Sunday, December 10, 2006

DJ MO NOT A NO NO

DJ MO NOT A NO NO

ewan ko. anlaki-laki ng problema ng mga tao sa showbiz ngayon. wala namang ginagawa na masama itong si MO TWISTER, ngunit patuloy pa rin ang pagiging mababaw ng mga tao sa showbiz. pilit nilang pinapalabas na masama at hindi dapat pakinggan ang segment ni MO sa MAGIC 89.9. ako man e nakikinig dati nito gabi-gabi ngunit inilipat na ito ng 6.30 ng umaga kaya hindi na ako nakakapakinig dito. sari-sari nga ang patutsada nitong si MO, pero wala naman siyang ginagawang masama. totoo lang naman ang mga sinasabi niya.

ang paborito ko nga sa show nila ay iyong ginagaya nila ang isang movie. naaalala ko pa nga iyong ginaya nila iyong BROKEBACK MOUNTAIN. grabe. tawa ako ng tawa. crush ko pa nga si ANDY nung mga time na iyon. tapos ang naaalala ko pa sa show nila ay hinuhulaan nila kung bading ang natawag o hinde. doon talaga ako tawa ng tawa. pilit na itinatanggi ng lalake, ngunit halatang halata na naman siya.

ewan ko ba kung bakit sobrang raming CRISTY FERMIN sa buong mundo. salot lang naman kayo. okay lang naman sana na mamuhay kayo rito sa lupa, ngunit sana ay manahimik na lang kayo. buti nga ay pinapayagan pa kayo mamuhay sa ibabaw ng lupa.

para sa TRIO: MO, ANDY, MOJO... baka naman pwedeng gawin niyo na ulit panggabi ang show niyo. please.

Saturday, December 09, 2006

maagang pamasko mula kay kiro

ISANG MAAGANG PAMASKO MULA KAY KIRO

at last, makalipas ang ilang taon. may nagcomment na rin at nagtag rin. at wag ka, may regalo pa silang handog para sa inyong lingkod na si boy bawang. at eto ho iyon...

Free Image hosting by ImageSnap


astigin. may boy bawang na sa canada.

salamat kiro at cars. ang post na ito ay inihahandog ko sa inyo. lalo na kay cars dahil nagtag din siya makalipas ang ilang dekadang puro langaw ang bumibisita.


hindi ko na maalala kung saan ko nakilala si kiro o sa tunay na buhay, R** M***. a naalala ko na. nakilala ko to kasi magkasunod kaming nanalo sa dark star awards. ayun. e di nagkoment ako sa blog niya at inadd sa ym. at doon ko na yan nakilala. isang nursing istudent. napagkamalan pa nga ako nitong bading. grr (alala mo yan, grr). naku. di ko pa naman to masyado kilala. basta alam ko, pacute to sa webcam habang ngumangata ng chichakorn. "TOL! BOY BAWANG NA LANG!!!". saka nga pala minsan laban naman tayo sa gunbound.

at si cars naman. kahapon ko lang iyan nakilala. pinakilala sa kin ni utakgago. isang junior o third yeAR HS. matalino. at rakista daw. at nagpamulat kay gago na astigin ang saosin.


naku. salamat dude/s.


o nga pala. "GAGO! NABUSOG KA BA?" nyahahaha.

Wednesday, December 06, 2006

101

happy 101th post to me! nyahaha

ngayon. dahil ispesyal ang araw na ito para sa akin. ay may gagawin akong kagaguhan.
ipopost ko ang 101 things you must know about me saka isama mo na rin ung mga gagawin ko sa aking buhay o katawan, gets?. astig no.

eto na...


1. ang buo kong pangalan ay charlon kim dizon baylon
2. ang ibig sabihin ng pangalan ko ay royally brave (nakita ko sa baby book)
3. kung ako ay papapiliin, mas gusto kong maging apilido ang dizon kesa sa baylon, sorry tay
4. ako ho ay may tatlong nipple, siryoso ako
5. hindi ako masuwerte sa mga cellphones. lagi kong nasisira ang mga fone ko
6. ang kasalukuyan kong ginagamit na telepono ngayon ay 3310
7. mahilig akong manood ng mga pelikula
8. mahilig akong gumupit ng kung anu-ano
9. may talent ako sa pagdodrawing at pagpipinta. lalo na sa abstract painting
10. hindi ako marunong magbasketball
11. kasulukuyang nahuhumaling sa tv drama (ika nga ni rax) na desperate housewives
12. lilima palang na libro ang aking natatapos: alamat ng gubat, bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino ni bob ong (iyong dalawa), harry potter 1,
odyssey: wishbone, kwentong tambay ni batjay (nicanor david jr)
13. apat na cellphone na ang aking nasisira: 3210, 3310, 6210, 6260
14. mahilig akong manood ng tv
15. hindi ako mabubuhay ng walang remote (tv), dvd player, computer
16. ako ay may kapatid na babae (masama ugali nun)
17. ako ay may sariling kwarto pero patuloy pa ring nakikitulog sa aking ina dahil may tv siya sa kwarto
18. matagal ko na ring pinapangarap na makita sa isang commercial o sa mga magazine (model antawag dun)
19. inaasam asam ko ang height na 6'2 o kahit 5'11 lang pede na
20. ayokong maging artista, model lang. cheap ang artista.
21. 11pm ako normal na natutulog
22. iniisip kong gwapo ako lagi kahit cute lang ako (naks)
23. mahiyain ako
24. tahimik ako pag trip ko
25. mahilig ako sa karekare
26. last week lang ng nahumaling ako sa ice monster
27. gusto kong mag-aral sa maynila. kung saan walang nakabantay sa akin
28. nasabi ko na bang anrami ko na ring nasisirang bagay bukod sa cp: speaker, electric typewriter, ps, lahat ng yan gawa hindi ko isinaksak sa transformer
29. isa pa lang ang nagiging gelpren ko na nakita ako sa personal
30. baboy ako noong elementary
31. pumayat ako noong highschool na ako, macho na nga e
32. mahilig ako sa mga tugtog na nakakaindak, naks
33. naguguluhan pa rin ako UP o USTe?
34. seaman ang tatay ko
35. mahilig ako sa dark chocolate
36. pandak ang nanay at tatay ko 5'3 lang pareho. e ako, mukhang wala ng pag-asa
37. hindi ko pa napagdedesisyunan kung anung kors ang kukunin ko. parang ayoko ng nursing
38. lagi akong kinakabahan
39. hindi na ako masyadong naguunli, pero pwede niyo pa rin akong itext. 09273072663
40. kasalukuyang pinagaaralan ko kung ano nga ba ang pwede kong gawin sa macromedia flash
41. may koleksiyon ako ng porn vcds, paborito ko iyong barely legal production
42. tapos, kumpleto ko ang buong issue ng fhm ngayong taon
43. nakahanap na rin ako ng underwear na swak sa akin. sa bench ako nakabili. boxerbriefs
44. anrami kong peklat sa mukha dahil naglagay ako ng veet sa mukha, tanga no?
45. gusto ko ang pagkakagupit sa akin ngayon. pangalwang bese ko na itong magpagupit sa salon
46. noong acquaintance party namin, nagpaayos pa ako ng buhok ko sa metrohair. may nakapansin naman kahit papaano
47. wala akong kaaway
48. gusto kong matuto magdrums
49. hindi ako mahilig sa branded na maong, basta maganda. swak na sakin un
50. brand conscious ako sa mga shirts ko, relo
51. nakaglasses ako
52. mahilig pumorma. hindi nagpapahuli sa uso
53. nawawala ang mp3 player ko
54. excited na ako magcollege
55. amorpropio raw ako.
56. mas gusto ko si paris hilton kesa kay nicole richie
57. mas gusto ko si john legend kesa kay lionel richie
58. nahuhumaling ako sa music na bossa ang genre
59. techie ako?
60. kakabili ko lang ng hair spray. mas maganda kesa sa hair gel
61. para akong nakamulat pag natutulog ako
62. kaya kong hindi tumulo ang laway pag may overnight party ang barkada, galing no?
63. 150 dollars ang budget ko ngayong christmas, padala ng tatay ko. ganoon din last year. ako na!
64. sa graduation. ang pinapapili sa akin ng tatay ko. pag mataas daw ang grade ko laptop, pag hindi naman cellphone at portable dvd player
65. tj ang pangalan ng barkada ko. tropang j***l
66. mababaw ang kaligayahan ko
67. mababaw ang luha ko
68. naaaliw ako sa globe-na-nagiiba-ng-kulay-paggabi na globe sa moa
69. <-------paboritong number namin, pakisali lang ako
70. nakita ko na sa webcam si bulitas, bistokya, kironobu. at lahat sila nakangiti lagi sa webcam, PACUTE!!!
71. wala na akong maisip
72. magggym na ako. sa magym. kasama ko iyong dalawa kong kaklase na gusto ring gumanda ang katawan
73. magiistart pa lang kami ngayong 3 ng hapon. december 2
74. lagi kong pinapansin ang mga panget sa mukha ng tao para gumaan ang loob ko na mas gwapo ako sa kanila
75. nagtop2 ako sa acads noong grade 2
76. tatlo na ang award ko sa painting contest.
77. nakasali na ako sa painting contest na kalaban ko ang ibang school
78. sinira ng ate ko iyong phone ko ung 6260, hindi pala ako
79. walang masyadong bumibisita sa blog ko
80. may sapatos ako na may logo ng ferrari
81. mahilig ako sa red. black, at white
82. varsity ako dati sa soccer
83. sobrang laki ng kamay ko. hindi proportion sa katawan ko
84. pinaglihi ako sa barbecue na sunog, promise
85. gustong gusto ko noong bata pa ako na lumabo ang mata at magkabraces. at nagkatotoo ang paglabo ng mata ko
86. mahilig rin ako makipagtelebabad. kaso ikaw dapat ang magsimula ng kwento. eto ang patunay 5365250
87. naka dial up lang kami
88. may dalawa akong condom sa pitaka ko. umaasa pa rin ako...
89. naranasan ko ng makapaglayas sa aming bahay at makarating sa alabang at cavite at nakitinda ng mga bulaklak sa ale
90. kahit minsan hindi pa ako nagkakaroon ng original na cd o vcd o dvd
91. lagi akong nagnonosebleed noong bata ako
92. nasabi ko na ba na dati akong varsity ng soccer?
93. mahilig ako bumili o magpabili ng mga underwear na astig ang design o hitsura
94. may camouflage at bulaklakan akong boxer brief
95. madali akong magsawa sa kanta dahil paulitulit kong itong pinapakinggan
96. may amoebiasis ako
97. lagi akong nangongOPO
98. paborito ko ang POKEMON
99. naipanganak ako dahil nagaftershock ang earthquake. july 16 iyong earthquake.17 ung aftershock. sa baguio ung sobrang nasalanta
100. nasabi ko na bang mahilig ako sa movies
101. mahilig makiride sa mga tao sa paligid sa atc o kung san mang lugar. nagpapanggap mayaman.


waaaah. marami pa ako naiisip. nest time nalang... kasi dapat hanggang 101 lang to e.

Monday, November 27, 2006

USTET

USTET

bukas na lang ako mag cecelebrate ng ika100 kong post. at eto ung ika100 ko. sa ika101 na lang ako magcecelebrate

shiyet! saya talaga kahapon. biruin mo. galing akong USTe kahapon. e aun. ang sched ko ay 8:00 am to 12:00 pm. e aun. umalis ako ng bahay ng mga 4:30 am. at nakarating roon ng mga 6:00 ata. tapos ayun. may mga nakikita kita na akong mga magtetest. may mga hawak na folder, bag, permit. e aun. ako naman. lakad siga. rayban shades na nakasabit sa damit(hindi pa nakakasilaw sa mata e), tingin kung saan saan na pangsiga ang mata. e aun. walang nangyari. pumila nga kami. mahaba na pala ang pila. tapos aun. 8th floor nga ako. room A806. memorize ko pa, laway kayo. tapos ang permit no ko ata un. 23237. laway. tapos aun. at pumila pa rin kami bago pumasok. at pagkapasok ko. puro vandal ang mga mesa. pero astig. ibig sabihin pede din akong magdrawing pag doon na ako nag-aaral. astig. tapos ayan na nga. dumating na iyong magbibigay ng test. mjo bata pa. ma'am che ang pangalan niya. tapos inarrange kami alphabetically. tapos aun. napahiya pa nga ako sa katabi ko. kasi english ako ng english. sabi ko. "i believe i should sit there". e aun. nalaman ko lang ng tapos na iyong eksam na dapat nga doon nga siya nakaupo sa inuupuan ko. lintik. tapos nga balik sa eksam. ung unang eksam sa mental ability. kala ko madali lang. e aun. nagtaketime ako sa isang number. malaman laman ko lang ubos na pala ang oras. pero iyong 3 pang test natapos ko agad. tapos tinanong. kung sino daw magshishift sa fine arts. sasabihin ko sana ako. e kaso napagisip isip ko. ikayayaman ko ba yon? miski passion ko ang gnun(iyong mga ganun nga... basta, pag naging kaklase niyo ko malalaman niyo). tapos naisip ko rin. pede ko naman matutuhan iyon sa pamamagitan ng mga libro. o kaya umatend ng mga workshop. tapos aun nga. lumabas na. at naghintay matapos ang iba kong kasama na panghapon pa ang eksam. habang naghihintay ay kumain muna kami sa kfc. tapos umalis ng sandali sa ust. tapos bumalik. naglibot libot. at KUMAIN SA ICE CRAZE!!! sarap. may kamahalan nga lang. pero worth every penny (sa case natin piso). SSAAAAAAAAAAAAARRRRRRRAAAAAAPPPPPPPP!!!! tapos sa anrami talagang magaganda sa mga nagtest. may mga chinita. tapos ang kikinis. shiyet! doon na talaga ako. tapos aun.6:00 pm na kami nakaalis. tapos diretso MOA. at last! naabutan ko na ang globe na nagiiba iba ng kulay. sabi ko nga sa isang balager. "sana magkaroon ako noon sa kwarto ko". e astig naman talaga e. e aun. pumasok na kami. naglibot libot at kumain sa tokyo tokyo. dapat nga sa teriyaki boy. kaso nakita na namin iyong menu. e aun. naalala namin mamimili pa kami. e pinalinis pa naman namin iyong table sa loob. napahiya tuloy kami. pero kaya naman talaga namin i afford. barya nga lang iyon sa amin. hehe. tapos iyon nga. mixed sushi inorder ko red iced tea at choco mousse. ung choco mousse. inuwi ko na lang. tapos iyon. nakakainip sumunod sa mga kasama ko. kaya ayun kaya naman noong nabigyan ako ng pagkakataon(ung time na nagCR sila, e aun. matagal pa naman sila magCR. panu mga babae. baba panty, uupo, maghihintay lumabas ang ihi, eenjoyin ang pagupo sa malamig na bowl, itataas ang panty at pantalon, lalabas at maghuhugas at makikipagkwentuhan pa ata sa loob, at hindi ko na alam ang ginagawa nila.) e aun. sugod ako sa bench at sa nat'l bookstore. at eto ang mga binili ko: boxer brief. boxer shorts. alamat ng gubat ni bob ong at FHM DECEMBER NA SI IWA MOTO! at last kumpleto ko ang issues ngaung year. tapos. ayun. naisip ko bigla. siguro kung iyong barkada ko ang kasama ko mas mageenjoy ako. hindi ko naman sinasabi na hindi ako nagenjoy. pero mas masaya siguro kung sila ang kasama ko. saka magkakasundo kami sa mga pupuntahan namin. di ko tuloy nakita iyong mga bagong sapatos ng lacoste footwear. tapos un nga. basta 12:00am na ako nakauwi. ge. kakatamad ng magtyp. ge! tutulog na ko. antok na ko. zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz. ano??? tulog na nga ako!!!! ge! putek!!! tulog na! wag ka na magcomment di na ko umaasa! ge! hehe... ge

Thursday, November 23, 2006

MUBIS

mga araw pagkatapos bukas (the day after tomorrow) ay magkukumento ako sa mga mubis na aking napanood noong mga nakaraang arw... at eto iyong mga iyon...

*charlie and the chocolate factory
*hotel
*the brothers grimm
*rent (inulit ko uli, astig ng kwento e... wag ng pakialamanan..)
*the omen
*the da vinci code
*xmen: the last stand
*she's the man
*the lakehouse
*fear.com
*sex drive
*sukob
*broken flowers
*the otherside of the bed

Wednesday, November 22, 2006

PULMONIA

LUMAKI ANG ULO?

nakakalahating araw lamang ako sa eskwelahan ngayon. mga alas dose y medya na ako nakapasok. sa totoo nan ay kahapon ay absent ako. sa kadahilanang mabigat ang akin ulo. hindi. mali ang iniisip ninyo. hindi lumalaki ang ulo ko. talaga lang sumasakit ang ulo ko dahil sa aking baradong ilong. oho. ayon sa akin ispekulasyon, ito ay dahil sa pagtulog ko na nakaboxers lang. hindi ko kasi mapigilan. ang pagtulog ko na nakahubad ay nagbibigay sa akin ng kakaibang init na hindi ko nararanasan sa mga normal na mga gabi na ako ay nakadamit. mali, hindi ako nalilibog sa mga gabing ako ay nakaboxers lang (woi, ikaw na kaklase ko, wag kang maingay! kilala mo na kung sino ka!) pero maaaring minsan, pero hindi... basta. malibog na kung malibog. joke. pero sa totoo lang. mas masarap matulog na ang pakiramdam mo ay mabanas at nilalamig. nakuha ninyo? basta. kakaiba talaga ang pakiramdam ko.

Sunday, November 19, 2006

PILIPINO ANG TUMAPOS

PILIPINO ANG TUMAPOS

ano pa nga ho ba ang pupuwedeng masulat ngayon. siyempre ho. ano pa nga ho ba. e di ang nangyaring sagupaan nila manny at erik. oho. iyong boxing ho kanina. sino pa nga ho ba ang mananalo kung hindi ang nag-iisa nating pambato sa boxing, si manny pacquiao. kung isa ho kayo sa mga contacts ko sa aking account sa ym ay marahil natanggap ninyo ang GM ko sa inyo. oho. sa RCTI ko ho napanood ang laban. marahil ay sinuwerte lang ako. malikot kasi akong manood. kaya ayon palipat-lipat habang may patalastas pa sa abs-cbn. e sa kagandahang-palad, ayon, napapunta ako sa RCTI na isang Indonesian Network. hindi nga ho ako makapaniwala. mas nauna silang mag telecast ng laban. kaya ayon. hindi ko na pinalampas. pinanood ko na ng tuluyan. actually, round 2 na ang aking naabutan sa laban sa RCTI. pero sakto naman ang pagkahilo ni erik at muntik na siya natumba. pero pagdating ng round 2, doon siya tuluyang natumba. ngunit, NGUNIT! nakatayo pa eto. pero mga ilang segundo lang ay hindi na niya nakayanan. suntok dito, suntok doon. at doon, DOON! doon na talagang natuluyan si erik. natumba. pero, hindi na nakabangon. at siya ay sumuko na. kahit na sinasabi ng kanyang ama na tumayo pa. ang sagot lang nito ay iling (napanood niyo ba iyon?).

kaya ngayon. ang buong pilipino sa buong mundo ay nagdiriwang sa kanyang pagkapanalo. dahil sa tapang, lakas at tiyaga. nakamit ni manny ang tagumpay. hindi lamang ng isang boksingero pero pati na rin ang kanyang pagkapilipino.

Saturday, November 18, 2006

MEMOIRS

MEMOIRS

MINSAN LANG ‘TO. PAGBIGYAN NIYO NA. KUNG MAY MALI SA GRAMMAR KO, PAKIKOREK NA LANG. POTA, NAHIHIYA AKO SA POST KO NGAYUN. KAYO NA ANG BAHALA HUMUSGA. EMOEMOHAN LANG ‘TO. TRUE TO LIFE YAN. PUUUUTTTTAAA!!!! ETO NA. ETO NA. ETO NA. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!

When I hit the age of thirteen (that’s the age when I entered high school), I learnt to go out. Have some fun. Gimmick! And eventually became a nocturnal guy. At first, I had fun with my friends. Played some computer games. We (friends, barkadas) always ate our dinner at LBSquare every Friday night -- TGIF. In short, FUN. I never noticed that my grades are not progressing. Worse, I’m starting to get lower grades. I’m not used to getting lower grades. And I am not supposed to have one. Because during my elementary days, I’m always on top. I even got the spot of top2 when I was in grade 2. Grade 5-6, not so good. But hey, I’m still on the top. I’m still on top15. And during our graduation day, I even got an academic award.

Things changed when I entered high school. Laziness inside me is starting to form. Just like cancer. It spread quickly inside my system. I thought of study habit as corny and would not give me any advantages when it comes to academics. My teachers always teach us to have study habit every night. But for the sake of being cool or in, I didn’t follow them. But I’m still not IN the IT GROUP. Although I always mingle with them, I still feel that I am not still in. But they keep insisting, “Ano ka ba? Parte ka na nga ng barkada..”. But I still can’t feel the commitment. Commitment on the barkada. The handcuffs that keep us all together.

By my second year in high school, I met new friends. Newer friends. So yeah, I gained a lot of them. But I can say that they were just my friends, not a FRIEND. But we all hung around. My grades our getting higher. Not because of my friends, but because my dad promised to buy me a new phone if I’ll get an award on this year’s recognition. Luckily, I made it. And much to my expectation, I became one of the finalists of IRRI’s painting contest. I was so lucky that year.

So third year came. I’m starting to get my laziness inside me again. And that’s when I realized that a chemotherapy would not last to cure my laziness forever. But still, I enjoyed my third year, I joined a painting contest and won the third place. But I’m not contented with my life, high school life --still.

Fourth year. I decided to be quiet and mysterious. My lips are always closed. I barely make a sound. Even my breathing was tamed to be silent. My friends begun asking me why am I so quiet. I just told them that I have no right to have fun since I got low grades last year. So there, I was alone all the time. But my barkada is still there. They keep on cheering me up. That’s when I felt that I’m in. I didn’t cared of being as IT anymore. I only cared of being IN with them. Having those handcuffs. And having FUN.

I don’t know what tomorrow will bring. So I’m now living every day as if it was my last. I’m starting to study again. I’m starting to go out, but not always. I drink and smoke for fun (but it‘s not fun for my health, I know!). And most of all, I always thank God for creating such wonderful creatures -- my FRIENDS.


EEEEEEEEMMMMMMMMMOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!

PUTANGINA. NAG-EEMOEMOHAN NANAMAN AKO EH. POTA. MINSAN LANG TOH PAGBIGYAN NALANG.

Tuesday, November 14, 2006

hot hot

FERGALICIOUS{HOT HOT!!!}



fergie's so hot. i can't resist her fergaliciousNESS. fergalicious.
HOT!!
SOOOO HOOOT!!!
SCORCHING HOOOOOOOOOOOOOOOOT!!!!!

my chemical romance

WELCOME TO THE BLACK PARADE



shit, nakakamiss ang blogosphere...

Tuesday, October 31, 2006

KABALIWAN SA KALAMNAN

KABALIWAN SA KALAMNAN

Unang-una sa lahat. Ang ipopost ko ho sa araw na ito ay ang tinatawag na freewriting. Natuklasan ko ho ang ganitong uri ng pagsusulat sa aming English textbook. Kaya ayun, natuwa naman ako. Isusulat ko lang ho ang lahat ng nasa aking utak. Okay lang ho kahit walang saysay o walang koneksiyon ang mga isinusulat. Basta magsulat lang nang magsulat. At sisimulan ko na….

Wala lang. naaalala ko lang kagabi. nag swimming party sina utakgago at rax. Mukha ngang masaya. Nagiinuman daw sila red horse. Waw. Sarap. Di hamak na mas masarap iyon kay sa sa san mig. E wala nga atang idinudulot na kasarapan ang san mig e. asar, kanina binuksan ko iyong ref. naming. E aun. Nakalimutan ko na may sari sari store na nga pala kami. E aun. May mga nakita akong coke. Iinum na sana ako ng biglang naalala ko na ibinebenta nga pala namin iyon. Haaay, naka isang taon na nga pala ako dito sa pagbblog. kahit ganoon. Wala pa rin akong nararating. Kagabi lamang ay nakita ko ang blogsite ng aking crush na si patty laurel. Anung url? Bahala na kayo. Hehe. Basta aun. Mahirap malaman ng lahat ang site niya baka bigla na lang siyang tumigil sa pagbblog. Aun. nag bday pala si atom at si alessa sa spiral. Si alessa iyong bespren ni patty at si atom, nvm. O siya siya, siya iyong nasa 5&up dati at bee-ep ni patty. Na ngayon ay nasa breakfast kasama si cuadrado at si patty at ang isa ko pang crush na si bettinna carlos. Hot iyon. Kaso bigla nga lang siya nawala pero bumalik din. Di ba siya iyong merong resto. Saka sila ata nung payat na artista na dating nasa click na kalabteam ni Roxanne na sumali sa PBB CELEB EDITION. Tapos iyon. Sumikat ng sandali at nawala rin naman. E ganun naman ang showbiz. Haaay. Tumawag nga pala ako kay rax kagabi. At marami akong nakilala. Si yhin nga ang pinaka paborito ko sa lahat. Kalog iyon. Sarap kausap. Sana nga sa bulacan na lang ako nagaral o tumira para naman Makita ko sila sa personal. Para todo gimik. Siguro nga masaya sila ngayon. Kate text lang kasi sa akin ni rax. Nagsswiswiming na naman daw uli sila. Waaaah. Buti pa sila. E sana iyon. Which leads me to the swimming party kung saan natuto ako magsmoke. Waaaah. Taglish na ako. Hehehe. Naalala ko si copibean. Tapos nung swimming party nga. Iyon. Uminom ako ng isang bote ng san mig. Pulutan ay burger steak. Tapos iyon todo swimming kami. nag open up ang lahat. Tapos tatlo na lang kami natitirang gising at ako lang ang hindi natulog dahil ako ang naglinis ng buong kalat. Hindi naman iyong buong kalat. Iyong mga nagkalat lang na mga cans ng red horse. Oo nga pala paxenxa na at nakaON kasi ung spelling thingy. Iyong itinatama iyong spelling na English. Ang bawat bata sa ating mundo… nananananananaan.. Eto na ang pinakapanget na kinanta sa kami na po muna. The dawn kasi. Tanda tanda na nila rumaraket pa. dapat manahimik na lang sila sa kanikanilang mga bahay bahay. Tapos iyon nga si yhin. Sarap kausap. Hindi kaya kami na ang magkakatuluyan. Waw. Joke. Hehe. Ssshhhhh ka lang gago. Tapos iyon nga. Wala na akong maisip. Oo nga pala. May ipinarinig sa akin si rens kagabi ata iyon. Iyong pod cast niya. E astig naman talaga nung lumiit iyong boses. Kala niya siguro nangaasar nana man ako. Grrrrrrr. Hehehe. Peace. Tapos Nahunta ako sa site ni kuazee dahil ibinigay sa akin ni ron ang url. Napakinggan ko iyong “bakit ang manila daw ay overpopulated”. shit. Astig ung boses. Parang do sa RT at MAGIC. Sana ganun din ako. Nangarap din akong maging isang DJ iyong may kaka bang accent. Tapos iyon nga. Nakalimutan ko ng tumutok kay GURU SHIVAKER sa RT. E astig iyon. Nakakatuwa. Waw. Sarap talaga nitong sugo na hot and spicy. Tapos bigla kong naalala kanina. Nananaginip ako na dumudura. E aun. Paggising ko. Puro laway na ang unan. Ko. Kadiri e. kahit na sarili mong laway iyon kadiri pa rin. Yak. Tapos eto. May kausap na naman ang kapatid ko sa telepono. Parang bading. May pa deva deva at chorva chorba pa siya. E aun. Nursing kasi iyon. E aun pinaguusapan nila iyong mga magiging kaklase nila itong sem na to. Tapos umalis nana man ang aking ina para bumili ng pangispageti bukas at carbonara. Pupunta daw kami sa sementeryo. Ayun. Yes, makikita ko nana man ang crush ko na si… ewan. Di ko alam ang pangalan basta pinsan siya ni alexis. Tapos iyon nga. Kachat ko si jane kagabi, ang isa ko pang lablayp. Tapos si fj naman katext ko. E ang kitidkitid ng utak. Kasi tinanong kung anong pinapanood ko. Sabi ko desperate housewives. E anung problema niya dun. Sabi ba naman sakin e “lalake ka nga. Hahaha”. ah, ineng. Hindi porket puro babae ang bida e panbabae lang iyon. E sa maganda ang istorya. I pity her. Walang kaalamalam sa mundo. Tangina niya. Pagkamalan ba naman akong bading. Shiyet. But that’s uki. Nip/tuck naman ang nakaiskejul ngayun. Kahapon nakalima akong episodes ng DH. E mamaya episode 5 na ang papanooron ko sa niptuck. Sana mabili ko na iyong life as we know it saka iyong lost pati iyong american dad. Hehe. Puta. E aun. Nakain ako ng sugo ngaun na kinupit ko lang sa tindahan. Nagmumuka na akong orc dahil nagkatindahan na kami. Hehe. Pero ayes lang. sa mundo lang ni kopi bean may ganoon. Para namang totoo lahat ng sinasabi niya. Pero mukha nga. Tapos iyon, English ng English kapatid ko. Tapos ngayon itinigil ko na ang aking sound tripping kasi nga ako na ang nagbabantay ng tindahan. Tapos iyon nga. Waaaah. Tapo iyon may word war daw sa prendster. Ewan ko ba. Wala ako0ng pakialam. Iyong sarili ko nalang barkada ang poproblemahin ko. E aun. Sana wala ng gulo sa barkada. Wag na nga. La naman ako sa barkadang iyon. Ako ata iyong laging sumusunodsunod lang sa kanila. Parang basta. O sige na. masyado ng mahaba e. e wala na naman laman ang utak ko. Magrerecharge lang ako. Hehehe. Ge. Wala na talaga akong maisip. Sige na.

at diyan ho nagtatapos ang aking masalimuot na freewriting...

Sunday, October 29, 2006

MOVIE MARATHON

MOVIE MARATHON

kanikanina ko lang natapos ang aking movie marathon. lima lamang ang aking pinanood. pero sa aking mubi review ngayong. anim na pelikula ang aking itatampok.

at ang mga iyon ay ang sumusunod(ayon sa pagkasunud-sunod ko ng araw o oras na pinanood):

1.) CLOSER: natalie portman, julia roberts, clive owen at si jude law
2.) HARRY POTTER and the goblet of fire: daniel radcliffe, rupert grint at emma watson
3.) MAN OF THE HOUSE: tommy lee jones
4.) NASAAN SI FRANCIS: epy quizon, paolo contis at si rico blanco
5.) DARK WATER: jenniffer connelly
6.) MEMOIRS OF A GEISHA: zhang ziyi

MOVIE SUMMARY and REVIEW:

CLOSER
isang pelikulang sakto sa panlasa ng nakatatanda. iyon bang nasa 30s na nila. naintindihan ko naman ang istorya kahit medyo malabo at magulo. nagsimula ang pelikula ng pinagtagpo ng tadhana si jude law at si natalie portman. nagkatinginan sila habang natawid sa kalye. sa katangahan ni natalie ay nabangga siya. pero nagising rin naman. at pagkamulat niya, ang una niyang nakita ay si jude law. at ang sinabi niya rito ay, "HELLO, STRANGER!". at doon nagsimula ang kanilang lab istory. ilang taon din ang lumipas. nagkatuluyan nga sila. sumulpot na sa eksena si julia roberts bilang isang freelance photographer. nagkainlaban din sila ni jude law ng palihim. pero nalaman din ito ni natalie dahil nakinig siya sa usapan nila. tapos isang gabi napagtripan ni jude law na makipagchat sa inet. at doon naman sumulpot si clive owen bilang isang doktor, dermatologist ata siya. nagpanggap si jude law bilang si julia roberts at ayon. pinagplanuhan ni jude ang lahat para pagtagpuin ang dalawa sa THE AQUARIUM. at doon na nagsimula ang isa pang lab istory. umikot ang istorya sa kanilang apat. nagpalitpalitan ng kalab team hanggang humantong rin sila sa mga dapat nilang kalabinglabing.

*ayos naman ang pagkakagawa. maganda ang pagkakaganap ni natalie portman bilang isang bayarang babae. saktong sakto sa panlasa naming mga kalalakihan. masasabi mo talagang isa siyang versatile actress. hindi ko masyadong nagustuhan ang pagkakaganap ni julia roberts. si jude law naman ay parang hindi marunong umarte. hindi bagay sa kanya ang ginanapan niyang role.


HARRY POTTER AND THE GOBLET OF FIRE
basta ang pinakaistorya niya ay tungkol doon sa TRIWIZARD CUP. basta nakasama si harry dahil may bumoto sa kanya pero hindi estudyante. ang bumoto sa kanya ay iyong basta anak nung parang judge na ipinatapon sa AZKABAN, pero hindi siya si sirius. basta siya iyong idinawit ni sirius sa isang kaso kaya siya napapuntang azkaban. ayun, namatay si cedrich diggory(hindi ko alam kung tama ang spelling)dahil pinatay siya ni LORD VOLDEMORT. oo mabubuhay dito si VOLDEMORT dahil binuhay siya ni SCABBERS na naging tao. basta si scabbers iyong dating daga ni ron na nagpapanggap lang palang isang daga pero siya talaga si... basta nakalimutan ko na pangalan niya. tapos ayun. basta. hindi masyadong maganda ang katapusan nito.

*basta astig. lumaki na ang mga bida. akalain mong may mga lab interest na sila. basta ayun. crush ko nga iyong babae doon. ung isinalba ni harry iyong kapatid. basta. ang isa ko pang masasabi ay ang panget pala ni voldemort noong baby pa.


MAN OF THE HOUSE
basta ang istorya ay may mga cheerleaders na nakakita ng isang krimen at nagpanggap na isang coach ng mga cheerleaders si tommy lee para masolb ang kaso

*hindi ko na tinapos... ang corny at hindi nakakatawa...


NASAAN SI FRANCIS?
ang istorya ay umiikot sa dalawang dating band member na naghahanap ng pera. si paolo ay naghahanap ng pera para mapatakas na ang kanyang pokpok na gerlpren na si tanya garcia sa isang makapangyarihang mamasan at si rico blanco naman para sa kanyang tuition fee. hihingi sila ng tulong kay francis(epi) dahil mayaman ito. pero biglang namatay si francis dahil nasobrahan sa drugs. e aun. ang tulong sanag maibibigay ni francis ay ang pagbebenta ng ecstasy. e kaso namatay siya bigla kaya aun, hagulap sila sa paghahanap sa loob ng bahay ni francis. natapos ang istorya na inaakala nilang buhay pa rin si francis at ikinulong pa rin.

*korny pero nakakatawa. nakakamangha ang pagkakaganap ni christopher de leon at nakakagulat naman ang pagkakaganp ni rico blanco bilang isang good boy.


DARK WATER
ayun. nagsimula ang kababalaghan ng lumipat ng apartment ang magina at ng biglang may nagleleak sa may kisame na maitim na tubig. e aun, may nagpapakita na sa anak niya na babae. basta sa huli, mamamatay iyong ina dahil mas pinili niyang mabuhay ang kanyang anak kesa sa kanya.

*hindi nakakatakot, paano, amerikano ang gumawa ta remake lang ito galing sa isang japaneses film.


MEMOIRS OF A GEISHA
at ang huli at aking paborito sa dalawang paborito (gets? HP4 iyong isa) ay ang memoirs of a geisha. maganda ang pagkakagawa. hango ito sa nobela ni arthur golden. maganda talaga ang istorya. umiikot naman ang istorya sa isang batang naulila rin ng lumaon na nagustuhan lamang maging geisha ng makilala niya si chairman na nanlibre sa kanya ng snow cone. e aun, hinanap niya at aun, sila nga ang nagkatuluyan. age doesn't matter ika nga. basta aun, marami siyang napagdaanan pero aun happily ever after naman ang katapusan. at may quotable quotes nga rin sa mismong film, at eto iyon:

The heart dies. A slow death. Shedding each hope-like leaves. Until one day there are none. No hopes. Nothing remains. She paints her face to higher face. Her eyes are deep water. It is not for Geisha to want. It is not for Geisha to feel. Geisha is an artist of the floating world. She dances. She sings. She entertains you. Whatever you want. The rest is shadows. The rest is secret.

at

No Geisha can never hope for more.


ayan lamang ang walang kwenta kong pagsasaliksik sa bawat mubi na aking napanood. sana ay nabigyan ko kayo ng ideya kung anung mubi ang magandang panoorin at kung anu ang hindi dapat pagaksayahan ng panahon.

Friday, October 27, 2006

NOW THAT'S AMAZING

NOW THAT"S AMAZING

haggard talaga kahapon. ang raming nangyari e. masasabi ko talagang hindi ordinaryong araw ang mga kaganapan kahapon.

i started my day xmpre nag-ano alam niyo na yun, basta nag M or J. tapos uminom ng kape. tapos upo sa trono. tapos naligo. tapos nagtapis. tapos umakyat para magbihis. tapos tumitig sa salamin para tingnan ang mga ayaw ko sa mukha ko, at ayun nabwisit, marami pala. tapos bumaba na ako para magsipilyo. at naginternet. tapos bumili ng harina. harina? eto palang hindi na ordinaryo para sa akin. tapos nakauniform ako. lintsak na yan. ako lang pala ang nakauniform sa service. buti nalang nagdala ako ng maong at poloshirt. at aun. pumikit habang humahampas sa mukha ko ang hangin at ang mga halaman, at nagisip kung anuano ang mga mangyayari mamaya. aba'y akalain mo nga naman pagkamulat ko ay nasa eskwelahan na ako. now that's amazing. ayun. hindi na ako umakyat. diretso na ako sa aming HORROR BOOTH. at nagsimulang magayos. ayan ok na. at nagumpisa na. sinabit ko ang ulo ko sa lubid at nagpanggap na nagpakamatay. ayun, walang pumapansin sa akin, buhusan ko nga ng harina ewan ko lang kung hindi pa nila ako pansinin. tapos ayun naka 5 rounds kami ng pananakot bago kami umakyat. may mga umiyak nga na mga bata. may mga nagtawanan.

pinaakyat na kami at pinalitan kami ng mga 2nd yr. magrerecollection na daw. kala ko boring. buti na lang masaya iyong speaker. kaya ayun. tawanan. tapos noong bandang patapos na. ipinakita iyong healing. doon kami naamaze. now that's amazing. nagtumbahan iyong crew nila. parang itinapat lang iyong kamay ng speaker tapos iyon parang nahimatay. tapos may tumawa, sabi ng speaker, "This is not a circus...". oo nga naman. wala kasing clown. tapos ayun kami na ang isinunod. nagpahuli na ako gawa umihi pa ako sa kaba. at ng lumaon ay tumayo na rin para magpahealing. at ayun. ipinikit ang aking mata, ipinagtabi ang dalawang paa at ipinagdikit ang dalawang palad. naghintay, sabi ko "shit, nandito na ba? matutumba na ata ako". tapos ayun. papalapit na ng papalapit na ang speaker sa akin at ako ay natumba. nagmulat ako bigla bago pa dumikit ang ulo ko sa sahig. nakokonxus kasi ako. ewan ko. pero ung iba nanatiling pirme sa sahig at tumayo. siyempre ako, konting acting na, "Oh my GOD" tapos hawak sa ulo at pumikit tapos nagindian sit tapos tumayo. siyempre kunwari talagang perpekto ang aking pagkakabagsak. pero sa totoo lang, kidding aside, naging light talaga ako, para akong isang bulak na bumabagsak sa isang vacuum. now that's amazing. tapos ayun. may nagsalita. kung sino pa daw ang gusto na maramdaman ang miracle ni GOD, un ata sinabi niya. pumunta lang daw sa unahan. 18 lang daw ang pede na lalake. e aun. nagalinlangan pa ako. tapos makisiksik na ako sa unahan. aun biglang sinabi. "the last two in the row, mag-alalay na lang kayo." waaah. now i can feel the miracle of GOD. biruin niyo ako ung THIRD to the last. now that's amazing. tapos pinatanggal ung salamin ko. at pinapikit uli, pinagtabi ang paa at palad. praying posisyon ata tawag dun. tapos ayun. sunudsunod kami nagtumbahan. parang domino effect. although di ko nakita, naramdaman ko naman. ako ang pinakanagsuffer gawa ako ang nasa hulihan. dinaganan ako ni gab. ako naman tumayo agad at nagacting na parang may nangyari sa aking kakaiba. pero kidding aside, may nangyari nga, pero inoveracting ko nalang. parang mas naging light ako.

tapos nun. pinakita nung speaker sa amin iyong rosary niya. ibinigay daw yun ng POPE PAUL II sa kanya. which is true. tapos ayun nagpakita nga daw si POPE sa kanya noong araw na namatay ung POPE. at aun. basta. mahabang istorya.

KWENTO KO NALANG NEXT TIME...

Sunday, October 22, 2006

LASHENG

LASHENG

isang masayang gabi nanaman ang lumipas. isang gabing puno ng tawanan at kaingayan. isang gabi ng pag-iinom. hindi ko talaga lubos akalain na ganoon ang mangyayari sa akin kagabi. noong una ay patikim-tikim lang ako. pero noong kalaunan ay nasarapan na ako at nakailang baso rin. mga 6-8 baso(ung basong pambeer talaga) ang aking nainom. red horse nga pala ang aming ininom. di hamak na mas masarap nga ito kesa sa ibang beer tulad ng sanmig. nagsuka nga si vin. e aun. pinahiga na muna namin siya sa may BIG DADS. pero tuloy pa rin ang inuman. si pael naman hindi umiinom. masyadong mabait. kaya aun nagdrawing nalang sa pader ng BIG DADS. hindi po siya nagvandalize. pwede po talagang sulatan ang pader sa nasabing bar. nagpapaunahan nga silang magbottomsup. pero hindi ako nakasali. hindi ko kayang tuluytuloy. mabigat kasi sa tiyan. si rey nga ang laging panalo. ako naman ng tipsy na ako ay nangaagaw ako ng beer. ayon sa aking natatandaan, humingi lang ako kay elmer ng konting beer pero ibinuhos ko ng lahat. tanga e. e aun. sarap kasi. pero nangangati na ako sa mga oras na iyon. ewan ko. baka side effects iyon ng beer. bukod sa pangangati ay dighal pa ako ng dighal at sumasakit ang tiyan dahil mabigat ito sa tiyan. masaya naman. noong papunta na ako sa banyo ay sinamahan ako ng isa kong kaibigang fil-am. dahil nga baka matumba ako dahil hindi ko na kayang maglakad ng diretso. hindi na nga ako pinagbayad ng nagbabantay sa banyo dahil nakailang pasok na ako roon. pagkatapos kong umihi ay uminom pa ako ng 3/4 na baso at nagpasya na silang umuwi. sobrang ingay ko daw. hindi nila akalaing ganoon ako pag nalalasing. sobrang kabaligtaran ko ata iyong ugali ko pag nalalasing. ewan ko ba. e di sumakay na nga kami sa dyip at hindi ko matandaan kung nagbayad ako. tapos nagtricycle ata kami. pero hindi ata ulit ako nagbayad. at nandoon na kami kila rey. nagpasya kasi akong matulog sa kanila sa kadahilanang hindi alam ng nanay ko na umiinom ako. pero un ung unang beses na uminom talaga ako ng todo. pagpasok namin, unang bumulaga sa amin ang katulong nila rey, naalala ko pa na sinabi niya na, anu ba ang nangyari sa inyo. tapos sabi ko good evening po. e aun. pagakyat sa kwarto ay hindi ko na talaga mapigilan ang aking bibig. kanta ako ng kanta. kinukulit ko sila. nabwisit nga ata sila dahil naramdaman ko na binubuhusan nila ako ng alcohol. pero hindi ako tumugil magsalita. kumanta pa ako. ewan ko kung anu ung kinanta ko. basta. nabwisit nga ata sa akin si ian. basta tanda ko hindi ako makatulog kasi anlamig. hindi ko rin maisara ang mata ko. tanda ko nga ihi ako ng ihi. tapos noong huli kong ihi ay nalockan ako ng pinto. e hindi nila marinig iyong katok ko. buti nalang ay biglang bumangon tatay ni rey para buksan iyong pinto. kaya aun nakapasok na ako. tapos noon ang natandaan ko na lamang ay nagising na ako. at nagkokompyuter si rey. tapos sunudsunod na ang paggising ng lahat. nanood pa nga kami ng jackass e. aun. tawanan uli. pero nasa wastong pagiisip na ako noon. ako nga pala ang unang umuwi. nakasalubong ko nga si yobi at carlos e. maghihiking nga sana kami. e aun. hindi na ako sumama.

basta ewan ko. TIPSY nga ba ako o LASING. basta alam ko. masaya ang nangyari kagabi.

Friday, October 20, 2006

...basta

mga bago kong sites

kung gusto niyong makita ang aking mga nalitratuhan eto po ang inyong puntahan:

www.litrato-ng-bayan.blogspot.com

at kung gusto niyo pong makita ang aking mga obra maestra, yun bang mga ginawa ko sa adobe at iyong mga inedit ko na rin, pumunta lamang po kayo sa URL na nasa baba nito:

www.obramaestra-ng-bayan.blogspot.com

salamat po

Sunday, October 15, 2006

KACONYOHAN

KACONYOHAN.. dedicated to cofibean

pare, cofibean is so inspirational talaga. imagine, i'm talking na like how he is talking din. well, it's not talaga kapareho like cofibean's way. but, for the sake of today's entry, i'm trying kaya my best to talk like cofibean.

it's been a hectic saturday kaya kahapon. i was like, man! what happened na to my face-to-die-for face. i got wounds all over my face kaya because of that stupid hair remover. i'm not gonna use na uli. it's like a traitor kaya. the package says kaya na magiging smooth daw ang mukha ko if un ang ginamit kong pangshave. it was a traitor pala. it was like paanghel pa sa tv advertisement. and they hire pa a hot model. but then, i realized na i was the one na nagkamali kaya. man, i read the instructions all over again, like an orc reading english na hindi nila maintindihan kaya inuulit-ulit. and then, it was not recommended pala to use it in the face. bullshit. so i suffered kaya for 2 days because mahapdi ang mukha ko. it was like my face was injected with botox. as in, and it was so hapdi pare. just for the sake of that stupid CAT na walang ginawa kundi make us suffer and giving us an uberly tan skin. i'm like uling na kaya. uling is charcoal no, don't be like bobo orc or something kaya. kaya my skin is like those black-residue-from-eating-barbecue-sa-mga-orcspots sa mga cheeks ng mga orcs na nakakalat sa kalye like those diapers na nginatngat ng aso sa kalye kaya. that's so ikee no.

so i promised myself na i would complain about that teacher as soon as possible kaya. as in ngayun na pare. he's getting into my veins na talaga pare.

stay away from those orcs dude-pare-man. so that we don't make layo to you if ever mahingahan ka nila. ok pare.

---------------

again, this entry is dedicated to cofibean kaya and not to the orcs that keep on imitating cofibean like me kaya. i mean you need kaya the permission from cofibean kaya or generoso before you talk like this pare. so, i'm illegal kaya. kaya i'm going to make paalam to them na kaya right after ko tawagan the directress of our school. so pare don't be ambisyoso....

Tuesday, October 10, 2006

STRING and PAINTS

STRINGS and PAINTS

saktong alas sais diseotcho na sa aming relo. kakauwi ko pa lamang mula sa isang bookstore. bumili kasi ako ng string ng gitara. sintunado na ho kasi ang string nos. 6, 5, 4. kaya ayon, bumili na lang ako ng bago. kalawang na kasi ito at hindi na kulay silber. baka matetano pa ako kung sakasakali ko itong gagamitin. alam nyo naman ang aksidente. minsan ay hindi nagpapahiwatig kung darating na siya.

kanina nga pala ay nagelimination na sa art contest. as usual, wala akong gamit na dala. kaya nanghingi na lamang ako ng oslo paper sa aking mga kaklase. isa nga lamang ang aking nahingi. kaya todo ingat. at nakidawdawdawdaw na lamang ako ng pintura. bakit ba kasi hindi pwedeng gumamit ng oil pastel e. sa bagay, nagagawan naman iyon ng paraan. kaya ayon. nagisip muna ako kung ano ang angkop na maipaint para sa temang "SAGIP DAGAT, SAGIP BUHAY". at may naisip naman ako. agad agad ko itong inesketch sa scratch at ng ako ay kuntento na ay inilipat ko na ito sa oslo paper. maayos naman ang aking pagkakadrawing. isang patak ng tubig na may isda sa loob at may nakayakap ditong isang tao na niyayakap din ng isa pang tao. nakukuha niyo ba. basta pag ibinalik na sa akin ang aking gawa ay iiiscan ko na ito at iuupload para mkita ninyo. marami naman ang natuwa at namangha sa aking gawa. at ako na naman ay nanatiling tahimik na walang kayabangyabang. kaya dito ko na lamang iyayabang. hehe. marami ang pumuri. para raw akong ibang version ni paeng na galing sa arts center na lumipat sa iskul namin. laking pasasalamat ko na lamang sa DIYOS at binigyan niya ako ng ganitong talento. mahirap man para sa akin ang magyabang(ows?) pero kailangan. kailangan kong ipagmalaki ang regalong ipinagkaloob sa akin ng PUONG MAY KAPAL.

salamat ho sa INYO!

Sunday, October 08, 2006

KUTING

KUTING

isang bagong panganak na kuting ang aking namataan sa tapat ng aming bahay. tila ulila na. walang inahing pusa ang aking namataan sa nasabing lugar. ni anino ng ama ay wala rin. tinangka ko itong kuhanin, pero huli na ang lahat. ito ay nalaglag na sa may estero at nagsimulang umungol-ungol. dahil nga sa hindi sanay sa tubig. at nakipagsabayan pa rito ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin ay hindi ito tumigil sa pagiyak. kaawaawa talaga ang sinapit ng kuting. hindi ko na ito nagawang iligtas dahil pinagbawalan ako ng aking inay na huwag kunin. maaawi raw may rabis ito at may allergy raw ako rito. marahil sa susunod na makaengkwentro ako nito ay agad kong kukunin ito at aampunin bago mahuli ang lahat.

Saturday, October 07, 2006

BUTIKI

BUTIKI

may ikukuwento lang ako sa naging kaganapan kagabi sa aming kusina.

habang naglilinis ang inay ko ng aming ref dahil magulo at iwaiwarang ang pagkakasalansan ng mga bote ng coke sa freezer. ay may napansin siyang nagalaw sa may likod ng mga bote. tila isang buntot. buntot na nagalaw galaw. sa lingid ng pagkakaalam niya ay galing sa butiki ang gumagalaw. abay, pagkaalis ng mga bote ay butiki nga. tila nakipagsabayan ang butiki sa pagpasok ng freezer habang nililinis ito ng aking inay. kaya agad akong tinawag ng aking inay at pinatanggal ang kawawang butiki. tila nanginginig pa at natrauma ata ng inilapag ko sa may lababo. para makatiyak kung buhay nga ang mumunting nilalang ay ginalaw ko ito. buhay pa pala. kaya hayun at hinayaan na namin.


kawawang butiki. baka may pneumonia na.

naka out na nga po pala sa aking photoblog ko ang pictures galing sa nakaraang swimming party. heto po ang site: www.litrato-ng-bayan.blogspot.com

Friday, October 06, 2006

SCREAM

SCREAM


eto po ang ikatlo kong digital art. tinatawag ko po itong scream. wala lang talaga akong magawa ng mga oras na ito. tamang tama at kakapanood ko pa lamang ng pelikulang cry_wolf at i'll always know what you did last summer kaya ganyan na lamang ang naisipan kong tema. pasensya na po kung hindi kagandahan.

may photoblog na rin pala ako. eto ang url: www.litrato-ng-bayan.blogspot.com . sana ay magustuhan niyo iyan. ang pinaka una ko nga palang pinost na mga post ay tungkol sa dati kong post na DELUBYO MILENYO.

Thursday, October 05, 2006

fhm fever

FHM FEVER

(correct me kung may mali ako sa grammar o may typo. di kasi ako magaling dito)

you know what i like about fhm? they keep thrilling us with unique stuffs they'll do in every issue of their mag every month. and this month they got three covers to collect: katrina halili, assunta de rossi, and francine prietto. due to my overwhelmNESS of the said mag, i bought the three issues in one go.

375 pesos was lost. but 6969% of pleasure was gained.

Wednesday, October 04, 2006

marahil ay alam na ninyo na dinagsa kami ng delubyo dito sa may laguna. at siguro alam niyo rin na nagkaroon na ng kuryente sa may amin kahapon. ngunit sa ibang dako pa pala ng laguna ay may mga lugar na hindi pa naiilawan. tila nagtitiis sa init. malaki raw kasi ang pinsala na idinulot ng bagyong milenyo sa mga kable ng meralco kaya ganoon na lamang ang pagtitiis ng mga nasasakupan.

kanina lamang ay pumasok na ako sa aming paaralan para kumuha ng eksamin. tungkol sa ekonomiya at literatura ang aming pagsusulit. tanghali na nga akong nakapasok dahil noong umaga lang ako nakapagaral ng ekonomiya dahil na rin hindi ko ito natapos noong madaling araw. sumakay ako sa may robinson's town mall. kasabay ko sa aking pagsakay ang isang mamang tila bago pa lamang sa aming bayan. mukha ngang dinilaan ng kalabaw ang kanyang buhok dahil napasobra ang gel. para bang wala ng bukas ang paglagay niya ng gel. at huwag ka! sa gitna pa ang hati nito. kaya ayun. nagtataka ako kung saan kaya bababa ang mamang ito. nakapolo at nakapantalon. tila may lakad nga ang nasabing lalake. nang kami ay nasa bandang grove na ay siya ay nagbayad na. ang sabi pa nga ay, "ma! heto na po ang aking bayad. paki hatid na lamang ho ako sa may ART CENTER!". laking gulat ko sa aking pagkarinig. ART CENTER. kung hindi nga ho kayo tiga Los Banos ay nagtataka kayo kung bakit ako nagulat. ang ART CENTER ho kasi ay isang mataas na eskwelahan ng mga magagaling sa pagdodrowing at sa teatro na matatagpuan sa bundok. malas ko na nga lang at hindi ako nakapageksamin doon. malayo ho ito. ilan laang ang nagsasakay papunta dito. at doon iyon sa may sakayan sa jamboree. malayo ho kasi. kaya namang lakarin. kaso bago ka makapunta doon ay inabot ka na ng isang buwan. at paikot-ikot ka lang kung hindi ninyo kabisado ang lugar. iyon ho ang dahilan kung bakit ako nagulat. siguro nga ay hindi tiga dito ang nasabing mama kaya ganoon na lamang ang nangyari.

nauna na ako sa mama. bumaba ako sa may vega. pumunta sa insight at wala akong naabutan. brownout pa rin pala sa kanila. tsk tsk. kaya hayun. nagpasya akong kumain na lamang sa may mcdo. umorder ng aking paboritong combo na large fries and sarsi float at doon na itinuloy ang aking pagaaral. mukha nga akong tigaUP ng mga oras na iyon. xerox at yellow pad ang aking hawak. at tila isang matalinong hunghang na nagaaral sa loob ng mcdo. hindi ko inubos ang aking pagkain. hinayhinay nga ako sa pagsubo. naalala ko kasi ang naikuwento sa atin ni rens tungkol sa pagpapanggap nila bilang isang conyo. nakapolo shirt kasi ako ng penshoppe ng mga oras na iyon at nakaragged na lonta na galing rin sa penshoppe. garanggara talaga ako sa aking suot. kaya umarte ako bilang conyo. sayang nga lamang at hindi ko nadala ang aking cellphone at digicam.

pagkatapos ko sa mcdo ay dapat maggagala pa ako. e biglang dumating ang aking tito na driver. sumakay na ako baka kasi isipin niya na nagbubulakbol ako. kaya ayun, nagpababa ako sa may animal science at naglakad. hindi pa rin pala ako ligtas. maraming nagdadaanang serbis ng mga titser kaya sumakay na ako sa pedicab.

mahangin at maaliwalas ang paligid. kaso hindi mo rin ito mararamdaman dahil na rin sa kalunos lunos na sinapit ng mga bahay at puno dito.

hindi ko na namalayan na nasa village na pala ako. nakita ko ang aking fil-am na kaklase. lunch pa lang pala. nang ako ay pumasok na sa aming paaralan. nagkakagulo ang lahat. gusto kasi ng lahat lumabas. doon daw sila sa tapat na kainan kakainan. ang dahilan pala ay said ang tinda na lunch sa aming kapeteria. wala kasing kuryente. kaya maunti ang kanilang naihanda.

maiinit ang mga ulo ng aking mga kaklase. pero diretso pa rin ako sa aming klassrum at hindi sila pinansin. marami ang nakapansin sa aking pagdating. KIM! KIM! KIM! bigla kong naalala na naghalfday nga pala ako. nagpakainosente na kunwari ay alam ko na hindi pa tapos ang eksam. pero sa totoo lang ay alam ko naman talaga kaya ko tinagalan.

may career orientation pala. galing MAPUA. may napili na nga akong course kung sakasakali. BS Multimedia Arts and Sciences. iyan din dapat ang kukunin ko sa St. Benilde. pero ako ay nagkuli dahil mga mahihina lang daw ang ulo ang mga pumapasok. bagsakan daw kasi iyon ng mga bagsak sa la salle(hindi naman sa pangiinsulto, iyon lamang ang akin narinig).

masaya. medyo may kataasan nga lang. pero UP o UST parin ako.

pero sa likod ng aming pagsasaya sa career orientation ay nababalutan naman kami ng init at pawis sa buong katawan. tila wala ng hangin ang pumapaspas sa amin. kaya kanyakanya ng paypay.

maaga kaming pinaawas dahil dito. pero matagal naman akong naghintay sa aking serbis kaya wala pa rin.

iyan po ang mga nangyari sa akin sa buong araw. walang kwenta!

Tuesday, October 03, 2006

kagimbal-gimbal

DELUBYO MILENYO...

marahil tayo ay nagsasaya sa ating mga tahanan, o kung hindi man ay sa labas. dahil na rin sa pagkakaroon ng kuryente. alam kong ilang gabi nating tiniis ang init sa ating mga higaan. at ilang araw ang sinakripisyo natin sa pagkokyompyuter. at ganoon nalang ang ating pagtalon at pagsigaw ng humaplos sa ating mga mukha ang init na nanggagaling sa mga ilaw sa ating bahay. siguro nga ay nakalimutan na natin ang mga itsura nito kaya't sabik na sabik tayo ng nakita ulit natin ito.

pero sa isang pagkakataon ng tayo ay nagsasaya ay sumaliw ba sa ating mga kokote ang mga nasalanta ng bagyo. ang mga nasawi at naulila. ang mga natabunan ng lupa. at ang mga nakuryente sa baha.

itong nagdaang bagyong milenyo. marami ang namatay. karamihan na sa los banos, laguna. marami ang naapektuhan talaga sa nasabing bagyo. nasabi ko na marami talaga kasi ako mismo ang nakaranas nito. salamat na nga lang sa DIYOS at ako ay ligtas. hindi man karumal-dumal ang aming sinapit ay ang iba naman ang nakakagimbal. katulad na lamang ng aming kapitbahay na nalagasan ng bubong. maraming bahay ang naapektuhan dahil dito. nasira ang kanilang mga garahe dahil sa paghampas ng kanilang(kapitbahay) yero. siguro ay awa nalang ang nanaig sa mga naapektuhan kaya't hindi na nila ito pinagbayad.

at ang isa pa ay ang aming natatanging hanging bridge sa may up. ito po ay nagkolaps at bumigay. mabuti na nga lang ho at walang natulay ng mga panahong iyon kaya't walang nasaktan.

at ang mga nagtumbahang puno sa may up. hindi na siguro niyo makikita ang magandang luntiang tanawin sa aming nayon dahil sa mga bumagsak at naputol na puno. ganoon na lang ang aming panghihinayang.

nitong linggo ko lang nalaman ang mga nangyari sa may amin. hindi talaga ako lumalabas ng bahay. kahit ako ay takot na bumagyo ulit ng malakas at abutan ako sa labas. naglakad-lakad ako ng hapong iyon. anrami pala talagang nasalanta ng bagyo. nagtumbahang puno. nagliparang yero. at nagbagsakang poste. umuwi ako kaagad para kunin ang aking camera at agad bumalik sa up. kaso huli na ang lahat. madilim na masyado at di na kayang pailawan ng flash. kaya't agad akong umuwi. nahiga at umidlip. at nagising din naman. tinext ko ang aking kabarkada. ang sabi ko ay, "oi! lande! san kayo?". sabi naman niya ay, "dito sa square. ikaw?". ako, "bahay lang. punta ako jan, kakabagot sa bahay. hintayin niyo ako". siya, "o cge". kaya't dali-dali akong umalis dahil alas siyete na noon. nagpaalam na sandali lang. dumating akong maingay sila. pito pala sila. nagsigarilyo ng dalawang istik at nakipagkuwentuhan. masaya. ganito pala ang pakiramdam pag kasama sila. hindi naman kasi ako pala sama sa kanila. kaya ayon, nagpasya na sila na pumunta sa isa pa naming kabarkada. nandoon na kami ng biglang hindi pala pwede magovernight. bawal pala magovernight sa kanila dahil may bata. kaya nagpasya kaming umuwi na. naghintay ng napakatagal dahil walang tricycle na nadaan. at naupo nalang kami sa may big mak. may nakitang tricycle at tinawag. alas diyes na kami nakauwi.

hindi naman ako pinagalitan. pinagsabihan lang. diretso tulog nga ako e.

tapos lunes ng hapon lumabas ulit ako. inagahan ko na ang paglabas para mapiktsuran ng maayos ang mga nasalanta. walo ata ang nakuha ko. by this week ay baka ipost ko iyon dito.

ipagdasal na lang ho natin ang mga namatay sa aming nayon. at sana ay manatili silang tahimik kung nasaan man sila ngayon.

Tuesday, September 26, 2006

nasisilaw sa liwanag. sakit ng ulo sa pagbangon. mahirap talagang gumising ng maaga para lang gumawa ng report at magaral. pero wala tayong magagawa. kailangan kasi. medyo patapon ang grado ko ng unang markahan. di kasi ako masyado nagaaral noon. pero ngayon sana ay makabawi na ako. sana. at sana makasali ako sa top10. simula kasi noong tumuntong na ako ng hayskul ay di ko na ulit iyon naranasan. tanda ko kasi noong elementarya palang ako ay lagi akong nasa top10 kung hindi man ay top15. at 36 ata kami sa klase noong mga panahong iyon. naaalala ko pa nga na noong grade2 ako ay naging top2 . di ho ako nagbibiro. siryoso ho.

pero naisipisip ko rin naman. hindi naman importante ang pagkasali sa top10. hindi naman patalinuhan iyon diba. isa lang itong basehan ng perpormans mo sa iskul. ito ang nagiging inspirasyon ko ngayon. ito ang nagbibigay sigla sa aking pagaaral. bakit? dahil ninanais ko nga rin, katulad ng iba, na makarating dito. at walang makakahadlang sa akin sa pagabot ng aking natatanging pangarap.

kung hindi man nga ako makatuntung sa ganoong estado ay gagawin ko naman ang lahat para lamang tumaas kahit papaano ang grado ko at makapasok sa isang primyadong unibersidad sa pilipinas. uste man o up. pero sana talaga sa up ako.

Monday, September 25, 2006

ayan na ayan na AYAN NA... WAAAAAAAAAH!!!

ayan na po. ayan na ang inyong pinakahihintay na lay-out. at oo, makikita niyo na ako. hindi man sa personal ay makikita niyo naman ako sa site ko. nyahaha.

Sunday, September 24, 2006

ayan na

malapit na po! ilang minuto na lang ay matutunghayan na ninyo ang pagbabago. pagbabagong magpapabago ng inyong pananaw ukol kay boy bawang. isang blog na punung puno ng katotohanan at walang kathang isip. malapit na. abangan. 5...4...3...2...1!

Saturday, September 23, 2006

nakakagimbal ng mundo

shiyet. nakakagulat ho ang mga kaganapan kahapon sa aming paaralan. tanghalian po kasi noon. ako ay komportableng bumili ng ulam na cordon blue sa kapeterya sa baba. para naman talagang ordinaryong tanghalian. at wala akong naiisip na mangyayaring masama. at tumaas na nga ako. pumasok sa aming silid aralan at umupo sa aking silya. at kumain. ayos naman. maingay katulad ng dati. nagkalat ang mga estudiyante sa may koridor. nagkukuwentuhan. pero isang pangyayari ang nagpatahimik sa iba sa amin. kahit ako rin ay nabilaukan sa mabilis na pangyayari. si popoy(TJ) po kasi at si janno(TJ) ay nagkahamunan. tinangka nila(ibang TJs) na awatin ang dalawa. pinapasok sa silid si popoy. pero patuloy parin ang sigawan at bangayan. lalong naginit si popoy at lumabas at doon nangyari ang mas malakas na sigawan. nagsigawan. nagtanungan kung ano ang problema ng isa'tisa. umawat si bechay(totot ni janno). hindi pinakinggan ng dalawa. napuno si bechay kasi walang pumapansin sa kanila. kaya ayun sumigaw. tinulak niya si janno na kanyang totot. at ayun nagsigawan na. lumaki ng lumaki ang away hanggang pati ang ibang tao ay nasama na.

ewan ko. pakiramdam ko ay napakababaw ng dahilan ni popoy sa nangyari. siya kasi ang naghamon ng away o kung anu man ang tawag doon. basta ayun. wala naman talagang ginagawang masama ang magsiyota sa kanya. dahil lang daw kay rossanna na kanyang sinisinta. ewan ko ba. basta di ko na ikukuwento ang history ng nangyari kay rossanna kasi sobrang mababaw. kahit kayo ay mapapatanga nalang.

mas may karapatan talagang magalit si bechay.
iyon lang. commento ko lang po ito.

*iniba ko po ang mga pangalan nila para hindi po halata masyado.

*naku po pala. sa journalism club kasi ako at baka ifeature ang mga bloggers sa skul. at ako daw ang ifefeature sa fourth year. paanu iyan pag nabasa ng mga kapwa ko kaiskwela. naku po. malaking problema.

*ako po ay isang lalaking walang isang salita. hanggang ngayon ay di ko parin nasisimulan ang aking layout. pasensya na kung may naghihintay man.

Thursday, September 21, 2006

HAGGARD!

waw! haggard! kakapagod iyon. rami nangyari. pero kahit papaano ay masaya. unang una sa lahat ay naiwanan, i mean iniwanan kami ng shuttle service. napuno na siguro sa amin. lagi nalang kasi kaming nahuhuli. sori naman kasi mainit at maanghang iyong pansit kanton. pero masaya.

nagkita nga kami ng ex ko. wala. di masyadong nagpansinan. wala naman kaming paguusapan pati.

iyon lang.

lang kwenta no...

pasensiya na po. busy po sa pakikinig sa PUPIL at SPONGE COLA pati iyong ROCKOUSTIC SOUNDTRACK. shiyeeet! ganda!

ito ang pinaka walang kwenta kong post.

Wednesday, September 20, 2006

HINDI KO KAYA!

hindi. hindi ko na talaga kaya. hindi ko na kayang tagalan ang pagiging lalakeng hindi man lang nakakalasap ng computer sa ilang araw. kailan ba talaga? kailan ko ba talagang tutuparin ang pangako kong tatapusin ang aking bagong layout. kailan? ilang araw na akong nakatulala sa hangin. wari'y nababaliw at pinapasukan na ng hangin sa ulo. hindi kumakain. na para bang may itlog ng ipis ang bawat subo ko sa aking bibig. pero. kailan ba talaga matatapos ang aking paghihirap?.. oo. nasagot ko na rin ang sagot sa tanong ko. NGAYON ko siya tatapusin. oo, ngayon nga. kanina ko pa nga sinisimulan.
_________________________________

mahirap nga talagang mapahiwalay sa tinitibok ng iyong pusong sawi. mahirap talaga lalo na kung wala ngang rumerenta sa iyong puso. mura naman ang renta. madali naman akong mahalin at bilogbilogin. ngunit bakit hanggang ngayon ay wala parin. wala parin.

may pagasa pa kaya akong magkaroon ng SISINTAHIN? oo. lahat gagawin ko magkaroon lang ako ng pangga. maasikaso naman ako. lolodan ko pa kayo kung kinakailangan. rumenta lang kayo kahit wala ng one month advance. basta tumira lang kayo dito.... DITO SA PUSO KO!
_________________________________

opo. ganyan nga ho ang tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito. bakit nga lagi nalang akong natuturn off sa babae. pag may nalaman akong di kanais nais sa babae ay agad ko siyang nilalayuan. ewan ko ba. kaya siguro di kami nagtagal ng isa kong gelpren. haaay.
_________________________________

pick-up lines na hindi dapat lumabas sa bibig niyo:

*hindi ka ba napapagod? (bakit naman?) kanina ka pa kasi tumatakbo sa aking isipan...
*maliit ka pala? (ha? sa tingin mo ba kailangan ko na magGROWEE? TATANGKAD DIN AKO WITH GROWEE?) e kasi nagkasya ka sa puso ko...
*hindi ka ba nahihilo? (bakit?) sa araw araw ba naman kitang bitbit sa palad ko...

iyan lang ho ang ilan sa mga pangungusap na magdudulot ng isang madugong hiwalayan sa inyong magsiyota... tried and tested!

Monday, September 18, 2006

...

i'm working on my new template.

right now, i must say. it's not progressing.

i can't seem to like the themes inside my head.

and ADOBE seems really hard to work with.

haaay! let's just hope for the best.


mawawala muna ako for ilang days. busy ako ngayon. pagtutuunan ko ng pansin ang paggawa ng bagong skin. sa weekend ko pa xa sisimulan. as of now, magbbrainstorming muna ako.

Friday, September 15, 2006

phantom of the opera

waw. katatapos nga lang pala namin manood ng dalawang pelikula: final destination 3 at phantom of the opera. shit! ober sa ganda. iyong final destination 3 ay ilang beses ko na napanood, pero gulat na gulat pa rin ako sa mga scenes. astig talaga. mahusay ang pagkakagawa. pati rin sa phantom of the opera. astig iyong love story niya. pero sa huli ay iyong dalawa pa rin ang minahal ni christine, si phantom at si raoul.

bale tinatamad ako magtype ngayon gawa kagigising ko lang.

next tym na ako magkukuwento. di pa nga ata ako gising e.

pagkakaabalahan ko muna ngayon ang paghahanap ng kable ng printer na kokonekta sa cpu para makapag scan ako. hindi po ako tanga, may scanner po talaga ang printer namin. may xerox pa nga e. cge!

Thursday, September 14, 2006

i am back

medyo matagal tagal na rin ng huli kong nahawakan at nahaplos ang aking pinakamamahal na computer. di ko pala talaga kayang mabuhay ng walang computer. kahit papiliin ako. libreng kain o libreng internet. e di sa internet na ako. libre pa. hehe.

...


buhay ko? eto bati na kami ng nakagalit kong kaklase dahil sa pansit kanton na punyetang iyan. medyo mahirap nga hong isipin na nagalit siya dahil lamang sa pansit kanton na kinakain niya. ang dahilan pala ng kanyang pagkagalit ay dahil sa pagkain niya pala inilalabas lahat ng galit nya noong buong araw tapos itinapon ko pa sa palda niya. tatanga tanga kasi ako e. pero ok nanaman.

...


medyo mahirap magkuwento ngayon dahil nga sa rami ng mga nangyari ay hindi ko na alam kung alin ang aking uunahin o kung ikukuwento ko pa ba ang mga nangyari.

o sige na nga. ikukuwento ko na ang nangyari kanina.

bale, music time namin iyon. nagpasa ako ng aking assignment. picture interpretation. tungkol sa masterpiece ni CHOPIN (cho-fan). ang ginawa ko ay isang demonyo at si san miguel (ang anghel). ang dinrowing ko ay parang abstract lang. hindi masyadong detalyado ang mga litrato. pero habang sa kalaunan ng iyong pagtitig ay malalaman mo rin kung anu ang ibig kong iparating sa aking guro. last minute ko na siya ginawa kaya ayun gusut-gusot ang ipinasa kong papel. at pagkatapos noon ay kumanta ang isa kong kaklase. kasama ho iyon sa S.O.P. every music time. at si bec ang kumanta. bale ako ay naka-assign kumanta ngayon. siyempre ho todo pakipot pa ako. pero sa kalaunan ay tumayo na rin ako at medyo nagpatawa muna sa harapan. dapat ay dalawa kaming kakanta. pero dahil sa may nagsigaw na, "May solo piece po iyang si Baylon!". ay nagsolo na nga ako. at iyon naman ang aking ibig. kaya ayun. nagpatawa. at nagdala ako ng props: ang aking mp3 player at ang lyrics ng aking kakantahin. umupo. nagsimula na ang kanta. kinakabahan. pinagpapawisan. nanginginig ang buong kalamnan. ayan. kumanta na nga ako. para ngang gumagawa ako ng MTV. kaya habang ako ay kumakanta ay hiyawan lahat sila. kilala po kasi ako sa room namin bilang tahimik na lalake na iimik lang pag kinausap. pero sa totoo lang, hindi ako ganoon. kailangan lang talagang tumahimik dahil wala pa naman akong ipagmamalaki na grade o kung anu pa man. kaya ayon. naglakad lakad sa unahan habang nakanta. palakas ng palakas ang hiyawan hanggang sa pumasok si sir gil, ang aming adviser. imbis na sitahin ay nakihiyaw at nakitawa sa akin si sir. tuwang-tuwa ako sa mga oras na iyon. ayan patapos na. gusto ko pa sanang sundan pa ng isa pang nakakasilakbong kanta pero patapos na rin ang oras. kaya ayon. panay puring sarkastiko ang aking natanggap. puro tawanan. masaya pala ang makapagpaligaya ng iba. ang tawag nga sa akin ni sir gil ngayon ay konsert king. ewan ko ba. e nagpapatawa lang naman talaga ako kanina. kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon ay todo pasikat na uli ako at pagpapatawa.

...


pasensya na po kung di ho masyadong maganda ang aking post (kailan ba naging maganda?) hehe. hayaan niyo po sa susunod ay pipili pa ako ng topic na mas kaiibigan ninyong mga mambabasa. salamat po!

Tuesday, September 12, 2006

bye muna

pasensiya na po at di ako nakapagpaalam. baka po kasi mawala ako ng ilang araw. alam ko pong wala kayong pakialam. sinasabi ko lang po. para malaman niyo na hindi ko pa po inaabandona ang aking site. mahal na mahal ko po ito. kung pede nga lang itabi to sa kama ay nagawa ko na.

sana po sa mga tumatangkilik sa site ko ay huwag po sana mawala iyong pagtangkilik nyo sa aking site.

hayaan niyo babawi ako sa pamamagitan ng pagbabago ng aking lay na ako lang ang gumawa. hehehe. sana maganda ang magiging kakalabasan.

ang dahilan nga po pala ng aking paglayo muna ay dahil sa aking kaibigan na sumama ang loob sa akin. icoconcentrate ko muna ang atensiyon ko sa kanya. lintik na pansit kanton kasing iyan. nagalit tuloy.

salamat po.

Sunday, September 10, 2006

aswang at multo

ang isang tanong na patuloy na tumatakbo sa ating mga utak. may multo o aswang nga ba o wala?

una nga pala sa lahat. ano ba ang pinagkaiba ng multo sa aswang? ayon sa aking pagkakaalam ang mga multo ay iyong mga kaluluwa ng mga namatay na gumagala dahil sa ilang rason: kailangan nila ng katarungan, nais nilang magpaalam ng maayos sa kanyang naulila o iyong mga hindi matanggap na namatay na sila.

ang mga aswang naman ay iyong mga lamang-lupa. iyong mga salot sa lipunan. katulad ng tikbalang, manananggal, at mga duwende.

siguro ho ay noong bata pa tayo ay takot na takot tayo dito. marahil pag nag-iisa tayo ay lagi tayong nagmamasid sa ating mga kapaligiran, para kasing laging may nakatingin sa atin. hindi ba?

ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa aswang.

ang mga buntis. kadalasan ho ay inaaswang nga ho ang mga buntis. ito po ang ideyang pumasok sa isip ko dahil na rin sa usapan dito sa aming kusina. nakikinig ho kasi ako sa kanilang usapan. e aun. nakakagimbal nga ho ang kuwento. kinilabutan nga rin po ako.

kaya eto na po. aking ikukuwento na po ang buong nangyari.

mga tauhan:
sheila rodriguez (ang buntis)
ming rodriguez (ang ina)
ting rodriguez (ang ama)
bing rodriguez (ang kapatid)
jc unknown (ang inaanak ni ming at ting)


setting:
sa may raymundo gate kung saan sila nakatira.

isang masasabi nating ordinaryong gabi sa pamilya rodriguez. dumating si bing na lasing. may mga takot at galit sa kaniyang mga mata. sumisigaw...

bing: lintik ka, subukan o lang lumapit. @$#$#^&*(^@!
ming: anak, anu ba iyon?
bing: may usok! may usok doon!
ming: walaun, may nagsisiga lang siguro
bing: hindi! iba ang pakiramdam ko
ming: pumasok ka na nga at pati ako ay kinakabahan sa iyon

pumasok na nga si bing. samantala, nagising naman ang buntis na si sheila dahil sa ingay ng biglang...

sheila: nay! nay! may nakasilip! may nakasilip!

biglang balikwas sa kinahihigaan si sheila na naturingang buntis. at tumakbo sa kaniyang ina.

sheila: nay! may sumisilip sa akin doon. parang anino. maliit lang
ming: ....

kinabukasan. maaliwalas na ang lahat. habang nagkukuwentuhan si jc at si ming...

jc: ninang. may naramdaman po ba kayong kakaiba kagabi?
ming:
wala naman (pero sa totoo meron, hindi niya lang masabi)
jc: kasi po may naramdaman po ako kagabi. may isang entity nga pong bumangga sa akin at tuloy-tuloy sa paglalakd. tumaas po talaga ang balahibo ko.
ming: wag mo nga akong takutin jc
jc:
siryoso po. tapos nga po sa may bakuran niyo po kung saan nandodoon ang bintana na malapit sa hinihigaan ni ate sheila, may narinig po kaming kaluskos na parang naglalakad.
ming: naku! sinasabi na nga ba. tama ang hinala ko.

diyan po nagtatapos ang kuwento nila.

medyo mahirap nga namang paniwalaan. mismong ako ay hindi pa nakaranas makakita ng isa. maliban nalang pala ng isang pagkakataon. nakaencounter ako ng doppelganger. pero huwag na nating ibaliksa aking pagiisip iyon.

hindi ko pa naman napapatunayan na totoo ang mga ito. pero lubos akong naniniwala sa mga uri ng mga nilalang na gumugulo sa ating mga buhay at isipan.

sana nga po ay mawala na ang mga ito at tuluyang lumaho sa ating mundo.

katulad na lang po ng pluto na hindi na po kabilang sa siyam na planeta. (may konek?)

Saturday, September 09, 2006

bunso

bunso. ang bunso ho ay ang pinakabata sa pamilya. sila iyong kalimitang pinipisil-pisil. hinahalik-halikan. at laging lamang sa lahat ng bagay - noong bata pa pa noon. pero ano nga ba ang magiging silbi ng mga bunso pagkalaki nila?

oo. ako nga ay bunso rin sa pamilya. marahil ang iba sa inyo ay ganoon din. pero minsan ba ay napaisip kayo kung ano lang ang nagiging silbi nating mga bunso sa pamilya? lalo na kung lalake ka? at hindi marunong tumanggi?

labing-anim na taon na akong naghihirap at nagdudusa sa pagiging bunso. hindi ko naman kasalanan iyon. bakit ba kasi hindi pa sila gumawa ng panibago (ang ibig ko hong sabihin ay kung bakit ba hindi pa sila nagtalik uli para may panibagong bunso). alam kong dapat ay panggitna ako sa aming magkakapatid. pero minsan masaklap talaga ang buhay. ang beybing dapat magiging bagong bunso ay nalaglag. talagang ganyan, sinabi ko na lang sa sarili ko. ganyan pala talaga ang buhay.

balik po tayo sa usapan natin. ang pagiging bunso. hindi ba't masarap na mahirap? nagpapasalamat na lamang ako at ako ay naging mabait at naging paborito ng aking ama. pero ang ugaling hindi-marunong-tumanggi ay masaklap. sa tuwing inuutusan ako hindi ako marunong tumanggi. sa tuwing pinapagawa ako ng project ng ate ko hindi ako makatanggi. sa tuwing pinapagdrawing ako ng ate ko hindi ako makatanggi. at sa tuwing makikigamit ng internet ang ate ko hindi ako makatanggi.

pinalaki kasi akong isang tao na sobrang bait. walang katarantaduhan sa katawan (noong bata pa pala iyon). tahimik. mahiyain. lahat na ng magandang asal. kaya siguro ako naging ganito. nasanay na sa ganoong ugali kaya pati sa eskuwelahan ay biktima rin ng mga babae.

napakahirap ho talagang maging bunso. ayon nga sa kuwento ni heneroso ay lagi nga siyang pinapabili ng napkin. ako rin ay ganoon. isang malaking kahihiyan po iyon sa aking pagkalalake. at ang masaklap pa nan ay sa isang malaking mall pa ako pinapabili. kaya mas maraming tao. malapit lang kasi samin ang robinson's. kaya iyon. hindi naman talaga siya nakakahiya the fact na bibili ka lang naman. pero iyong sabihing, siya? bumibili ng napkin? hindi ba't lalaki iyon? ay nakakahiya ho talaga.

maliban sa masaklap kong pagiging bunso ay lumaki pa ako sa mga larong hindi ko talaga gusto. at tinitiis nalang para lang masabi ko na naglalaro ako. ang mga pinsan ko kasi ay halos babae lahat. kung may lalake man ay napakalayo ng agwat. lumaki ako na bahay-bahayan ang laro. ako ang tatay at si zara (pinsan ko) ang nanay. medyo napapaiyak ko siya kung minsan. hindi ko na alam ang mga dahilan noong mga panahong iyon. pero madalas ko siyang mapaiyak. kasing edad ko nga rin pala siya. at siya lang ang kasing edad ko sa buong angkan namin.

marahil ganito na talaga ako. at nagpapasalamat at naimbento ang mga kaklase at ang barkada. sa ganoong paraan nagkaroon ako ng mga taong makakausap at makakagala.

kaya sa mga kabarkada ko at mga kaibigan na nagsilbing kaagapay ko sa mga kalokohan, tawanan, kwentuhan at sa lab life. KUDOS! mabuhay ang mga tjs!

...


para kay jonell. ayan inadbertise ko na ang iyong site sa aking site. paxenxa na kung di ko madalaw ang site mo. expired na kasi ang aking BLIS card e kaya mabagal na uli ang internet namin.

...


at para kay heneroso. salamat sa ideya!

Friday, September 08, 2006

sayang na oras

cat nanaman ho namin mamaya. hindi ba't parang tuwing cat ay parang may kakaiba tayong nararamdaman. para bang kinakabahan ka na nasisiyahan. sa kaso ko kasi, ganoon nga. ewan ko lang sa inyo. pero sa totoo lang dagdag hirap lang iyang cat na yan e. hindi rin naman natin iyon maaapply sa ating mga buhay. hindi naman ako hahawak ng rifle gun para magtrabaho. hindi naman necessary sa akin na laging puti ang panyo. hindi naman belt and buckle ang ginagamit ko pag naggagala ako. at mas lalo ng hindi ako nagtatack-in.

kung tutuusin. nasasayang lang ang ating panahon dahil sa pagattend-attend sa cat na iyan. dagdag bayarin. sana dinagdagan nalang nila ang oras sa pe. hindi, biro lang. pero sana nga inilaan nalang nila sa ibang subject teachers ang oras na iyon para sa kanilang mga subject.

isa pa nga pala sa mga walang kwentang subject ay ang the na iyan. ewan ko ba. nararamdaman ko na hindi ko siya kailangan. madali namang matutunan iyong mga gawaing bahay at pati ang pagtatanim. pero iyong tuturuan nila tayo magcrosstitch, magburda, at mangganchilyo. e hindi ko naman iyon magagamit sa aking pagtanda. hindi naman ako aabot sa point na. sa sobrang tanda ko e nasa rocking chair ako at gumagawa ng kung anu-ano about arts&crafts na mga iyan. mga cat ladies lang gumagawa nun.

ang mga cat ladies nga po pala e iyong mga matatandang dalaga, iyong mga biyuda na at hindi na napagasawa, o iyong mga sinawing mga transexual na tumanda na at nabulok na ang mga silikon sa kanilang mga dibdib at naagnas na ang collagen sa kanilang mga labi. sila iyong may mga pusa sa buo nilang bahay. may mga bola pa nga ng mga yarn na pinaglalaruan ng mga pusa.

..

ang rami talagang panahon na ating nasasayang. alam ko, hindi lang naman sila ang may pananagutan dito. tayo rin ay may pagkukulang. sana ay pagyamanin natin ang ating oras sa pamamagitan ng paggamit dito ng maayos at wisely. tayo rin naman kasi ang magsisisi sa huli pag hindi natin naisagawa ang lahat ng gusto nating mga bagay dahil nga sa pagsayang sa ating oras para lang sa mga dota(naku-guilty), o2jam(naku eto rin)...etc. basta. huwag niyo nalang sayangin ang oras ninyo. gamitin ito ng tama.

Thursday, September 07, 2006

kami nAPO muna

heto na! heto na! heto na! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

iyan po ay parte lang po ng kantang doo bidoo. sa kinahaba-haba ng panahong sila ay nabuhay ay ngayon ko lang nagustuhan ang kanilang mga kanta. at ang iba pa nga ay dati ko pang alam ang kanta pero ang hindi ko alam ay ang APO pala ang kumanta nito. katulad ng "panalangin" na ni revive ng moonstar88. talaga namang mas gumanda pa ang tunog at tiyempo ng kanta.

ang hindi ko lang ho nagustuhan ay iyong ni revive ni top suzara (na dating co-vocalist ni jinky vidal sa freestyle) na "anna". parang yung buong himig ng kanta ang kanyang binago. hindi ko tuloy ito masabayan. nagkakamali tuloy ang aking pagkanta.

at ang pinakagusto ko ay ang "nakapagtataka" ng spongecola. kung hindi niyo pa po alam, ang spongecola po ay ang fastest-rising-rock-band sa ating henerasyon. inaamin ko ng una, bwiset na bwiset ho ako sa mga opm bands dahil akala ko ay panget pa rin ang mga kanta nila katulad ng mga kanta ng slapshock. asar talaga ako sa bandang iyon. matagal na nga sila, actually. ngayon lang sila MEDYO sumikat. pero eto ngang spongecola na ito ang nagbigay ng hudyat sa akin para tangkilikin ang musikang pilipino.

ang iba pa sa mga naiibigan kong banda sa mga panahong ito ay ang mga sumusunod: pupil, rivermaya(tagal na nila), bamboo(vocalist dati si bamboo ng rivermaya, right?), stonefree, sugarfree(tiga los baños po sila), dicta license, imago, kamikazee at ang dati ko na palang paborito ang parokya ni edgar.

alam niyo ba kung bakit parokya ni edgar ang pangalan ng banda ng parokya ni edgar? eto po ang dahilan. kung aakalain ninyo, edgar ang pangalan ng bokalista ng parokya ni edgar. nagkakamali po kayo. kahit ako ay iyon ang akala ko noong una. pero si edgar pala ay ang kanilang propesor ng sila pa ay nag-aaral pa lamang. si sir edgar ang naghimok na tumuloy sila sa pagbabanda.

maaaring ang ibang parte ng aking kuwento ay may mali. iyon lang naman ang aking nalalaman kaya't pagpasensiyahan na kung mali ang impormasyon kong nakuha mula sa aking mga sorses.

salamat.

forever boy bawang!

Wednesday, September 06, 2006

POKEMON MANIA

eto ako ngaun. palaro laro at pauboubo at huwag nating kalimutan ang aking pasinghot singhot. mjo matagal na nga akong nawala sa lugar na ito. at marahil alam niyo na ang dahilan kung binasa niyo ang aking previous entry. marahil nga e namiss ko talaga eto ng lubusan. hindi ko nga ito matanggal sa aking isipan. at pati na rin ang aking naipangako sa inyo: ung mga pic. huwag po kayo magalala. malapit niyo na po iyong makita.

tungkol naman sa renovation ng aking site. wala pa akong maisip na konsepto kaya hindi ako makapagsimula.

sa katunayan. naggagawa na ako ng mga script at format para sa aking nalalapit na pagbabago. isang pagbabago na kayong lahat ay mamangha. anu un? hintayin niyo na lang.

sa mga oras na ito ay marahil ay nagaadik ako sa pokemon. nais ko kasi itong tapusin ng walang mga cheats. gusto ko ay sarili kong sikap etong matatapos. at habang naglalaro ako e nakikinig naman ako sa aking mp3 player.

haaay. buhay nga naman. o sige mga tagapagbasa ko. salamat sa inyong pagtangkilik sa aking meriendang cornik. hanggang sa muli. magtoothbrush para huwag magamoy bawang. salamat!

Tuesday, September 05, 2006

marami e

waaah! ang rami ko ikukuwento ngaun.

tagal ko kasi nawala.

unahin na natin ung pagkapanalo namin sa chamber theatre.

ang chamber theater po ay isang kontest. dun po malalaman kung anung klassroom ang magaling umarte. apat kaming naglaban laban. ang nakaasyn sa amin ay el filibusterismo. at sa third year naman ay noli. bale kalaban nga namin ang third year. ilang linggo din namin iyong pinagtiisan. ami ngang ngyari sa aming mga praktises. pero sa likod ng mga iyon ay nakakagalak naman ang kinalabasan. kami nga ang nanalo.

bale tatlong karakter ang ginanapan ko. guardia sibil, juanito pelaez, at tandang selo. at isali nyo na din diyan ang pagiging propsman ko. ako kasi ang nagtutok ng electric fan kay simoun para magmukhang nasa barko.

hindi ko naman talaga sineryoso ung mga praktises dahil alam ko naman na mas kaya ko na sa mismong play galingan. hindi ko nga magawa ung boses ng matanda sa mga praktises. aba'y akalain mo sa mismong play e nagawa ko. mjo masaya naman ng nagawa ko iyong parte ko sa play. nakasigaw naman ako ng ayos ng naging guardia sibil ako. at ano pa ba. nagawa ko naman ang role ko sa pagigigng juanito pelaez.

haaay. buti nga at nanalo kami. kami ang panalo sa musical scoring, sa props, sa best actor at best actress. sabi nga ng aking mga kaklase. mas magaling talaga ang nagpupursige kay sa sa may angking talento na.

hehehe.

.....


at yung isa ko pang kuwento.

bale ng friday lang ako sinabihan na may swimming party. overnyt daw. kaya aun. agad agad na nagpaalam ako para makasama ako sa sabado. tapos tuwang tuwa ako. tapos last minute ng aking pagalis ay hindi ako pinayagan. kaya aun. nagdabog ako. at pinayagan naman ako. mga 830 na ako pinaalis sa bahay ng aking kaklase gawa nagsasaing palang daw. ata ayan sabi e pumunta na daw ako sa chowking sa may crossing. at aun. nagjip ako. e un pala e walking distance lang. ang tanga ko e. sayang ang pitom piso. tapos nagta=ext ulit sa akin. sabi e sa robinson's nalang daw. pota. ang init. angtaas taas ng araw tapos maglalakad uli ako. shit. kaya aun. punta lang ako. nasa UP pa pala sila para sunduin ung italiano kong kaklase pati na rin ung kano kong kaklase. naghintay ako ng mga ilang minuto. at hayan nagtext na uli. sabi e punta ka na sa simbahan. kaya aun punta ako. at doon ako sinundo. niloko nga nila ako. pik-up girl daw. kaya aun napatawa ako at nawala ang init ng aking ulo. habang nasa van ay nananahimik ako sa likod. hindi ko nararamdaman ang saya. para bang wala silang kasamang KIM. hoy mga tol! nandito ako. di niyo ba ako isasama sa pagsasaya niyo? napatahimik nalang ako at may nakapansin. sabi e. ay andito pala si kim. aun tawanan sila. pero di naman nakakatawa iyon e. ayan na sa may pansol na kami at papasok na sa may subdivision. at last na sa private resort na kami. tumulong ako sa pagbubuhat ng mga gamit. ok lang naman ang lugar. ok din ung pool. may bilyaran. may karaoke. air-conditioned ang mga kwarto. anim nga pala palang kami. si rey, ian, brent, carlos, elmer at ako palang ang nandoon. tinuturuan nila ako magbilyar. pero ayoko. ewan ko ba. sa loobloob ko e. cge, turuan niyo ako. pero di ko masabi. ewan ko ba. ayan mjo maramirami na. grupo grupo silang nagdatingan. at ako ay may nahanap na kausap. si alec. tahimik lang kasi ako pag ganoon. buti nalang ay dumating si alec. sinamahan ko siya sa mga kwarto para ilagay ang mga gamit. yes! andun pala ang iba at nanonood ng HOUSE OF WAX sa portable DVD player ni ian. nakinood nalang ako kesa naman manahimik sa isang sulok sa labas. kahit na sawang sawa na ako sa palikulang eto ay hala parin ako. iritan sila. samantalang kami ni alec ay nagpasya na bumili ng mga chips at maiinom. mahal pala dito. pero wala akong magagawa. bumili ako ng nova na nagkakahalaga ng 28 pesos at pepsi na 15 pesos. ang mahal naman talaga. aun bumalik na kami at binigyan pa ang iba. wala parin sila elmer dahil kumuha pala sila ng drumset at mg electric guitars para magtugtugan mamaya. saka kukuhanin na pala nila ang mga pagkain ata. ilang minuto rin kaming naghintay. at bumuhos ang malakas na ulan. gusto ko sanang magpaulan kaso ay nakalimutan ko pala ang aking shorts. kaya napilitan akong putulin ang aking isang maong para gawing shorts. ayan. pero hala. tumila na. baha nga sa may kalsada e. umuwi na ang iba. at ayan dumating na ang pagkain. chibugan na kami. rami pagkain. may anim na buong roasted chicken. ilang dosenang balot at penoy. burger steak. chicken adobo at ispagetti. rami din softdrinks at maari bang mawala ang mga bawal. ang mga beer, brandy, gin at whiskey. sarap. after nun. naligo na sila sa pool. at ako naman naghihintay na may makasabay maligo sa may kiddie pool. ayun si alec ang nakita ko. sabay kami nagpunta sa may kiddie pool dahil nga hindi ako marunong lumangoy. masaya naman. nagpaturo akong lumangoy kay alec. mahirap pala talaga. kaya nagpatagalan nalang kami sa tubig. nyahaha. pero naglakas ako ng loob na lumipat sa kabilang pool. at nagpaturo lumangoy... ulit. nagboluntir ang aking dalawang kabarkada. sina rober at karlo. life support system ika nga. pinasakay nila ako sa likod nila at dinala sa gitna. bigla nalang ibabagsak sa tubig at ayun. basta rami nangyari. sumakay pa nga ako sa likod ni rey at naglibot sa pool. masaya. masaya talaga. maggagabi na. nagalisan na ang iba hanggang sa apat na babae nalang ang natira. ayun. di parin ako umaahon. masaya kasi. para ngang nagbinyagan kami sa tubig. para bang binyag na part ka talaga ng barkada. ayun binuhat nila ako lahat. ako nga ay sigaw ng sigaw. hampas nga hampas sa mga ulo nila. at sipa ng sipa. hindi nga kasi ako marunong lumangoy. tatlong beses nga nila akong binuhat e. pero masaya. ayan naligo na ako ng mga 830pm. naguwian na ang mga babae at si mei nalang ang natira. at nagswimming na rin siya. nakakaakit si mei ng mga oras na iyon. ganda ng katawan niya. pero. anu ba ang nasa isip ko. kabarkada ko siya. (kung naguguluhan po kayo ay eto po: marami po akong kabarkada. hindi po kasama si mei sa barkada na puro lalake). sa akin niya pinapatingin kung tumaba na ba siya. kaya ako sabi ko. ok lang naman. aun. naligo na nga ako. nagpalit na. pumasok sa kwarto at nakipagtext kung kanikanino. nakipagaaway pa nga ako sa isang first yr e. pumasok ang iba kong kabarkada. bakit daw ayoko kong makisaya. tapos sabi sa akin ni pael. kim, tabi tayo pag masikip na. kaya sabi ko ok. tapos narealise ko na. aun. may paki pala sila sa akin. kasi kung nabasa niyo ang mga nakaraan kong mga entries ay alam niyo naman ang posisyon sa barkada yung hindi pinapansin. kaya aun. nagpasya ako na lumabas na. nagsimula na pala ang inuman. at paalis na rin si mei. kaya aun. uminom ako ng konting red horse. tapo nun. wala palang san mig light kaya nagpasama ako kay duds para bumili sa labas. bumili kami ng dalwang san mig lyt at isang kaha ng sigarilyo. nagbalik kami. nakalock na. sigaw kami ng sigaw. at last nakapasok na kami. naginuman. tinuruan ako ni vin maglagay sa baso ng beer para di bumula. sarap. ang pulutan ko ay burger steak. sarap kahit na bawal. e wala namang nanonood na magulang e. at dumating ang mom ni elmer. chineck lang kung ok ba kami. pero umalis din. nagpaiwan si kuya emerson na kapatid ni elmer. gumawa siya isang drink na napaksarap. juice un namay alkohol pati kape na may alkohol. sarap talaga. nakatatlong baso ako sa juice at dalawat kalahati naman dun sa may kape. ang iba ay lasing na. lalo na si carlos. si floyd naman ay namumula. nagpaturo ako manigarilyo. sarap pala. nakawalo o siyam sa istik ako. sarap. kaya ngaun ADIK ang tawag sa akin gaw ambilis ko daw makaubos ng isang istik. panu daw kasi hithit ako ng hithit. tapos habang naninigarilyo ako ay nagpasya sila na magopen forum. di ko nasabi ang aking hinanakit sa kanila. hinayaan ko nalang lumipas iyon. nagkuwentuhan ang lahat. tawanan. saya. sana ay di matapos ang gabing ito. ang iba ay nagswimming pa. dahil nga nakaligo na ako. hindi ako makapagswimming. kaya sabi ni vin. magbihis daw uli ako at pumunta ulit sa pool. may open forum daw uli. tinuloy nga namin. di ko parin masabi. ang raming sikreto na nalamn ko. at talagang itatago ko to. mahirap na. baka mangyari uli ung nangyari dati. kaya aun. ang iba ay nagsusuka na sa may banyao. naligo na sila ng diretso. tapos ay konti nalang kaming natira. nagpasya kami kasi na huwag ng matulog at sa bahay nalang. nasa pool parin kami. buong st. felicity lang ang nandoon. exep kay pael dahil natulog na. labasan ng sikreto. kwentuhan. basta aun. dinamayan namin si rober dahil nga namatay ang kanyang ama. last last last week. kung anu anu ang pinagkwentuhan namin. hanggang sa tatlo na lang kami. at nagpasya na maligo na. sarap ng tubig sa banyo. mainit init. para ngang nilalapnos ang aking balat. nagbihis na ako. at diretso sa may bilyaran. nagbibilyar ang dalawa. ako naman ay napaidlip. madaling araw na kasi noon. nagising ako sa kwentuhan ng dalawa. kala ko nga ay nananaginip ako. mjo tahimik na kami noon. pero nagpasya sila na matulog na lang. at ako naman sabi ko. maglilinis na lang ako sa labas. wala kasi akong magawa e. kaya aun. linis lahat. simot lahat ng nagkalat na mga sigarilyo at beer. malinis na. mjo umaga na. naghahanap ako ng toothpaste. wala akong mahanap. nagimis na ako ng gamit. at inilabas ko na. dumating ang mom ni elmer. pinagbayad kami ng tatlong upuan na nasira at pati ung nasira ni brent. ginawa ba namang monkey bar ung parang bubuong ng pool kaya aun sira ang welding. uwian na. sabi ni migel sabay na ako sa kanila sa pagcommute. ililibre daw niya ako. kaya aun. di parin kami alis. at last may toothpaste na. nagtoothbrush na ako. at naghintay ng ilang oras. at umalis na. papasuka pa nga si vin. ang iba ay sumabay sa van. ung mga nalasing lang kagabi. kami naman nina migel, pael, karlo, rober. at kung sinusino pa ay nagcommute. bumaba kami sa may jollibee. bumili sila rober at karlo para mabarya daw ang pera. umuna na ako. malapit lang naman bahay namin dun. at pagkauwi ko ay binuksan ko na ang tindahan. nagbantay ng sandali at nakatulog. 830 na ako ng umaga nakatulog nun. at nagising ako ng 600 ng hapon.

masaya talaga ang nangyari ng araw na iyon. sana ay maulit.

at masasabi ko na TJ na talaga ako.

Saturday, August 26, 2006

paxenxa

pasensiya na kung di ko agad maipupublish yung mga pic namin kanina. nakadial-up lang kasi kami. by monday meron na. pangako. pasensiya na.

para lubos niyo akong makilala itext ako.

09273072663

huwag niyo po akong lokohen.

hindi textmate ang hinahanap ko.

kausap ho.

may pagkakaiba po iyon.

NEVER BEEN this FUN!!!

whattaday!! ansaya talaga. sana maulit to. sana araw araw. sana magkakapitbahay nalang kaming apat. masaya siguro yun. lagi kaming nagtitipuntipon sa isang bahay at nagkukuwentuhan

eto ang buong pangyayari:

nagkitakita kami sa vega ng mga 830. c mico ang huling dumating. hatid sundo nga kami ng drayber nila jo. masaya naman sa pick-up. hindi ko inaasahan ang nakita ko pagdating ko ng calauan. mejo hindi yoon ang iniexpect ko na bahay nila jo. ok naman. ineentertain naman kami ng una. nanood lang kami at naginternet sa kanila. mjo boring nga lang. at parang walang bisita sila. ok lang naman. kaso iniiwan kami ni jo. kaya aun. nagdesisyon na kaming umuwi na sa los baños. kaya aun. umuwi na kami. kumain sa mcdo. dapat nga sa bahay kami kakain kaso wala palang ulam sa bahay.

ayan. napagdesisyunan na namin na pumunta nalang sa bahay namin at doon manood ng movie. sumakay kami ng dyip at natahimik kaming lahat. ayan asa bahay na kami. mejo ok. tahimik pa rin. humiram nga din pala kami sa video city ng vcd. white chicks. sa computer lang kami nanood gawa sira yung tv namin. ok naman. malinaw naman e. pinaghanda ko rin sila ng makakain. galing iyon sa aming tindahan. apat na nova at isang 1.5 na coke light. ayan. kala ko di nila mapapansin ung hinanda ko gawa nga kakakain lang namin sa mcdo. pero portsuneytli, kinain nila. at naubos naman. masaya ang aming panonood. nagcr sila ng tapos na ang disc 1. mjo napapansin ko nga na OP si mico. pero wala akong magagawa di pa naman kasi kami ganoon kaclose. kaya aun. matatapos na ang movie. pagkatapos ng movie kinakabakabahan ako. kala ko uwi na sila. pero buti hindi. itinour ko sila sa buo naming bahay eksep sa kuwarto ko. magulo kasi. ayun. tawanan. tawanan. at tawanan. masaya. pinakito ko nga sa kanila yung aking mga baby pictures at pati narin ng bata pa ako at pati na rin yung sa aking kapatid. maraming piktsur teyking na nangyari. ipupublish ko nga iyon dito. mayamaya pa. basta ayan. lalo akong kinabahan. gumawa ako ng paraan para di agad sila umalis. pinakitaan ko pa sila ng mas maraming picture. pero ang masasayang oras ay natatapos rin. kaya ayon. gabi na raw at kailangan na nilang umuwi sa kanikanilang lingga. kaya auyun. hinatid ko sila sa pagsasakyan nila ng dyip at pagkatapos nun ay ako'y umuwi na. kumuha ng 30 sa aking nanay para panload. na ipantetext ko sa kanila. tinext ko sila ng ingat. nagsori naman ako kay mico dahil naOP daw siya. kaya aun.


sana maulit itong ganitong pangyayari.

di ko talaga malilimutan ang araw na ito.

maituturing ko na talaga silang mga kaibigan.

o di kaya ay aking mga matatalik na kaibigan.

nyak! corny ko e. umaamoy na naman ako. kaya't wala pang bampira ang lumalapit sa akin. nyahahaha! di ko makonek. hehe.

o cge. kailangan na akong igisa.

naoobses na talaga ako sa iskreen name ko e.

Friday, August 25, 2006

later

it's been a while since i updated my blog. i've been too busy lately. been studying. the fact na mababa ang tests mo, would you still ignore that.

CAT is running in and out of my head this past few days. i'm really nervous about next week's CAT. sir gatmaitan might fail me in his pain-in-the-ass curricullum.

tagalog na nga lang!!!

paano ba naman. ilang araw na akong absent. wala naman kasing matututunan sa CAT e. hindi naman kami magkakatarabaho pag nag aral ako ng CAT. tapos hindi pa kapanipaniwala na nagtuturo yoon ng CAT kasi malaki ang tiyan. hay.

kakatapos ko nga lang pala maginstall at maglaro ng pokemon sapphire. masaya naman. hehe.

aun lang. not in a good mood to talk (i mean to type). so catch you later. maybe i'll be in the good mood to type later. (redundant na ang later)

Sunday, August 20, 2006

mga kabalastugan

waaah! sunday nanaman. bukas monday na. buti na lang walang pasok bukas. kinakabahan na naman ako pumasok. bukod sa mabababa ang grades ko e di pa ako nakaattend ng CAT

waaah! tama na. lalo akong kinakabahan pag pinaguusapan ang mga tungkol dito.

. . .


wala ako maxadong maisip na maikwento kaya eto na lang ang aking ikukuwento:

sa aming magpipinsan ako ang pangalwa sa pinaka. anu bang term ang tawag dun? ahm? naexperience? o pinakapasaway?
di ko alam. basta. una ang ate ko. siya na siguro ang pinakatopak sa lahat. nagforge ng signature. lumayas. at kung
anu-ano pa.

nasabi ko na ako ang pangalwa sa pinaka dahil. napagdaanan ko na ata lahat ng napagdaanan na mga kabalastugan ng aking kapatid.

ilan lang ng mga kalokohang aking ginawa ay ang mga sumusunod:

1.) lumayas at nag-out-of-town (sa CAVITE ako nakarating)
2.) gumamit ng kodigo sa exam at nahuli (ung ang rason kung ba't ako lumayas, babaw no?)
3.) nagnakaw ng wallet ng aking kaklase (panu ba naman nagastos ko ung pera ko e aun, 4400 na lang pera ko. e tamantama may 600 ang kaklase ko kaya go lang ako. KLEPTO ata ako)
4.) nanggulo sa mga blogsite ng kaibigan ko at pinagmumura sila
5.) naging pedophile(?) nagpakita ng etits sa bata (shhhh! kakahiya naman, totoo po un at nagsisisi na po ako)
6.) sinawsaw kung saan-saan ang tooth-brush ng ate ko (sa pork broth, sa may daanan ng tubig na puro lumot, etc)
7.) bumili ng mga x-rated na vcds at pinanood sa aming tv (ok lang naman un diba?)
8.) manduro ng gunting sa aking mga pinsan (10 pa lang ako nun)
9.) mambugbog at mambully ng kaklase ko ng grade5 pa ako ( pano naman kasi inaaway nya ung kaibigan ko, pinagtanggol ko lang naman)
10.) magm*****bate sa iskul ( waaah! lahat naman ginagawa un e)
11.) magm*****bate sa may lababo ng aming bahay
12.) gupitan ng buhok ang aking kaklase ( e di ko naman sinasadya un e)
13.) magcutting classes ( lahat naman ginagawa un e)
14.) hinayaang kumain ang walang malay kong 2 y/o na pamangkin ng itlog ng ipis ( aba! di ko kasalanan un, subo siya ng subo e)
15.) magsakitsakitan para lang hindi pumasok
16.) nakalimutan ko na ung iba...


kung tutuusin wala pa ata yan sa kalahati ng aking mga kalokohan. lahat naman tayo dumadaan sa ganitong stage di ba. kaya marahil ay nagawa na ninyo ang iba jan.

saka. kung kinasusuklam niyo na ako at ikinakahiya e ok lang. di naman kayo kawalan e. saka bakit ba? e wala naman ako sa wastong pagiisip ng mga oras na iyan(wala nga ba?). saka ung iba jan masayang gawin kaya ko nagawa.