i am back
medyo matagal tagal na rin ng huli kong nahawakan at nahaplos ang aking pinakamamahal na computer. di ko pala talaga kayang mabuhay ng walang computer. kahit papiliin ako. libreng kain o libreng internet. e di sa internet na ako. libre pa. hehe.
buhay ko? eto bati na kami ng nakagalit kong kaklase dahil sa pansit kanton na punyetang iyan. medyo mahirap nga hong isipin na nagalit siya dahil lamang sa pansit kanton na kinakain niya. ang dahilan pala ng kanyang pagkagalit ay dahil sa pagkain niya pala inilalabas lahat ng galit nya noong buong araw tapos itinapon ko pa sa palda niya. tatanga tanga kasi ako e. pero ok nanaman.
medyo mahirap magkuwento ngayon dahil nga sa rami ng mga nangyari ay hindi ko na alam kung alin ang aking uunahin o kung ikukuwento ko pa ba ang mga nangyari.
o sige na nga. ikukuwento ko na ang nangyari kanina.
bale, music time namin iyon. nagpasa ako ng aking assignment. picture interpretation. tungkol sa masterpiece ni CHOPIN (cho-fan). ang ginawa ko ay isang demonyo at si san miguel (ang anghel). ang dinrowing ko ay parang abstract lang. hindi masyadong detalyado ang mga litrato. pero habang sa kalaunan ng iyong pagtitig ay malalaman mo rin kung anu ang ibig kong iparating sa aking guro. last minute ko na siya ginawa kaya ayun gusut-gusot ang ipinasa kong papel. at pagkatapos noon ay kumanta ang isa kong kaklase. kasama ho iyon sa S.O.P. every music time. at si bec ang kumanta. bale ako ay naka-assign kumanta ngayon. siyempre ho todo pakipot pa ako. pero sa kalaunan ay tumayo na rin ako at medyo nagpatawa muna sa harapan. dapat ay dalawa kaming kakanta. pero dahil sa may nagsigaw na, "May solo piece po iyang si Baylon!". ay nagsolo na nga ako. at iyon naman ang aking ibig. kaya ayun. nagpatawa. at nagdala ako ng props: ang aking mp3 player at ang lyrics ng aking kakantahin. umupo. nagsimula na ang kanta. kinakabahan. pinagpapawisan. nanginginig ang buong kalamnan. ayan. kumanta na nga ako. para ngang gumagawa ako ng MTV. kaya habang ako ay kumakanta ay hiyawan lahat sila. kilala po kasi ako sa room namin bilang tahimik na lalake na iimik lang pag kinausap. pero sa totoo lang, hindi ako ganoon. kailangan lang talagang tumahimik dahil wala pa naman akong ipagmamalaki na grade o kung anu pa man. kaya ayon. naglakad lakad sa unahan habang nakanta. palakas ng palakas ang hiyawan hanggang sa pumasok si sir gil, ang aming adviser. imbis na sitahin ay nakihiyaw at nakitawa sa akin si sir. tuwang-tuwa ako sa mga oras na iyon. ayan patapos na. gusto ko pa sanang sundan pa ng isa pang nakakasilakbong kanta pero patapos na rin ang oras. kaya ayon. panay puring sarkastiko ang aking natanggap. puro tawanan. masaya pala ang makapagpaligaya ng iba. ang tawag nga sa akin ni sir gil ngayon ay konsert king. ewan ko ba. e nagpapatawa lang naman talaga ako kanina. kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon ay todo pasikat na uli ako at pagpapatawa.
pasensya na po kung di ho masyadong maganda ang aking post (kailan ba naging maganda?) hehe. hayaan niyo po sa susunod ay pipili pa ako ng topic na mas kaiibigan ninyong mga mambabasa. salamat po!
No comments:
Post a Comment