Saturday, September 23, 2006

nakakagimbal ng mundo

shiyet. nakakagulat ho ang mga kaganapan kahapon sa aming paaralan. tanghalian po kasi noon. ako ay komportableng bumili ng ulam na cordon blue sa kapeterya sa baba. para naman talagang ordinaryong tanghalian. at wala akong naiisip na mangyayaring masama. at tumaas na nga ako. pumasok sa aming silid aralan at umupo sa aking silya. at kumain. ayos naman. maingay katulad ng dati. nagkalat ang mga estudiyante sa may koridor. nagkukuwentuhan. pero isang pangyayari ang nagpatahimik sa iba sa amin. kahit ako rin ay nabilaukan sa mabilis na pangyayari. si popoy(TJ) po kasi at si janno(TJ) ay nagkahamunan. tinangka nila(ibang TJs) na awatin ang dalawa. pinapasok sa silid si popoy. pero patuloy parin ang sigawan at bangayan. lalong naginit si popoy at lumabas at doon nangyari ang mas malakas na sigawan. nagsigawan. nagtanungan kung ano ang problema ng isa'tisa. umawat si bechay(totot ni janno). hindi pinakinggan ng dalawa. napuno si bechay kasi walang pumapansin sa kanila. kaya ayun sumigaw. tinulak niya si janno na kanyang totot. at ayun nagsigawan na. lumaki ng lumaki ang away hanggang pati ang ibang tao ay nasama na.

ewan ko. pakiramdam ko ay napakababaw ng dahilan ni popoy sa nangyari. siya kasi ang naghamon ng away o kung anu man ang tawag doon. basta ayun. wala naman talagang ginagawang masama ang magsiyota sa kanya. dahil lang daw kay rossanna na kanyang sinisinta. ewan ko ba. basta di ko na ikukuwento ang history ng nangyari kay rossanna kasi sobrang mababaw. kahit kayo ay mapapatanga nalang.

mas may karapatan talagang magalit si bechay.
iyon lang. commento ko lang po ito.

*iniba ko po ang mga pangalan nila para hindi po halata masyado.

*naku po pala. sa journalism club kasi ako at baka ifeature ang mga bloggers sa skul. at ako daw ang ifefeature sa fourth year. paanu iyan pag nabasa ng mga kapwa ko kaiskwela. naku po. malaking problema.

*ako po ay isang lalaking walang isang salita. hanggang ngayon ay di ko parin nasisimulan ang aking layout. pasensya na kung may naghihintay man.

No comments: