banyo. mainit init. para ngang nilalapnos ang aking balat. nagbihis na ako. at diretso sa may bilyaran. nagbibilyar ang dalawa. ako naman ay napaidlip. madaling araw na kasi noon. nagising ako sa kwentuhan ng dalawa. kala ko nga ay nananaginip ako. mjo tahimik na kami noon. pero nagpasya sila na matulog na lang. at ako naman sabi ko. maglilinis na lang ako sa labas. wala kasi akong magawa e. kaya aun. linis lahat. simot lahat ng nagkalat na mga sigarilyo at beer. malinis na. mjo umaga na. naghahanap ako ng toothpaste. wala akong mahanap. nagimis na ako ng gamit. at inilabas ko na. dumating ang mom ni elmer. pinagbayad kami ng tatlong upuan na nasira at pati ung nasira ni brent. ginawa ba namang monkey bar ung parang bubuong ng pool kaya aun sira ang welding. uwian na. sabi ni migel sabay na ako sa kanila sa pagcommute. ililibre daw niya ako. kaya aun. di parin kami alis. at last may toothpaste na. nagtoothbrush na ako. at naghintay ng ilang oras. at umalis na. papasuka pa nga si vin. ang iba ay sumabay sa van. ung mga nalasing lang kagabi. kami naman nina migel, pael, karlo, rober. at kung sinusino pa ay nagcommute. bumaba kami sa may jollibee. bumili sila rober at karlo para mabarya daw ang pera. umuna na ako. malapit lang naman bahay namin dun. at pagkauwi ko ay binuksan ko na ang tindahan. nagbantay ng sandali at nakatulog. 830 na ako ng umaga nakatulog nun. at nagising ako ng 600 ng hapon.
masaya talaga ang nangyari ng araw na iyon. sana ay maulit.
at masasabi ko na TJ na talaga ako.
huh? baylon e ano palang a, ahm? 6:50 PM 0 ang nagpakilala at nagpataas ng kompidens ni pio