aswang at multo
ang isang tanong na patuloy na tumatakbo sa ating mga utak. may multo o aswang nga ba o wala?
una nga pala sa lahat. ano ba ang pinagkaiba ng multo sa aswang? ayon sa aking pagkakaalam ang mga multo ay iyong mga kaluluwa ng mga namatay na gumagala dahil sa ilang rason: kailangan nila ng katarungan, nais nilang magpaalam ng maayos sa kanyang naulila o iyong mga hindi matanggap na namatay na sila.
ang mga aswang naman ay iyong mga lamang-lupa. iyong mga salot sa lipunan. katulad ng tikbalang, manananggal, at mga duwende.
siguro ho ay noong bata pa tayo ay takot na takot tayo dito. marahil pag nag-iisa tayo ay lagi tayong nagmamasid sa ating mga kapaligiran, para kasing laging may nakatingin sa atin. hindi ba?
ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa aswang.
ang mga buntis. kadalasan ho ay inaaswang nga ho ang mga buntis. ito po ang ideyang pumasok sa isip ko dahil na rin sa usapan dito sa aming kusina. nakikinig ho kasi ako sa kanilang usapan. e aun. nakakagimbal nga ho ang kuwento. kinilabutan nga rin po ako.
kaya eto na po. aking ikukuwento na po ang buong nangyari.
mga tauhan:
sheila rodriguez (ang buntis)
ming rodriguez (ang ina)
ting rodriguez (ang ama)
bing rodriguez (ang kapatid)
jc unknown (ang inaanak ni ming at ting)
setting:
sa may raymundo gate kung saan sila nakatira.
isang masasabi nating ordinaryong gabi sa pamilya rodriguez. dumating si bing na lasing. may mga takot at galit sa kaniyang mga mata. sumisigaw...
bing: lintik ka, subukan o lang lumapit. @$#$#^&*(^@!
ming: anak, anu ba iyon?
bing: may usok! may usok doon!
ming: walaun, may nagsisiga lang siguro
bing: hindi! iba ang pakiramdam ko
ming: pumasok ka na nga at pati ako ay kinakabahan sa iyon
pumasok na nga si bing. samantala, nagising naman ang buntis na si sheila dahil sa ingay ng biglang...
sheila: nay! nay! may nakasilip! may nakasilip!
biglang balikwas sa kinahihigaan si sheila na naturingang buntis. at tumakbo sa kaniyang ina.
sheila: nay! may sumisilip sa akin doon. parang anino. maliit lang
ming: ....
kinabukasan. maaliwalas na ang lahat. habang nagkukuwentuhan si jc at si ming...
jc: ninang. may naramdaman po ba kayong kakaiba kagabi?
ming: wala naman (pero sa totoo meron, hindi niya lang masabi)
jc: kasi po may naramdaman po ako kagabi. may isang entity nga pong bumangga sa akin at tuloy-tuloy sa paglalakd. tumaas po talaga ang balahibo ko.
ming: wag mo nga akong takutin jc
jc: siryoso po. tapos nga po sa may bakuran niyo po kung saan nandodoon ang bintana na malapit sa hinihigaan ni ate sheila, may narinig po kaming kaluskos na parang naglalakad.
ming: naku! sinasabi na nga ba. tama ang hinala ko.
diyan po nagtatapos ang kuwento nila.
medyo mahirap nga namang paniwalaan. mismong ako ay hindi pa nakaranas makakita ng isa. maliban nalang pala ng isang pagkakataon. nakaencounter ako ng doppelganger. pero huwag na nating ibaliksa aking pagiisip iyon.
hindi ko pa naman napapatunayan na totoo ang mga ito. pero lubos akong naniniwala sa mga uri ng mga nilalang na gumugulo sa ating mga buhay at isipan.
sana nga po ay mawala na ang mga ito at tuluyang lumaho sa ating mundo.
katulad na lang po ng pluto na hindi na po kabilang sa siyam na planeta. (may konek?)
2 comments:
hahaha! kaw ba author nito! ayus!
bigla daw talaga pinasok ang pluto! saan galing yun?
don't worry, di na nga major planet ang pluto, dwarf planet pa naman siya. dwarf? maligno? waaahhh! maligno na ang pluto!
-bleue
http://bleue.i.ph
OMG... Scary post..
Buti na lang wala akong 3rd Eye kaya di ko naeexperience yang mga yan! woot! Nice one..
Sa province namin, marami din daw ganyan... Our Physics teacher once told us the tale of his kabarkada na isa pa lang werewolf tuwing full moon! heheh :P
Post a Comment