bunso
bunso. ang bunso ho ay ang pinakabata sa pamilya. sila iyong kalimitang pinipisil-pisil. hinahalik-halikan. at laging lamang sa lahat ng bagay - noong bata pa pa noon. pero ano nga ba ang magiging silbi ng mga bunso pagkalaki nila?
oo. ako nga ay bunso rin sa pamilya. marahil ang iba sa inyo ay ganoon din. pero minsan ba ay napaisip kayo kung ano lang ang nagiging silbi nating mga bunso sa pamilya? lalo na kung lalake ka? at hindi marunong tumanggi?
labing-anim na taon na akong naghihirap at nagdudusa sa pagiging bunso. hindi ko naman kasalanan iyon. bakit ba kasi hindi pa sila gumawa ng panibago (ang ibig ko hong sabihin ay kung bakit ba hindi pa sila nagtalik uli para may panibagong bunso). alam kong dapat ay panggitna ako sa aming magkakapatid. pero minsan masaklap talaga ang buhay. ang beybing dapat magiging bagong bunso ay nalaglag. talagang ganyan, sinabi ko na lang sa sarili ko. ganyan pala talaga ang buhay.
balik po tayo sa usapan natin. ang pagiging bunso. hindi ba't masarap na mahirap? nagpapasalamat na lamang ako at ako ay naging mabait at naging paborito ng aking ama. pero ang ugaling hindi-marunong-tumanggi ay masaklap. sa tuwing inuutusan ako hindi ako marunong tumanggi. sa tuwing pinapagawa ako ng project ng ate ko hindi ako makatanggi. sa tuwing pinapagdrawing ako ng ate ko hindi ako makatanggi. at sa tuwing makikigamit ng internet ang ate ko hindi ako makatanggi.
pinalaki kasi akong isang tao na sobrang bait. walang katarantaduhan sa katawan (noong bata pa pala iyon). tahimik. mahiyain. lahat na ng magandang asal. kaya siguro ako naging ganito. nasanay na sa ganoong ugali kaya pati sa eskuwelahan ay biktima rin ng mga babae.
napakahirap ho talagang maging bunso. ayon nga sa kuwento ni heneroso ay lagi nga siyang pinapabili ng napkin. ako rin ay ganoon. isang malaking kahihiyan po iyon sa aking pagkalalake. at ang masaklap pa nan ay sa isang malaking mall pa ako pinapabili. kaya mas maraming tao. malapit lang kasi samin ang robinson's. kaya iyon. hindi naman talaga siya nakakahiya the fact na bibili ka lang naman. pero iyong sabihing, siya? bumibili ng napkin? hindi ba't lalaki iyon? ay nakakahiya ho talaga.
maliban sa masaklap kong pagiging bunso ay lumaki pa ako sa mga larong hindi ko talaga gusto. at tinitiis nalang para lang masabi ko na naglalaro ako. ang mga pinsan ko kasi ay halos babae lahat. kung may lalake man ay napakalayo ng agwat. lumaki ako na bahay-bahayan ang laro. ako ang tatay at si zara (pinsan ko) ang nanay. medyo napapaiyak ko siya kung minsan. hindi ko na alam ang mga dahilan noong mga panahong iyon. pero madalas ko siyang mapaiyak. kasing edad ko nga rin pala siya. at siya lang ang kasing edad ko sa buong angkan namin.
marahil ganito na talaga ako. at nagpapasalamat at naimbento ang mga kaklase at ang barkada. sa ganoong paraan nagkaroon ako ng mga taong makakausap at makakagala.
kaya sa mga kabarkada ko at mga kaibigan na nagsilbing kaagapay ko sa mga kalokohan, tawanan, kwentuhan at sa lab life. KUDOS! mabuhay ang mga tjs!
para kay jonell. ayan inadbertise ko na ang iyong site sa aking site. paxenxa na kung di ko madalaw ang site mo. expired na kasi ang aking BLIS card e kaya mabagal na uli ang internet namin.
at para kay heneroso. salamat sa ideya!
No comments:
Post a Comment