REPORTING
ayan reporting kami. hehe. ako sa written c bec naman ang sa oral. hehe. pinuyat ako nito. hehe. kayo na maghusga.
Mga Talasalitaan
Basilio Sancho - ang arsobispo ng Maynila mula 1767 hanggang 1787
Buddha - Siddharta Buddha o Sakyamuni; ang bumuo ng relihiyong “Buddhism”
Confucius - isang guro at seyds(sage) sa Tsina
Heres - “sherry”(?), inumin
Makiling - isang bulkan sa Laguna, mas kilala sa tawag na Bundok Maria Makiling
Malapad-na-Bato - batumbuhay na noong bago pa man dumating ang mga Kastila, tinuturing na itong sagrado at pinaniniwalaang pinananahanan ng mga espiritu.
masisiba - matakaw, gahaman, gusto ay sa kanila ang lahat
muog - pandepensa(fort), dingding na pandepensa(rampart)
nabarandal - nabangga
nakalimbutod - adj. projecting prominently upon the surface of the earth
paltok - tuktok, tuktok ng isang bundok
taripa - singil, mga kalakal na angkat
tumugis - humabol, habulin
Inihanda nina: Kim Baylon at Bec Labios
Kabanata III : MGA ALAMAT
“…ang alamat ay salitang kumakatawan sa attending akda o mga tradisyunal na seremonya ng lipunang Nagasaki-salin sa pamamagitan ng bibig at mga halimbawa kaysa pasulat na halimbawa…”
Nang lumapit si Pari Florentino sa mga tao sa itaas ng kubyerta(mga mayayaman at may-kaya-sa-buhay) ay lumipas na ang kainitan ng pagtatalo. Dahil na rin siguro sa heres na ininom nila.
Pari Sibyla: Pasama nang pasama ang panahon! (tatawa-tawa)
Pari Irene: Kayo naman, Vice Rector! Nasasabi pa ninyo iyan sa kabala ng inyong mga kalakal sa Hong Kong at mga paperhanger bahay. (ngumingisi)
Pari Sibyla: Bah! Alam ba ninyo ang mga pinagkakagastahan… ang pagtutol ng mga namumuwisan sa asyenda?
Pari Camorra: (napahalakhak) Mapapaiyak na ako niyan sa inyong mga pagdaing. Tingnan ninyo, wala kaming asyenda, ni bangko. Unti-unti nang tumatawad ang mga Indiyo at humihingi pa ng taripa tulad ng ipinairal noon ng Arsobispo Basilio Sancho. Pero nagsitaas na ang mga bilihin at ang gustong ibayad sa binyag ay mura pa sa halaga ng isang manok. Nagtataingang-lipya na lamang ako at nasisiyahan sa kahit na gaanong masingil. Hindi kami dumaraing… hindi kami makmkam… hindi ba Pari Salvi?
At paakyat na si Simoun. Binati siya ni Don Custodio na para bang walang alitang nangyari sa kanila. At nang nakaakyat na siya ay winika niya na mas interesado daw siya sa mga alamat.
Kapitan Heneral: Kung sa mga alamat mayroon din ang Pasig(isang ilog).
Sukat ito ay isinalaysay niya ang alamat ng Malapad-na-Bato(makikita ang alamat sa talasalitaan).
Pari Florentino: Ako rin ay may alam na alamat. Tungkol ito kay Donya Geronima. Eto ang kuwento…
“Ang Alamat ni Donya Geronima
Si Donya Geronima ay kasintahan ng isang binatang nagpari gayong nangakong pakakasalan ang dalaga. Naghintay ito hanggang sa demanding dalaga. Nang malamang arsobispo na ang nobyo, nagsuot-lalaki at tinungo ang dating kasintahan. Sapagkat di na mangyayaring ito’y parasailing pa niya, itinira na lamang niya ito sa isang kuweba, doon na rin ito namatay na tincturing na isang engkantada.”
Ben Zayb: Magandang alamat! Susulat ako tungkol diyan.
Simoun: Hindi ba higit na mainam na si Donya Geronima ay itinira sa isang kumbento o beateryosa halip na sa isang kuweba… ano sa palagay ninyo, Pari Salvi?
Napatingin ang Padre Confesor sa nagsasalita.
Simoun: Marangal na gawain ba ang siya’y itira sa kuweba, malagay sa panganib at kalaruin ng mga tiyanak? Matatawag pa sigurong kabanalan ang siya’y ikulong sa Sta. Clara, dalawin at libangin paminsan-minsan.
Pari Salvi: Wala akong karapatan na hatulan ang ugali ng mga arsobispo.
Simoun: Gobernador eclesiastico kayo at tumatayong arsobispo. Ano ang inyong gagawin sa ganoong pagkakataon?
Pari Salvi: Bakit natin pag-aaksayahan ng panahon ang mga hindi mangyayari? Pakinggan na lamang ninyo ang higit na magandang alamat… ang alamat ni San Nicolas.
“Ang Alamat ni San Nicolas
Isang Intsik na di pa binyag ang tinangkang kainin ng isang buwaya. Demonyo ang belaying ito na hangad madala sa impiyerno ang bibiktimahin. Nagpasakloloang Intsik kay San Nicolas at nabigo ang demonyo sa kanyang masamang balak. Naging bato ang buwaya sa himala ni San Nicolas.Nagtaka ang mga kaharap na pari kung bakit pinagmilagruhan ng santo ang isang taong di pa nabibinyagan.”
Ben Zayb: Bravo! Magnifico! Ilalathala ko rin ang alamat na iyan.
Palapit na sila sa kanila distension at nakakakita na sila ng napakagandang tanawin.
Ben Zayb: Kapitan, totoo ba na may napatay raw sa lawang ito na nagngangalang Ibarra ba iyon o Guevarra?
Napatingin ang lahat kay sa mamamahayag maliba kay Simoun na mukhang may malayong tinatanaw.
Donya Victorina: Oo nga pala, Kapitan… saan nga ba nangyari rito ang nasabing kaganapan? May bakas bang iniwan sa tubig?
Kapitan Heneral: Itinaguyod ng bala ang hinahabol na sa minsang paglitaw ng ulo sa tubig, gumuhit ang bala mula sa mga sibil. Pumula ang tubig sa bahaging muling nilubugan ng hinahabol. Labintatlong taon na ang aralias.
Pari Salvi: Isa rin siyang pilibustero katulad ng ama kaya nagkasama na rin silang mag-ama.
Ben Zayb: Iyan ang napakamurang libing… hindi pa Pari Camorra?
Pari Salvi: Lagi kong nasasabi na ang mga pilibustero ay di nakababayadng maringal na libing.
Napansin ni Ben Zayb ang kaka bang ikinikilos ni Simoun. Na pinaghinalaan niya na nahihilo lang ito.
P.S. Ma’am, ginawa po naming ganito ang istilo nang pagbubuod upang mas madali pong maintindihan ang kuwento ng Kabanata III, Mga Alamat.
Inihanda nina: Kim Baylon at Bec Labios
Kabanata III:
MGA ALAMAT
Inihanda nina: Kim Baylon at Bec Labios
No comments:
Post a Comment