kami nAPO muna
heto na! heto na! heto na! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
iyan po ay parte lang po ng kantang doo bidoo. sa kinahaba-haba ng panahong sila ay nabuhay ay ngayon ko lang nagustuhan ang kanilang mga kanta. at ang iba pa nga ay dati ko pang alam ang kanta pero ang hindi ko alam ay ang APO pala ang kumanta nito. katulad ng "panalangin" na ni revive ng moonstar88. talaga namang mas gumanda pa ang tunog at tiyempo ng kanta.
ang hindi ko lang ho nagustuhan ay iyong ni revive ni top suzara (na dating co-vocalist ni jinky vidal sa freestyle) na "anna". parang yung buong himig ng kanta ang kanyang binago. hindi ko tuloy ito masabayan. nagkakamali tuloy ang aking pagkanta.
at ang pinakagusto ko ay ang "nakapagtataka" ng spongecola. kung hindi niyo pa po alam, ang spongecola po ay ang fastest-rising-rock-band sa ating henerasyon. inaamin ko ng una, bwiset na bwiset ho ako sa mga opm bands dahil akala ko ay panget pa rin ang mga kanta nila katulad ng mga kanta ng slapshock. asar talaga ako sa bandang iyon. matagal na nga sila, actually. ngayon lang sila MEDYO sumikat. pero eto ngang spongecola na ito ang nagbigay ng hudyat sa akin para tangkilikin ang musikang pilipino.
ang iba pa sa mga naiibigan kong banda sa mga panahong ito ay ang mga sumusunod: pupil, rivermaya(tagal na nila), bamboo(vocalist dati si bamboo ng rivermaya, right?), stonefree, sugarfree(tiga los baƱos po sila), dicta license, imago, kamikazee at ang dati ko na palang paborito ang parokya ni edgar.
alam niyo ba kung bakit parokya ni edgar ang pangalan ng banda ng parokya ni edgar? eto po ang dahilan. kung aakalain ninyo, edgar ang pangalan ng bokalista ng parokya ni edgar. nagkakamali po kayo. kahit ako ay iyon ang akala ko noong una. pero si edgar pala ay ang kanilang propesor ng sila pa ay nag-aaral pa lamang. si sir edgar ang naghimok na tumuloy sila sa pagbabanda.
maaaring ang ibang parte ng aking kuwento ay may mali. iyon lang naman ang aking nalalaman kaya't pagpasensiyahan na kung mali ang impormasyon kong nakuha mula sa aking mga sorses.
salamat.
forever boy bawang!
No comments:
Post a Comment