sayang na oras
cat nanaman ho namin mamaya. hindi ba't parang tuwing cat ay parang may kakaiba tayong nararamdaman. para bang kinakabahan ka na nasisiyahan. sa kaso ko kasi, ganoon nga. ewan ko lang sa inyo. pero sa totoo lang dagdag hirap lang iyang cat na yan e. hindi rin naman natin iyon maaapply sa ating mga buhay. hindi naman ako hahawak ng rifle gun para magtrabaho. hindi naman necessary sa akin na laging puti ang panyo. hindi naman belt and buckle ang ginagamit ko pag naggagala ako. at mas lalo ng hindi ako nagtatack-in.
kung tutuusin. nasasayang lang ang ating panahon dahil sa pagattend-attend sa cat na iyan. dagdag bayarin. sana dinagdagan nalang nila ang oras sa pe. hindi, biro lang. pero sana nga inilaan nalang nila sa ibang subject teachers ang oras na iyon para sa kanilang mga subject.
isa pa nga pala sa mga walang kwentang subject ay ang the na iyan. ewan ko ba. nararamdaman ko na hindi ko siya kailangan. madali namang matutunan iyong mga gawaing bahay at pati ang pagtatanim. pero iyong tuturuan nila tayo magcrosstitch, magburda, at mangganchilyo. e hindi ko naman iyon magagamit sa aking pagtanda. hindi naman ako aabot sa point na. sa sobrang tanda ko e nasa rocking chair ako at gumagawa ng kung anu-ano about arts&crafts na mga iyan. mga cat ladies lang gumagawa nun.
ang mga cat ladies nga po pala e iyong mga matatandang dalaga, iyong mga biyuda na at hindi na napagasawa, o iyong mga sinawing mga transexual na tumanda na at nabulok na ang mga silikon sa kanilang mga dibdib at naagnas na ang collagen sa kanilang mga labi. sila iyong may mga pusa sa buo nilang bahay. may mga bola pa nga ng mga yarn na pinaglalaruan ng mga pusa.
..
ang rami talagang panahon na ating nasasayang. alam ko, hindi lang naman sila ang may pananagutan dito. tayo rin ay may pagkukulang. sana ay pagyamanin natin ang ating oras sa pamamagitan ng paggamit dito ng maayos at wisely. tayo rin naman kasi ang magsisisi sa huli pag hindi natin naisagawa ang lahat ng gusto nating mga bagay dahil nga sa pagsayang sa ating oras para lang sa mga dota(naku-guilty), o2jam(naku eto rin)...etc. basta. huwag niyo nalang sayangin ang oras ninyo. gamitin ito ng tama.
No comments:
Post a Comment